Ai-Ai delas Alas on husband Jed Salang’s alleged malicious talk against her: “Kung ano man ako, siya, ang Diyos, at si Mama Mary lang ang nakakaalam sa totoong nangyari sa buhay ko at kung ano ang ginawa niya sa akin.”

Ai-Ai on how she has been coping with her recent personal tragedy: “Marami naman akong anchor at pinaggagawang pang-killing time. I think magiging okey na ako... in three months, two months, I think magiging okey na ako.”


Sa live phone patch interview kay Ai-Ai delas Alas ng Startalk TX hosts na sina Joey de Leon at Lolit Solis kahapon, May 25, lumalabas na nagiging magaan na ang estado ng kanyang emosyon.

Ito ay matapos niyang makipaghiwalay sa kanyang asawang si Jed Salang isang buwan mula noong ikasal sila sa Las Vegas, Nevada, noong April 3, 2013.

Matatandaang isang madamdaming interview ni Ai-Ai ang ipinalabas sa The Buzz noong May 19, kung saan ininterbyu siya ng sarili niyang manager, si Boy Abunda.

Dito ay inamin niya ang pakikipaghiwalay sa asawa noong May 2 dahil siya raw ay sinaktan at niloko siya ni Jed.

MOVING ON. Panimulang pahayag ng Comedy Concert Queen sa live phone interview niya sa Startalk, “Okey naman... nagiging okey.

“Marami naman akong anchor at pinaggagawang pang-killing time. I think magiging okey na ako...

"In three months, two months, I think magiging okey na ako.”

Ang bilis nga raw niyang maka-move on. Sa tingin ba niya ay matagal sa kanya ang healing time na dalawa o tatlong buwan?

Sagot ni Ai-Ai, “Oo, matagal na yun. Usually, yung mga ganun-ganun, one month, okey na yun.”

RESTRAINING ORDER. Totoo bang magpa-file siya ng kaso sa dati niyang asawa?

Sabi ni Ai-Ai, “Hindi ko pa masasagot ’yan ngayon kasi yung attorney ay out of the country.

“So, hindi ko pa alam. Pero sa Monday [May 27] ay babalik na siya.

“Pero sasabihin ko naman sa inyo kung ano ang mga bagay-bagay na mangyayari.”

Pero ayon sa ulat ng The Buzz kanina, Linggo, May 26, nag-file na ng restraining order ang kanyang abugado na si Atty. June Ambrosio sa Quezon City Regional Trial Court.

Sa pamamagitan ng court order na ito ay pinagbabawalan si Jed na lumapit o makipag-ugnayan sa kahit anong paraan kay Ai-Ai o sa kanyang pamilya.

Ayon sa kanyang abugado, “One hundred to five hundred meters, and he cannot go near Ai-Ai and the family members, designated staff members, house members...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“He cannot contact her. He cannot talk about the case. Parag gag order ’yan.”

Bukod pa rito, pinag-aaralan pa rin nila ang kasong isasampa kay Jed na may kinalaman sa kasong violence against women—VAW kung tawagin—dahil sa pisikal na pananakit diumano nito kay Ai-Ai.

Nagsalita rin ang Comedy Queen tungkol sa balita na may mga sinasabi laban sa kanya si Jed.

Saad niya, “Okey lang. Ganun naman ang buhay.

“Basta ako, alam n’yo namang nagsalita na ako dun sa kabila [ABS-CBN].

“Kung ano man ako, siya, ang Diyos, at si Mama Mary lang ang nakakaalam sa totoong nangyari sa buhay ko at kung ano ang ginawa niya sa akin.”

LESSON LEARNED. Biro nga kay Ai-Ai, komedyana siya tapos nakikita siyang umiiyak ng buong Pilipinas.

Pagtatanggol naman nito sa kanyang sarili, “Kasi yun yung time na ang dami kong nalaman. Hindi kinaya ng puso ko.

“Ganun lang naman yun, kasi tao din lang naman ako—nasasaktan, nagkakamali...

“Ganun naman ang buhay ng tao.”

Kumusta naman ang tatlo niyang anak na sina Sancho, Sophia, at Sean Nicolo?

“Okay naman. Si Sancho, nagbabakasyon..." umpisa nito.

Na sinundan nito ng biro sa Startalk host na si Lolit Solis, “Try ko naman na madala-dala next time!”

“Alam mo naman na idol kita, mag-aalaga na lang ako ng aso.

“Hindi ba mahilig ka sa aso, hingi nga ako ng dalawa. Gusto ko ring maging isang daan yung akin.”

Si Lolit ay kilala sa pangangalaga ng napakaraming aso, na tumitira sa loob ng bahay.

Nakakatawa na pala siyang muli.

“Kailangan ko ring tulungan ang sarili ko,” nakabungisngis na pahayag ni Ai-Ai. “I have to move on, di ba?

“Ganun naman, e.

“Sabi nga, ‘after the rain, there’s a rainbow.’ O, di ba?”

Biro ni Lolit sa kanya, bakit hindi na lang daw siya magbayad ng oras ng mga lalaki?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natatawang sagot ng 48-year-old na komedyana, “Tita Lolit, magagalit ang mga anak ko.

“Tina-try ko namang ayusin ang buhay ko.

“Wala naman sigurong babae ang may gusto ng paiba-iba.

“Siyempre, gusto ng isang babae na ikasal... magkaroon ng pamilya.”

Paano na ang video rights ng kasal nilang dalawa na nakatakda sanang ipalabas bago matapos ang taon? Mayroon na itong down payment.

Aniya, “Nasa akin pa ang down payment. Hindi naman matutuloy yun, e. Mga haka-haka lang.”

MARRIAGE ADVICE. Ano ang payo ni Ai-Ai sa mga babaeng nangangarap ding magpakasal at magkaroon ng pamilya?

Pahayag niya, “Sinabi ko nga na lahat naman ng babae ay nangangarap ng isang matinong pamilya

“At kung nagmamahal sila, be vigilant.

“Tingnan din natin kung ano yung purpose [ng pagpapakasal]... lahat ng pangyayari.

“Minsan kasi ang artista... yung babae, lalo na yung sa showbiz, bukas na bukas ang emosyon niyan, e.

“Bukas na bukas yung pagtanggap nila ng totoo. Hindi natin nakikita kung totoo ba ito o hindi.

“Ang hirap kasi ma-distinguish kung totoo yung tao sa ’yo o hindi, e.”

Biniro din si Ai-Ai na mas nauna pa siyang nakipaghiwalay kaysa sa singer na si Mystica, na kasabay niyang ikinasal sa lalaking mas bata rin sa kanya.

Natatawang reaksiyon ni Ai-Ai, “Natatawa rin nga ako dahil hindi ba pinagpustahan n’yo ’yan?

“O, ayan... panalo na ako kasi nauna na ako.

“Thank you na lang sa lahat ng suporta sa akin, sa lahat ng nasa industriya, sa pagmamahal at pag-unawa,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN