Angel Locsin, Coco Martin, Sarah Geronimo, and Kim Chiu lead first quarter of PEPsters’ Choice partial, unofficial results

As of May 24, Angel Locsin leads the female catergory of FAB award, while Sarah Geronimo (female) and Coco Martin (male) top the TV Star of the Year category. Kim Chiu, on the other hand, is first place in Newsmaker of the Year. Are they going to be the big winners of PEPsters’ Choice for the first quarter?


Nangunguna sina Angel Locsin, Coco Martin, Sarah Geronimo, at Kim Chiu sa mga kategoryang kinabibilangan nila sa PEPsters’ Choice Awards na isinasagawa para sa The PEP List 2013.

Sa listahang ito na unang inilabas noong May 21, nasa kamay ng readers ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagpili sa mga tatanghaling winners ng first quarter.

Ang mga nominado ng bawat kategorya ay hango sa 15-day page views, unique visits, comments, and shares sa networking sites ng mga artikulong inilabas sa website mula January 1 hanggang March 31.

Samantala, ang resulta ay partial at unofficial pa lamang ngayong May 24, Friday. Ibig sabihin nito, tuloy pa rin ang pagboto ng mga fans.

Sa kategoryang Female TV Star of The Year, hinakot ang 43.05 percent of the votes ni Sarah Geronimo na sinundan naman ni Kim Chiu with 37.56 percent.

Nasa ikatlong puwesto naman si Marian Rivera with 16.50 percent at nasa 4th place si Jodi Sta. Maria with 2.37. Si Kris Aquino ang nasa panlimang puwesto with 0.47 percent.

Sa male category naman, leading si Coco Martin with 38.67 percent at nasa 2nd place si Vice Ganda with 35.87.

Sa pangatlong puwesto ay si Richard “Sir Chief” Yap with 18.29 percent at 4th place si Derek Ramsay with 5 percent. Si Robin Padilla ang nasa ikalimang puwesto with 2.15 percent.

Para sa female category ng Newsmaker of the Year, nasa unang puwesto si Kim Chiu with 84.98 habang malayo ang agwat ng nasa 2nd place na si Kris Aquino with 6.55 percent. Sa 3rd place ay si Heart Evangelista with 6.47 percent at pang-apat si Maricel Soriano with 1.01 percent. Panglima naman si Sarah Lahbati with 0.97 percent.

Sa Newsmaker of the Year (male category), leading si James Yap with 37.24 percent na umingay ang pangalan dahil sa isyu sa kanila ng dati niyang asawa na si Kris Aquino.

Nasa pangalawang puwesto naman si Gerald Anderson with 33.19 percent at sa 3rd place si Sen. Chiz Escudero with 17.26.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa 4th place ay si Derek Ramsay with 9.36 percent at panghuli si Willie Revillame with 2.94 percent.

Nangunguna naman si Angel Locsin sa FAB Award female category with 40.03 percent habang dumidikit naman sa ikalawang puwesto si Anne Curtis with 38.18 percent. Sa 3rd place ay si Bea Alonzo with 10.12 percent, habang sa 4th place ay si Judy Ann Santos with 6.32 percent. Nasa 5th place si Solenn Heussaff with 5.33 percent.

Para naman sa mga lalaki, nangunguna si Xian Lim sa FAB Award with 54.16 percent na sinundan ni Enrique Gil with 38.04 percent. Nasa ikatlong puwesto si Coco Martin with 5.09 percent, habang nasa pang-apat na puwesto si Piolo Pascual with 1.72 percent, at nasa huling puwesto si Vin Abrenica.

Bukod sa mga kategoryang ito, maari ring bumoto ang fans sa mga sumusunod:

CELEBRITY PAIR: Nikki Gil and Billy Crawford, Ogie Alcasid and Regine Velasquez, Kim Chiu and Xian Lim, Toni Gonzaga and Paul Soriano, John Lloyd Cruz and Angelica Panganiban

FEMALE TEEN STAR: Julia Montes, Kathryn Bernardo, Julie Anne San Jose, Sophie Albert, Louise Delos Reyes

MALE TEEN STAR: Daniel Padilla, Elmo Magalona, Derrick Monasterio, Khalil Ramos, Kristoffer Martin

CHILD STAR: Ryzza Mae Dizon, JB San Agustin, Zaijian Jaranilla, Mona Louise Rey, Bugoy Cariño, Xyriel Manabat

BREAKOUT ARTIST: BB Gandanghari, Angeline Quinto, Daniel Padilla, Vin Abrenica, Isabelle Daza

SHOWBIZ TREASURE (FEMALE): Gloria Romero, Anita Linda, Gina Pareño, Nova Villa, at Luz Valdez

SHOWBIZ TREASURE (MALE): Eddie Garcia, Ronaldo Valdez, Joey de Leon, Eddie Gutierrez

OPM ARTIST (base sa datos na ibinigay ng Odyssey): Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Gloc9, Piolo Pascual, Aimee Torres


PRIMETIME TELESERYE: A Beautiful Affair; Apoy Sa Dagat; Aryana; Aso ni San Roque; Enchanted Garden; Ina, Kapatid, Anak; Indio; Juan Dela Cruz; Kahit Konting Pagtingin; Kahit Puso’y Masugatan; Kailangan Ko’y Ikaw; Kidlat; Mundo Mo’y Akin; Never Say Goodbye; Pahiram ng Sandali; Paroa: Kuwento ni Mariposa; Princess and I; Temptation of Wife

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy na subaybayan ang PEP para sa impartial results ng iba pang kategorya sa susunod na mga araw.

Samantala, patuloy na suportahan ang inyong mga paboritong artista sa pamamagitan ng pagboto sa microsite ng The PEP List!


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN