Zanjoe Marudo on being tagged as "Prince of Comedy": “Ayoko naman ipasok sa ulo ko baka mamaya magka-attitude na ako.”

Zanjoe admits the he feels jealous seeing photos of Sam Milby and Gerald Anderson at Cannes but explained that he wasn’t able to join them because of work, "Hindi naman lahat puwedeng gawin, di ba? And iyon yung napili ko na isakripisyo muna dahil nga meron akong dalawang ginagawa dito sa Pilipinas."


“Maraming nangyari sa akin dahil sa pelikulang [Bromance] ’to.

“May mga taong walang pakialam sa akin noon, na ngayon nagkakaroon na sila ng interest sa akin kahit papano,” masayang kuwento ng Bromance lead star na si Zanjoe Marudo matapos ang successful opening day ng kanyang kauna-unahang pinagbidahang pelikula.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na makakuwentuhan ang ngayo’y binabansagang Prince of Comedy na si Zanjoe.

Sa second day ng nationwide screening ng Bromance ay kumita na ito ng 50 million na sinasabing pinakamalaking earnings under Skylight Productions.

Masayang ibinahagi ni Zanjoe ang nararamdamang tuwa.

Aniya, “Nakakatuwa kasi at least mayroon na tayong nagiging basehan.

“At nakakatuwa talaga na mabuti ganun yung nangyari.

“Mabuti at kumita siya ng ganun dahil utang ko ’to sa kanila, kasi sila ang nagbigay sa akin ng ganitong project.

“Sila yung nag-isip ng ganitong klaseng concept... sila yung naniwala,” pagpapasalamat niya.

PRINCE OF COMEDY. Marami na nga ang nakapanood ng Bromance at nakapansin sa kakaibang galing ng pagganap ni Zanjoe dito.

Ang naging pabirong sagot ni Zanjoe, “Siyempre ano pa bang gagawin ko?

“Tinawag nila akong Prince of Comedy, e di titingin na lang ako, ’O bakit?’”

Pero ang seryosong reakyon ni Zanjoe, “Ang hirap naman, isang pelikula pa lang, e.

“Ayoko namang hindi magpasalamat sa mga ganung puri o sinasabi kasi dapat maging masaya ako na ganun yung nasasabi nila.

“Pero ayoko naman ipasok sa ulo ko baka mamaya magka-attitude na ako.

“Ayoko lang isipin yung mga ganun kasi baka maka-apekto sa kung ano man yung ginagawa ko ngayon, e.”

Maraming nagsasabi na ginawa talaga ang pelikulang Bromance para kay Zanjoe at nagamapanan niya ng mahusay ang kanyang role.

Masayang kuwento ni Zanjoe, “Nakakatuwa na natatawa sila do’n sa mga eksena at punchlines sa Bromance kasi dun sa set natatawa kami, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, nakakatuwa na ’pag pinapalabas sa sinehan, umaabot din sa viewers kaya ang galing din nung mga nagagawa ni Direk [Wenn Deramas] na mga punchline kasi nga hindi namimili ng tao... kung baga para sa lahat.”

VERSATILE ACTOR. Marami rin ang nakapuna sa galing ni Zanjoe na mag-switch from drama to comedy and vice-versa. At ngayon nga ay nagawa na rin niya ang pag-switch from boy to girl at girl to boy para sa kanyang pelikula.

Sabi ng actor, “Ako naman nagtatrabaho lang naman ako... di ko naman ’to sinasadya na gagawa ako ng comedy, gagawa ako ng drama, gagawa ako ng ganito para maging o masabihan ng versatile.

“Pero ako tinatanggap ko kung alam kong kaya ko.

“So mabuti na lang kahit papaano nagagampanan ko sila ng tama.

“Mapa-drama man o comedy.”

Dagdag pa niya, “Hindi naman siguro nagsisisi yung mga kumukuha sa akin.

“Dahil hindi naman nila ako pagkakatiwalaan kung hindi naman nila alam na magagawa ayon sa kagustuhan nila.

“So nakakatuwa na kina-cast ka sa comedy and naniniwala din sila sa ’yo sa drama.”

Sunud-sunod ang dating ng blessings kay Zanjoe, kasama na rito ang pagkakasali ng art film na ginawa niya na Death March sa Cannes Film Festival. Nakasama niya rito sina Sam Milby at Jason Abalos.

CANNES FILM FESTIVAL. Excited si Zanjoe nang malaman niya na makakasama ang pelikulang Death March sa Cannes Film Festival pero sa isang banda ay nalungkot siya nang hindi makasama sa red carpet premiere ng nasabing film festival.

Sa kasalulukuyan ay nandoon sina Sam Milby, Piolo Pascual, Gerald Anderson at Rayver Cruz para irepresenta ang Pilipinas.

Inamin ni Zanjoe na kailangan niyang isakripisyo ang pagpunta doon para tapusin ang mga commitments niya dito sa bansa, “Okay naman ako.

“At saka nung umpisa nakaka-excite... hindi naman lahat ng artista nabibighyan ng pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi lang sa Pilipinas [kundi] sa buong mundo.

“Lahat ’yan gusto maglakad sa red carpet ng Cannes.

“E, wala... kailangan natin mag-sakripisyo ng ibang bagay.”

Pagpapatuloy niya, “Hindi naman lahat puwedeng gawin, di ba?

“And iyon yung napili ko na isakripisyo muna dahil nga meron akong dalawang ginagawa dito sa Pilipinas.

“Hindi ko naman puwede iwan dahil taga dito ako hindi naman puwedeng mag-stay na lang ako sa Cannes... do’n na lang ako tumira... aawayin ako na mga tao dito sa Pilipinas.

“Siyempre, di ba? Kailangan mo mag-sacrifice... kailangan mo mamili. And hindi naman mawawala ’yon kung makakagawa ako ulit ng iba pang art film, ’di ba?

“Ipapasa at ipapasa rin naman do’n... puwede naman maulit kung talagang tinatadhana naman. At marami namang representative do’n, e.”

Pabirong hirit ni Zanjoe, “Nandun sila Gerald, Piolo, Sam at Rayver at saka sila yung magagaling mag-English kaya sila na lang do’n.

Hindi ba siya naiinggit sa mga picture na pinu-post nila Sam at Gerald sa Instagram?

“Oo, nainggit ako pag nakikita ko sa Instagram pero okay na ’yon.

“Nandun naman ako, e... nandun ako sa film.

“Napanood naman ako do’n.

“At least ’di ba... nandun yung director ko, yung mga kasama ko sa pelikula... so kahit papano mayroong nandun para madala yung Pilipinas dun sa Cannes.

“At saka marami pa namang pagkakataon... hindi pa naman ito ang huli ng Cannes so grateful na lang ako na nakasama doon yung pelikula namin at nandun yung pangalan ko sa movie na Death March.”

BEA AS HER NUMBER ONE FAN. Dati raw ay si Bea lang ang bukod-tanging audience ni Zanjoe pag nagpapatawa siya na kahit anong gawin niya ay tawang-tawa.

Pero ngayon ay nagbabayad na ang mga tao para mapanood siyang magpatawa.

Kinuwento ni Zanjoe kung paano napapatawa ang girlfriend na si Bea, “Siya lang ang audience ko ’pag nagpapatawa ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo naman ’yon, koting ano ko lang tumatawa na, e.

“Talagang naniniwala siya sa akin pagdating sa mga ganyang klaseng proyekto, natutuwa siya na may iba nang nakakakita... may iba na ring tumatawa.

“Minsan nga siya yung kinu-congrats pag nakikita siya ng tao,” dagdag niyang kuwento.

Gaano ba katotoo na pinagiipunan na ni Zanjoe ang ibibigay na singsing kay Bea kapag nag-propose ito?

Paglinaw niya, “Ring? Ring? Ring?

“Marami, marami tayong pinag-iipunan hindi lang naman yung mga ganung bagay, marami tayong priority sa buhay.

“Future ang pag-iipunan, hindi naman naka-specific sa isang bagay lang.”

Pero bukas ba siya sa posibilidad na maka-trabaho ulit si Bea sa isang proyekto?

“Oo naman, kung maganda yung project.

“Marami naman kaming dapat gagawin pero hindi lang talaga nagkakatugma-tugma.

“Pero siyempre, nandun pa rin yung nag-hesitate ka dahil mahirap magtrabaho, e... kung sinasama mo sa personal ’yon, minsan naapektuhan talaga hindi maiiwasan ’yon,” pagtatapos niyang pag-amin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN