Daniel Padilla defends Kathryn Bernardo against "umbrella" issue

Bilang kapareha ng young actress na si Kathryn Bernardo, ipinagtanggol agad ni Daniel Padilla ang dalaga sa kumalat na balitang sinisigawan diumano nito ang kanyang personal assistant kapag hindi napapayungan sa init ng araw.


Ipinagtanggol ni Daniel Padilla ang kaparehang si Kathryn Bernardo sa report na sinisigawan daw ng young actress ang kanyang personal assistant tuwing nakakalimutan nitong payungan si Kathryn kapag nasa gitna sila ng arawan tuwing shooting o taping.

Ayon pa sa lumabas na kuwento, ngayon daw kasing pumuti na si Kathryn ay iniiwasan na nitong bumalik ang dati niyang kulay kung kaya’t very conscious daw ito sa tuwing naarawan.

Pero sabi ni Daniel sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Ako ang sasagot niyan—hindi totoo ‘yan!

“Si Kathryn, hindi siya ganun, hindi siya ganung tao.

“Hindi puwede ang ganun sa akin.”

Dagdag ng young actor-singer, ang intriga kay Kathryn ay parang katulad lamang ng lumabas na report na may sinabi raw siya tungkol kay Anne Curtis.

“May mga ganyang balita, ganyan, di ba?

“Sabi sa diyaryo daw, sinabi ko raw kay Anne na pangit ang boses niya.

“Bakit naman natin aanuhin, di ba? Anne Curtis siya…

“Kaya ninyo bang pumuno ng Araneta gaya ni Anne, di ba?

“Bakit ko naman sasabihin yun kaya kay Ms. Anne? Hindi po yun totoo.”



GOT TO BELIEVE. Pagkatapos ng mainit na pagtanggap ng mga manonood sa tambalan nila sa teleseryeng Princess And I, isang panibagong soap muli ang pagbibidahan nina Daniel at Kathryn—ang Got To Believe.

Hindi ba siya napi-pressure sa taas ng expectations sa kanya ng publiko ngayon?

Sagot ni Daniel, “Hindi ako napi-pressure. Ilang beses ko na ‘yang sinasagot…

“Sa movie, sa concert, hindi ako napi-pressure kasi kung bumagsak man, yun ang gustong mangyari ng Diyos.

“At kung umangat, yun din ang gusto Niya. Kailangan naming gawin, ayusin, at ibigay ang lahat.

“Bakit kailangang sanayin ang sarili mo sa success?

“Pero tama rin yun, kailangan mo ring sanayin ang sarili mo sa ganun kasi hindi ka puwedeng pabagsak-bagsak, di ba?

“Kailangang success ang laging nasa utak mo, pero siyempre hindi ka rin kailangang magyabang.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Labis-labis naman ang pasasalamat ni Daniel sa pagtanggap ng mga tao sa loveteam ni Kathryn—sa telebisyon man o sa pelikula.

“Malaking pasasalamat siyempre sa amin ni Kathryn, ang mga tao hindi kami iniwanan, nanood sila...

"Ayun, grabe, pasasalamat lang talaga. Hindi kami pinabayaan ng mga supporters namin and ng Diyos.”

Marami sa mga sikat na young stars ngayon na mula sa pa-sweet roles ay sumubok gumanap sa matured and sexy roles, pero hindi bukas dito si Daniel.

Aniya, “Hindi ko gagawin yun, dapat masaya lang kami, walang sexy-sexy. Kahit tumanda ako."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN