Julia Barretto on being called ABS-CBN’s latest "teleserye princess": “Masarap pakinggan na isa kang prinsesa.”

Julia on how she felt when she was given lead role for Cofradia: “Sobrang big deal ito sa akin kasi I heard na yung previous movies ay very successful. When I heard na ibinibigay sa akin yung TV remake, siyempre, sobrang na-pressure ako.”


Halong tuwa at hiya ang naramdaman ni Julia Barretto sa bansag sa kanya bilang pinakabagong prinsesa ng ABS-CBN.

Inamin niya ito sa PEP.ph (Philippine Entertainment Press) sa “announcement presscon” na inihandog sa kanya noong Biyernes, May 24.

Gaganap siya bilang lead star sa TV remake ng Cofradia, ang pelikulang ginawa ng veteran actress na si Ms. Gloria Romero noong 1953 at ng batikang aktres na si Gina Alajar noong 1973 naman.

Panimulang pahayag ng 16-year-old Kapamilya star, “Sana... masarap pakinggan na isa kang prinsesa.

“Hindi ko pa nakita yung original version ng Cofradia. Actually, nag-try ako sa Internet.

“Pero, sobrang old na nga yung movie, sobrang bagal sa Internet. Nahirapan ako.”

Dugtong pa niya, “Sobrang big deal ito sa akin kasi I heard na yung previous movies ay very successful.

“When I heard na ibinibigay sa akin yung TV remake, siyempre, sobrang na-pressure ako.

“Eto kasi yung time na magwu-work ako ulit.

“Kaya sobrang thankful ako kasi it could be anyone else sa ABS-CBN, di ba?

“So, thankful talaga ako.”

PREPARATIONS. Ano ang preparasyon na ginagawa niya para mag-fit sa role ng isang batang babae na maitim, dadaan sa maraming struggles sa buhay, at magiging maputi lang sa tulong ng ilaw ng kandila?

Tugon ng anak ni Marjorie Barretto, “Preparation? I’ll be undergoing workshops dahil alam ko naman na very challenging ang role ng Cofradia.

“Like kay Ms.Gloria Romero, I think nakatrabaho ko na siya sa Palos. At sana magkausap kami para I could ask her...

“What she went through at kung papaano ko i-handle yung teleserye.

“I hope I’ll be able to talk to her.”

Dagdag pa niya, “Kaya kailangang mag-aral. Wala kailangang masyadong mali.

“In reality, di ba, may mga mistakes akong nagawa, pero from those mistakes I learned my lesson.

“So, I will use them to my advantage.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ADVICE FROM MOM AND AUNTS. Ano naman ang reaksyon ng ina niyang si Marjorie Barretto sa atensyong ibinibigay sa kanya ng ABS-CBN, lalo na’t dumating ito sa panahong may pinagdadaan ang kanilang pamilya?

Ayon kay Julia, “Hindi naman niya ipinaramdam sa akin na I have this show na. In fact, nung malaman niya na nakuha ko na itong Confradia, she was very happy na.

“She was like, ‘Julia, yeah, I have goals for you.’

“Despite what’s going on, there’s good news.

“We were both happy, church lang kami every day. We were praying for a strong famly.”

How about Tita Gretchen na close din sa kanya?

Sabi ng young actress, “Alam niya na merong show na mangyayari. Basta sinabi niya na, ‘keep on praying na matuloy... na mataas ang maging rating.’

“Yun ang pinaka-advise niya sa akin—to pray lang.”

How about sa isa pa niyang tiya na dating primetime star ng Kapamilya network—si Claudine Barretto?

Nangingiting saad ni Julia, “Wala pa akong nakukuhang advice fom her.

“So far, I’m getting good advice naman from my mom.

“For now, mas gugustuhin ko na lahat muna ng advice ay manggagaling from her [Marjorie].”

SEARCH FOR LEADING MAN. Tungkol naman sa kanyang leading man, may balitang magpapa-search daw ang ABS-CBN para dito.

Kung may choice siya, sino ang gusto niya?

Paliwanag niya, “For me kasi I really trust yung network, si Kuya Biboy [Arboleda], lahat sila—kung sino ang ipi-pair off sa akin.

“Yung who they think na yun talaga ang magwu-work for me, so wala talaga akong idea.”

Sa boys ng Star Magic Batch 2013, wala bang nakikitang puwedeng ipareha sa kanya?

Sasagot sana si Julia, pero sinalo na ito ng kanyang talent manager na si Biboy Arboleda.

Pahayag ni Biboy, “Sa mga boys ng Star Magi batch 2013, meron kaming nakikitang puwedeng ipareha sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May idea na parang magkakaroon kami ng search, pero hindi siya yung reality search na ’Search for Cofradia Leading Man.’ Hindi na po. Mahal ’yan at magastos.

“Dito naman, it’s more of a series of screen tests with certain teen actors na ka-age ni Julia.

“May tatlong scripts na inihanda ng our creative team, at isu-shoot yun with Julia until makitaan yun ng spark and chemistry.

“At siyempre ang pinaka-key word dun ay talent.

“The deadline of which will be about... in ten days saka ia-announce.”

Isa nga raw sa pinagpipilian ay ang 17-year-old son ni Senator Jinggoy Estrada na si Julian Estrada.

Okay ba sa teen actress ito?

“Kahit sino naman po,” sabi niya. “Kami naman ni Julian we’re okay.

“Mabait naman siya and I think he’s also talented.

“Kahit sino naman po, basta approved nila, it’s fine with me.”

DAD’S REACTION? Itinanong ng PEP kay Julia kung ano ang naging saloobin ng kanyang ama, ang komedyanteng si Dennis Padilla.

Wika niya, “Nagkakausap naman kami ng Dad ko, like magka-text kami kanina, pero hindi ko pa sinasabi sa kanya ang tungkol sa project na ito.

“Gusto ko personal kong makakuwentuhan ang Dad ko, tutal nag-story conference na rin kami at alam ko na ang istorya nito.

“Mas personal kong maikuwento sa kanya, mas magaling. Kaya medyo surprise sa kanya,” pagtatapos na pahayag ng teenager.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN