Ruru Madrid on sacrificing TV projects for indie films: “Iniisip ko na lang na good for me.”

Ruru on whoever his loveteam partner might be: “Darating naman sa point na magkakaroon ako ng ka-love team na pangmatagalan... na siya na talaga. Kapag dumating na yung time na magkaka-love team na ako sana ay magustuhan siya ng mga tao at mag-work yung love team naming dalawa. Hayun lang ang naiisip ko. Timing lang ’yan.”


Nanghihinayang si Ruru Madrid na hindi na makakasama si Lorna Tolentino sa indie movie na The Bamboo Flowers na idinidirek ni Maryo J. de los Reyes.

Nabanggit minsan ng baguhang aktor na si Lorna dapat ang gaganap na ina niya sa nasabing pelikula.

Ang nasabing pelikula ay ginagawa ng beteranong direktor para sa 2013 Sineng Pambansa National Film Festival All Master’s Edition.

Labindalawang magagaling na mga direktor ang napili ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) para magtagisan ng galing sa nasabing film festival na magsisimula sa September 7.

Sa huling panayam sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan lang sa GMA Studios ay ikinuwento ni Ruru ang kanyang saloobin tungkol sa casting ng nasabing pelikula.

Panimula niya, “Actually, napalitan nga raw yung cast. Hindi ko pa alam kung sino ang gaganap sa role na mother ko.

“Sobrang hinayang ko kasi, siyempre, magaling siya, batikang artista.

“Ang iniisip ko noon ay may makukuha akong acting technique diyan. Kaya, naano ako...

“Sana yung papalit ay kasing galing niya.”

Wala ba siyang idea kung sino ang kapalit ng isa sa mga best actresses ng bansa?

Pasubali niya, “Wala, e. Wala pang sinasabi.

“Actually bukas [May 27], start na kami ng shoot sa Bohol.

“Kung napansin n’yo, yung Above The Clouds na kagagawa ko rin lang, ikot ako ng ikot sa Pilipinas.

“Kaya ang dami ko ring natanggal na [TV] shows, e.

“Like yung TeenGen at yung ipapalabas pa lang na Anna Karenina. Ang dami, e.”

SACRIFICING TV PROJECTS FOR INDIE FILMS. Ano ang pakiramdam niya na nasasakripisyo ang kanyang TV career dahil sa paggawa niya ng indie films?

Pahayag ng Protégé finalist, “Iniisip ko na lang na good for me. Siyempre, andun yung, ‘Oy, sayang naman yung TV shows na yun.’

“Dapat kasi kapag ganung show ay grab na kaagad kasi maraming artista dito sa GMA at bihira lang yung mabigyan ka ng show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero yun nga, iniisip ko na lang na maganda ang kalalabasan ng indie films na ito kaya okay lang yun sa akin.”

Dugtong pa niya, “’Tsaka sabi naman sa akin ni Direk Maryo [na siya ring tumatayong manager niya], huwag daw akong mawalan ng pag-asa o malungkot dahil hindi naman daw ako pababayaan ng GMA.

“Lahat naman kami dito sa GMA ay parang may naka-assign na show kaya hindi naman ako natatakot.”

LOVE TEAM ABORTED? Inalam din ng PEP ang reaksyon niya sa balitang mukhang hindi na matutuloy ang planong love team nila ni Barbie Forteza.

Si Derrick Monasterio pa rin ang makakasama ng Paroa lead star sa ipapalabas nang Anna Karenina.

Paliwanag niya, “Darating naman sa point na magkakaroon ako ng ka-love team na pangmatagalan... na siya na talaga.

“Kapag dumating na yung time na magkaka-love team na ako, sana ay magustuhan siya ng mga tao at mag-work yung love team naming dalawa.

“Hayun lang ang naiisip ko. Timing lang ’yan.”

STILL ENJOYING THE PERKS OF TEENAGE LIFE. Sa murang edad niya, ano ang pakiramdam niya na hindi normal ang takbo ng kanyang buhay.

Kadalasan kasi, ang mga katulad niyang teen-agers ay puro lang enjoyment sa buhay ang pinagkakaabalahan.

Pag-aanalisa ng 15-year-old na aktor, “Sa akin ay wala naman. Ang pagkakaiba lang ay ako, may trabaho na ako.

“Dati wala akong trabaho.

“Kasi ngayon ay nag-aaral pa rin ako. Nasa regular school ako. May mga kaklase ako, may teacher ako.

“Nakakapag-basketball ako lagi. Nakaka-PS 3 [Play Station] pa naman ako. Nakakapag-puyat ako.

“Yung nga lang kapag pumupunta ako ng mall ay hindi ako pwedeng magtagal dahil meron din namang tao na nakakakilala na rin sa akin

“Yun din ang advice sa akin... ’wag daw ako masyadong magpakita sa tao para ma-miss ako.

“Yun lang naman. Parang normal din lang tulad ng dati.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Ako naman kasi, hindi naman ako talaga pala-gimik, e.

“Ako, basta makapag-basketball lang ako okey na ako.

“Yun lang naman ang kaligayahan ko.”

Attraction sa magagandang babae?

Pagbibiro ni Ruru, “Hindi ko pa naman kailangan ang babae.

“Pero natural lang naman na darating yung time na merong right girl para sa akin.

“Maghintay na lang tayo dahil naniniwala ako sa destiny.

“Yung ma-attract sa magagandang babae, normal yan sa isang lalaki. Pero hanggang dun muna ako.”

PARTY PILIPINAS. Sa puntong ito ay napag-usapan din namin ang pagkawala ng Party Piipinas sa ere.

Opinyon niya, “Bago pa lang ako na maging regular sa Party Pilipinas, nalungkot ako kasi parang ang bilis naman.

“Pero alam ko na merong magandang kapalit ito.

“Sayang din kasi meron akong talent na na-develop dito. Yung pagkanta ko kasi sa Protégé ay hindi naman ako kumanta.

“Pero ganun talaga.”

Maging siya ay nagulat din sa biglaang pagtatapos ng Party P.

Kuwento niya, “Kasi nga kababalik ako din sa Party P dahil nga nag-shoot ako.

“Sinabi nga nila one Saturday na ganun nga. Pero, wala naman kaming magawa.

“Maayos naman ang pagkakasabi pero nagulat lang kami,” pagtatapos ni Ruru


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN