Alfred Vargas on actors in politics: “Ang daming nanalong artista, ang dami rin natalong artista. So, walang formula.”

Damang-dama na ni Alfred Vargas ang pulitika base sa kanyang pananaw. Lahad niya: “Parang hindi guarantee kung mayaman ka, mananalo ka. Kung dynasty ka, mananalo ka o kung artista ka, mananalo ka. Kung incumbent ka, mananalo ka.”


Mula sa pagiging konsehal, isa nang congressman ang actor na si Alfred Vargas sa 5th District ng Quezon City.

Kahit paano, nasubaybayan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang naging political career ni Alfred.

Kahit nasa pulitika na siya, madalas ay naibahagi pa rin niya ang mga ginagawa bilang isang konsehal at mga nangyayari sa kanya noong kampanya.

Nang dumalo ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ipinatawag niyang thanksgiving presscon, sinabi naming matunog ang pangalan niya at malaki ang posibilidad na mananalo siyang congressman noon pa.

Sabi naman niya, “Hindi, medyo positive ako. Hindi ko expected, pero, medyo hopeful ako... positive.

“Pero hindi ko inaasahan na ganoon kalaki ang lamang—43,000 votes.”

VINDICATED. Mahigit 69,000 daw ang botong nakuha ni Alfred habang ang sumunod naman sa kanya ay 26,000 votes lamang.

Ang isa sa nakalaban niya ay si Annie Susano na matagal nang pulitiko sa Quezon City at puwedeng sabihin na para siyang bumangga sa pader.

“Ang tawag nga sa akin ngayon, dragon slayer, e,” natatawang sabi niya.

Ano ang pakiramdam niya na siya ang nakatalo?

“Feeling ko, may vindication din tayo. Kasi, sabi nila sa akin, ‘Artista lang si Alfred.’

“Sabi nila, wala raw akong pinag-aralan. Hindi ko nga alam kung bakit nila nasabi yun.

“Hindi raw ako qualified… Hindi ko na lang pinansin,” pag-amin niya.

For the record, si Alfred ay grumadweyt ng kolehiyo sa Ateneo de Manila.

Sabi naman niya, “Actually, hindi ko na lang pinansin. Tapos yun—landslide.

“Very thankful lang talaga ko. Ngayon, tapos na, trabaho na,” saad niya.

THANKSGIVING. Pag-amin naman ni Alfred, kinabahan din siya noong eleksiyon dahil sa nababalitaan niyang bilihan ng boto.

“Massive vote buying, kinabahan din ako. Pero, pagdating naman pala ng botohan, yung mga tao, alam na nila kung sino ang iboboto.

“Alam na nila kung sino. Tapos, yun na, hindi naman nakaapekto masyado ang vote buying,” pagpapasalamat niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano niya ipinagdiwang ang pagka-panalo niya ngayon sa bagong posisyon bilang congressman?

“Ang una kong ginather, yung mga staff ko at mga leader ko—nag-lunch kami, thanksgiving.

“Actually, never naman akong nagkaroon ng victory party… always thanksgiving.

“Thank you kay Lord, thank you sa mga tao na nasa akin.

“Kasi, yung tagumpay naman na ito, hindi naman dahil sa akin.

“Masuwerte lang ako dahil yung mga tao sa paligid ko, mababait and they are very wonderful people.

“Sa public service, ang gagaling ng mga tao sa council noong councilor ako.

“Dito naman sa showbiz, nandiyan sila Nay Lolit [Solis], nandiyan kayo.

“Suwerte lang ako na yung mga tao sa paligid ko ay mga wonderful people.

“Ang mga pinasalamatan ko ay mga wonderful people tulad ngayon,” diin niya.

FAMILY VICTORY. Kumusta naman ang pamilya niya sa pagka-panalo niya?

“Very, very happy ang family ko kasi, mas involved ang family ko ngayon than the last election.

“Kasi, sumama na sila. Kasi, ‘Teka lang, Alfred, one-on-one na ito, talagang totodo kami ngayon!’

“Lalo na ang Mom ko, may cancer. Sabi ko sa sarili ko, kapag hindi ako lumusot dito, mas lalo akong makakaragdag sa problema ng Mommy ko.

“Kapag napanalo ko naman, makakabawas ako ng cancer cells niya,” pabiro niyang banggit.

Pero ayon kay Alfred, sa palagay raw niya, kung meron man tao na “very proud” sa kanya ngayon, ito ay ang namayapang ama.

“Yung magiging proud talaga sa akin ngayon, yung Daddy ko, kung buhay pa siya ngayon—pangarap niya ito.

“Ang daddy ko kasi, campaign manager sa Bulacan… King Maker. Always a King Maker but never a King.”

Sa parte ni Alfred, hindi daw niya masasabing pangarap niya talaga ang maging pulitiko.

Paliwanag niya, “Actually, happy naman ako sa pagiging artista.

“Although noong bata ako, sergeant-at-arms na ako sa class, vice-president, may mga leadership-leadership...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, kapag may opportunity… So far, dito tayo ni-lead ng Diyos, sa public service. So, feeling ko, calling ko ito.

“Sa showbiz naman, basta makagawa lang ako ng isang pelikula o telenovela in a year, okay na sa akin,” pagbabalik-tanaw niya.

PLATFORM. Ngayong isa na nga siyang congressman, anu-ano na ang mga plano niya?

“Sa District ko, sa legislative naman, sa pagiging congressman, magpapasa muna ko ng apat na batas na nag-e-establish ng high school sa apat na barangay na nangangailangan ng high school.

“Tapos, ang pangako ko naman sa tao… trabaho, pabahay at edukasyon.

“So, sa trabaho, mag-aano tayo, tutulungan natin sila sa placement ng employment.

“At saka, i-empower natin yung small and medium-scale employment.

“Yung mga tindera, maliliit na negosyante, mga vendors, i-e-empower natin sila.

“Tapos, sa pabahay naman, itutuloy natin ang pabahay projects ko… sa edukasyon, scholarship,” lahad niya.

ACTORS-POLITICIANS. Masuwerte si Alfred sa pagtakbo niya, pero, may mga artista rin na hindi talaga pinalad.

Ilan nga sa mga ito ay sina Richard Gomez na tumakbong mayor ng Ormoc City at Aga Muhlach na tumakbong congressman sa Camarines Sur.

Sabi ni Alfred, “Alam mo, lahat sila idol ko, ha? Lahat sila kakilala ko, kaibigan ko.

“So, medyo mabigat din ang dibdib ko dahil ganoon. Sana nga lahat ng artista nanalo talaga.

“Kaso lang, hindi talaga. Kasi ngayon, ang pulitika ngayon, iba na.

“Parang hindi guarantee kung mayaman ka, mananalo ka. Kung dynasty ka, mananalo ka o kung artista ka, mananalo ka. Kung incumbent ka, mananalo ka.

“Kasi, ang daming nanalong artista, ang dami rin natalong artista. So, walang formula.”

SHOWBIZ PLANS. Kinuamusta rin namin kay Alfred kung nakikita na ba niya ngayon ang sarili na buong-buhay niya, sa pulitika na nga siya.

Sabi naman niya, “Hindi ko puwedeng tanggalin yung pagiging actor ko.

“Kasi, yun ang may creative thirst ako palagi. Tulad noon, nagawa ko ang Supremo, happy na ’ko… at least, may katuturan,” pag-amin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung sakali raw, ang plano namang gawin ni Alfred ay medyo light story naman.

Pero ano nga ang plano niya ngayon sa kanyang showbiz career?

Saad niya, “Magpapapayat muna ako.

“Yung 45 days, nag-gain ako ng fifteen pounds. Bawat punta ko, may pansit akong kinakain.

“Hindi kasi ako umiinom, kaya kapag nag-offer ng shot, hindi ako iinom, pagkain ang io-offer, yun ang kinakain ko.

“Ngayon, nagdyi-gym ako, nagbo-boxing ako,” dagdag niya.

CHURCH WEDDING. Isa pa sa plano ni Alfred ay ang magpakasal sila ng asawa niya sa simbahan.

Sa isang linggo, magbabakasyon sila sa Italy at pagbalik niya, kasama na niya ang panganay nila.

“Pasukan na kasi, kaya yung panganay, kasama kong uuwi. Yung misis ko at yung bunso, mag-i-stay pa sila, siguro one month sila doon.”

Kailan niya planong gawin ang church wedding nila?

“Ang talagang plan namin, 2014, matagal pa naman.

“Ang importante naman, yung marriage kesa sa wedding,” pagtatapos niyang kuwento.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN