Gretchen Barretto on niece Julia: “She will be greater than me. (She) will be guided with love. She will be greater than anyone of us.”

Gretchen on dealing with ongoing family feud: “I’m okay now. I’m moving on now. I try not to talk about anything that’s painful and negative.”


Sa ulat ni Marie Lozano sa TV Patrol kahapon, Biyernes, May 24, inamin ni Gretchen Barretto na isinuko na niya ang pag-asa na magkakaayos pa sila ng kanyang inang si Mrs. Inday Barretto.

Ayon kay La Greta, “Yes, a long time ago.

“I’m okay now.

“I’m moving on now. I try not to talk about anything that’s painful and negative.”

Matatandaang lumabas dito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Abril 24 ang sulat ni Inday kung saan sinabi niyang: “I am letting go of a child who never wanted me in order to save one who has always been there for all and with all her love.”

Si Gretchen ang tinutukoy niyang binitiwan na niya bilang anak at si Claudine ang patuloy pa rin niyang kinikilala bilang anak.

Ipinadala niya ang sulat na ito sa Philippine Star entertainment editor na si Ricky Lo noong April 22, at ito ay nailathala sa Funfare column ng huli noong April 24.

Isang malaking naman bagay para kay Gretchen na magkasundo sila ng kapatid na si Marjorie Barretto, na siya raw pinaghuhugutan niya ng lakas, bukod sa anak niyang si Dominique Cojuangco.

Ayon sa aktres, “Yung yapak ng anak ko, it means the world to me. When she was there at the time na… at the most painful time, it meant the world to me.

“Basta nandiyan lang kami. Nandiyan lang ang kapatid ko.

“Kung ano ang sinasabi namin sa isa’t isa? Well, ayaw naming pag-usapan ang mga problema, kung sino ang problema, at kung sino ang nakakasakit.

“We just try to be positive.”

PROUD OF JULIA. Bukod sa pagiging excited niya sa kanyang panibagong teleserye, proud din si Gretchen sa gumagandang takbo ng showbiz career ng pamangkin niyang si Julia Barretto, ang anak ni Marjorie.

Kaka-announce lang ng ABS-CBN noong Biyernes, May 24, na si Julia ang gaganap sa TV remake ng pelikulang Confradia—ang batang babaeng maitim pero nagiging maputi sa pamamagitan ng ilaw ng kandila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang pelikulang ito ay unang ginawa ni Ms. Gloria Romero noong 1953 at ng batikang akres na si Gina Alajar noong 1973.

Sa ngayon ay abala naman si La Greta sa paggawa ng indie film na The Diplomat Hotel.


Pagmamalaki ni Gretchen kay Julia, “She will be greater than me. Lahat ng ibinibigay ni Marjorie kay Julia.

“So, she will be guided with love.

“So, Julia will be greater than anyone of us.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN