Nora Aunor mourns death of "primera kontrabida" Bella Flores

Ikinalungkot ng Superstar na si Nora Aunor (kaliwa) ang pagpanaw ng batikang aktres na si Bella Flores (kanan), na gumanap na kontrabida sa napakarami niyang pelikula.


Kasabay ng pakikisaya ng mga tagahanga at mga kaibigan ni Nora Aunor, na nagdiwang ng kanyang 60th birthday last May 21, ay ang kalungkutan naman ng buong industriya sa pagyao ng iconic villainess of Philippine cinema na si Bella Flores.

Bella—who is Remedios P. Dancel in real life—passed away at age 84 last May 20 at Quezon City General Hospital. She is survived by her only daughter, Ruby Arcilla.

Sa napabalitang pagpanaw ng malaon nang nakakasamang character actress, bilang kontrabida sa marami niyang mga ginawang pelikula mula pa noong late 1960s, ay labis na nalungkot si Nora.

In fact, bago pumanaw si Bella—whom Nora calls “Ate Bella”—ay nagpahayag ang Superstar ng hangaring personal na dumalaw sa kaibigang aktres. Pero dahil sa sunud-sunod na kaabalahan ay hindi iyon natuloy.

Sabi ni Nora, "Kaya nalungkot ako nang mabalitaan kong siya’y sumakabilang-buhay na."

Sa kanyang birthday tribute noong May 21, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang taga-media si Nora. Ang isa sa mga napag-usapan ay ang tungkol sa namayapang aktres.

Sabi ng isang taga-media, yumao na ang labis na "nagpahirap" kay Ate Guy noon.

Sagot ni Nora, "Hindi naman pinahirapan... sa pelikula lang ’yon.

"Isa sa mga napakabuting tao, at napakabait na tao, at napakagandang kasama sa trabaho si Ate Bella.

"At masayahing tao ‘yan."

Kasalukuyang nakalagak ang mga labi ni Bella Flores sa Loyola Memorial Chapels, Commonwealth Avenue, Quezon City.



NORA’S "TORTURER.” Sa mga napagsamahan nilang mga proyekto ni Bella, sa pelikula man o sa telebisyon, anu-ano ang tumatak sa isip ni Nora?

“Yung mga pelikulang ginawa namin sa Sampaguita Pictures... kadalasan siya yung kontrabida," sagot ng Superstar.

Kahit noong teenager pa lang si Nora ay marami na siyang pelikula na si Bella ang nagkontrabida.

Ang ilan nga sa mga ito ay ang mga sumusunod: ’D Musical Teenage Idols (1969), Orang (1970), Nora In Wonderland (1970), at Kung May Gusot, May Lusot (1972).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

In later years, gumawa ng pelikula sina Nora, Tirso Cruz III, at Christopher de Leon sa Regal Films, ang Mahal Mo, Mahal Ko (1978). Ginampanan dito ni Bella ang role ng matapobreng ina ni Pip.

Si Bella naman ang istriktang tagapamahala ng ahensiyang nagre-recruit ng mga magtatrabahong maid sa klasikong Atsay (1978), na idinirek ni Eddie Garcia.

In the ‘80s, nagkasama rin sina Nora at Bella sa isa sa mga classic films ng Superstar—ang Bulaklak Sa City Jail (1984) na idinirek ng namayapa na ring si Mario O’Hara.

Gayundin sa Tinik Sa Dibdib (1985) na idinirek ni Leroy Salvador.

Also, in late ’80s, tampok si Bella bilang isa sa co-stars ni Nora sa special episode ng Balintataw titled "Unos Sa Bawat Panahon", produced by PTV-4 and directed by Nick Lizaso.

Bilang character actress na nagsimulang gumanap sa pelikula noong 1950s, nakagawa na si Bella ng mahigit 200 films.

Samantala, pang-179 na pelikula ni Nora ang bago niyang lead-starrer na indie film na Ang K’wento Ni Mabuti.



PRIMERA CONTRAVIDA. Hindi lang si Nora ang nagdanas ng mga "hirap at alipusta" sa mga kamay ni Bella, bilang "primera contravida" o "archetypal villainess" of Philippine movies and television.

Maging ang mga sumunod na henerasyon ng mga dramatic actresses, tulad nina Maricel Soriano at Judy Ann Santos, ay hindi nakaligtas sa malulupit na kamay ni Bella.

Sabi ni Nora, "Yung gano’n... nananampal at nananabunot siya!"

Pero off-camera, mabait daw si Bella at siya ang unang-unang nag-aalala para sa mga "napapahirapang" co-actors.

"Opo, natatakot siya," pagtukoy ni Ate Guy.

"At binibiro nga niya ako na sabihin daw sa fans na kunyari lang o pag-arte lang at doon lang [sa set]… bilang artista.

"Yun ang lagi niyang sinasabi sa akin."

Bilang pangunahing kontrabida sa pelikula at telebisyon, nanalong Best Supporting Actress sa FAMAS si Bella noong 1967 para sa pelikulang Ang Kaibigan Kong Sto. Nino.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Iyon naman ang taong nanalong grand champion sa Tawag Ng Tanghalan si Nora.

Last year, 2012, isang tribute of sorts para kay Bella ang romantic-comedy film na My Kontrabida Girl ng GMA Films, starring Rhian Ramos and Aljur Abrenica.

Sa nasabing pelikula na idinirek ni Jade Castro ay may special cameo appearance si Bella, kung saan nagbahagi siya ng mahahalagang pointers sa mga bagong artista, kung paano ang epektibong pagganap sa mga papel ng kontrabida.



SENIOR CITIZEN. As she turns 60, isa na ring certified “senior citizen” si Nora.

At hindi niya ito ikinahihiya, tulad din ng namayapang si Bella na noong nabubuhay pa ay hindi itinago ang kanyang edad.

Katuwiran ni Nora, "Alam mo, lahat tayo’y dumadaan doon… o darating doon.

"Kaya hindi natin puwedeng itago at hindi puwedeng... mas dapat nga ay ipagmalaki natin dahil nakaabot tayo sa ganitong edad, di ba?

"Yung marating natin ang ganitong edad ay dapat ipagmalaki natin at ikatuwa natin.

"Yun na lang ang isipin. Na nakakapagtrabaho pa rin tayo, nakakagawa pa rin tayo ng puwedeng ikasiya ng mga tumatangkilik sa atin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN