Marian Rivera on smiling at Karylle: “Wala namang pag-aaway na namagitan or something sa aming dalawa ni Karylle. Kaya wala namang dahilan kung bakit hindi ako dapat na mag-smile sa kanya.”

Hindi nakaramdam ng awkwardness si Marian Rivera nang ngitian niya si Karylle, ang ex-girlfriend ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes. Nangyari ang ngitian nila sa 50th anniversary presentation para kay German Moreno kamakailan. Aniya, “Nagkataon lang talaga na ex niya ang minamahal ko ngayon. At masaya kami ni Dingdong, masaya ang buhay ko ngayon, walang rason kung bakit hindi ako dapat mag-smile."


Ilang linggo matapos na magpalit ng kanyang manager, tinanong namin si Marian Rivera kung nagkita na sila o nagkausap man lang ng dating manager na si Popoy Caritativo.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marian kahapon, May 24, sa pagtatapos ng Epic Weekend ng Resorts World Manila.

Sagot ng Kapuso Primetime Queen, “Hindi naman ako magpapaka-ipokrita, pero hindi pa naman kaming nagkikitang dalawa.

“May mga bagay talaga na kailangan nang mag-move on. Mas gusto ko na huwag na lang magsalita kasi maayos naman kaming dalawa.

“’Tsaka, past is past… Move on talaga kami.”

Isa pang naitanong kay Marian ay ang nangyaring pagkikita nila ni Karylle at pagngiti niya rito.

Si Karylle ay dating kasintahan ni Dingdong Dantes, na boyfriend ngayon ni Marian.

Nangyari ang pagkikita at ngitian nila sa 50th anniversary show ni German Moreno sa Resorts World Manila rin kamakailan.

Ani Marian, “Palagi kong sinasabi, wala namang pag-aaway na namagitan or something sa aming dalawa ni Karylle. Kaya wala namang dahilan kung bakit hindi ako dapat na mag-smile sa kanya.”

Sabi pa ni Marian, wala siyang nararamdamang awkwardness kapag nakikita niya si Karylle.

“Nagkataon lang talaga na ex niya ang minamahal ko ngayon.

“At masaya kami ni Dingdong, masaya ang buhay ko ngayon, walang rason kung bakit hindi ako dapat mag-smile,” dagdag ni Marian.

Tinanong naman ng PEP si Marian tungkol sa pagkakabilang niya sa listahan ng mga nominado sa kategoryang Female TV Star of the Year ng PEPsters’ Choice Awards.

Ang PEPsters’ Choice Awards ay bahagi ng The PEP List 2013 na naglabas na ng listahan ng mga nominado para sa first quarter ng taong ito.

(Related: Angel Locsin, Coco Martin, Sarah Geronimo, and Kim Chiu lead first quarter of PEPsters’ Choice partial, unofficial results)

Pahayag ni Marian: “Sa lahat ng mga bumoboto sa ’kin, salamat sa kanila. Naa-appreciate ko lahat ng pagboto nila sa akin. Thank you, thank you talaga. Isang karangalan para sa isang artista ang iboto at manalo.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol naman sa mahigpit na labanan nila ni Sam Pinto para sa number one spot ng FHM Philippines 100 Sexiest Women in the World 2013, hindi naman daw siya masyadong nag-aalala kung maging number one man o kahit na anong puwesto pa siya mapunta.

“Kung anuman ang mangyari, maging number one man ako o kahit na anong posisyon, inaalay ko ito sa lahat ng mga nagmamahal sa akin.

“Sila ang dahilan kung bakit ko nagagawa ang lahat nang ito. Sila ang naglagay sa akin dito. Silang lahat ang naging inspirasyon ko para…fight, aja [Korean: “let’s go!”]!” pagtatapos ni Marian.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN