Gerald Anderson on finally confirming relationship with Maja Salvador: “Why would I regret something that makes me happy? This is worth fighting for.”

Gerald on dilemma he faced before admitting his feelings for Maja: “Sana hindi po isipin ng mga tao na hindi ko kinu-consider yung feelings ng ibang tao, which I did and I do. But at the same time, you have to also find happiness for yourself. Naramdaman ko na yung feelings na parang gusto ko siya. Bakit ko pipigilan? Bakit ko hahayaang mawala pa siya sa akin because of the backlash of people? They can say what they want, but who are they to judge? Tumingin muna tayo sa salami


Ingat na ingat si Gerald Anderson na hanapin ang tamang mga salita bago niya tuluyang inaming sila na nga ngayon ni Maja Salvador.

Ito ay ayon sa exclusive report ng Star Studio Magazine para sa June 2013 issue nito. Ang Star Studio, isang publication ng ABS-CBN, ay edited ni Tinna Bonifacio.

Sa article nitong pinamagatang “In Love Ako Kay Maja Salvador,” tinuldukan na ni Gerald ang usap-usapan tungkol sa sweetness nila ng kapwa Star Magic artist.

Sabi ni Gerald, “Wait lang ha, I’m just trying to fix my sentence, kung paano ko sasabihin.”

Ito raw marahil ay upang hindi na masilaban pa nang husto ang apoy na nalikha nito sa magkaibigang Maja at Kim Chiu, na nasira ang pagiging mag-best friend dahil sa kanya.

Dagdag pa niya, “Hindi lang ako yung involved, e. Importante din po yung mga tao sa paligid namin, ayaw namin na may masaktan or ano.”

Naisip daw ni Gerald na patuloy siyang tatanungin sa totoong estado ng relasyon nila ni Maja at baka pa raw maisip ng mga tao na “insincere” siya sa damdamin para sa dalaga, kaya umamin na ito sabay-sabing:

“Oo, in love ako sa kanya... in love ako kay Maja Salvador.”

THE ROAD TO MAJA’S HEART. “Mere aquaintances” lang daw sila Maja at Gerald noong una. Katunayan, sa First Day High lang daw sila nagkasama ng dalaga sa trabaho.

Pero nakilala na raw ni Gerald si Maja, hindi pa man nag-aartista ang binata, noong ASAP Fanatic days, kung saan nagpalitrato siya sa actress.

Unang uminit ang isyu sa kanilang dalawa late last year, noong may kumalat na larawan nila na kuha sa pamosong Misibis Bay resort sa Bicol.

Ang back story daw nito ay nag-organize ng bridal shower si Maja para sa kanyang malapit na pinsan at in-invite nito si Gerald kasama ang mga kaibigan nito. Kasama daw ni Gerald doon ang ilang kapamilya at kaibigan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gerald, “Nung nag-Bicol kami, parang na-ano e, andami nang lumabas…na kami na.

“At that time, we were spending time with each other, we were getting to know each other, pero ’Bakit kailangan ninyo pa kailangang sabihin na kami na? Wala ba kaming chance to get to know each other?’”

Pero yung bakasyon daw na yun sa Misibis ay una lang pala sa maraming trips either with friends or with just the two of them.

Ang isa daw sa mga trip na ito ay ang Valentine’s date nila ni Maja sakay ng helicopter.

Sinundan pa raw ito ng kanilang San Juan, La Union, trip noong March 8, isang araw matapos ang kaarawan ng actor.

At nitong nakaraang Holy Week lang, sa Anilao, Batangas, naman ang kanilang naging destinasyon.

Pero ayaw nang mag-detalye ni Gerald tungkol sa mga biyaheng ito.

Aniya, “I don’t wanna get into details. Kumbaga kasi, ano pa ba ang matitira para sa amin? Ang masasabi ko lang, I like to make the person I love feel special. Kayo na po ang bahalang isipin kung anong nangyari.”

Ayaw na ring i-detalye pa ni Gerald kung paano niya niligawan si Maja, pero sa pahiwatig nito, nag-level up mula sa pagiging magkaibigan ang kanilang relasyon.

Dagdag pa nito, “Alam mo yung sobrang suwabe, that it just fell into place? Siguro nakita niya sa akin na gusto ko siya, and she could potentially be my girlfriend.”

Sa piling ni Maja, naramdaman daw ni Gerald ang saya at ang tiwala na hindi niya naranasan dati.

Lahad pa nito, “Nakita mo na, naramdaman mo na, ang sarap kasama nito. Parang iba yung feeling na nakukuha mo.

“Iba yung feeling kapag kasama mo siya. Which is I think lahat, lahat tayo ganoon e, di ba? You can’t fall in love with a person kung hindi mo siya nakakasama.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ON KIM: MAHIRAP YUNG SITWASYON. “Mahirap yung sitwasyon."

Ito ang tanging unang nasabi ni Gerald tungkol sa pagkawasak ng pagkakaibigan ng ex-girlfriend niyang si Kim at ng best friend nitong si Maja, na kanya nang girlfriend ngayon.

Pero ayon pa sa actor, nasa dalawang taong nagmamahalan daw kung paano nila itataguyod ang relasyon upang magpatuloy at yumabong.

Dagdag pa niya, “Yung iba, wala sa sitwasyon, they don’t know how it really is, di ba?

“Sana hindi po isipin ng mga tao na hindi ko kinu-consider yung feelings ng ibang tao, which I did and I do. But at the same time, you have to also find happiness for yourself.

“Naramdaman ko na yung feelings na parang gusto ko siya. Bakit ko pipigilan? Bakit ko hahayaang mawala pa siya sa akin because of the backlash of people?

“They can say what they want, but who are they to judge? Tumingin muna tayo sa salamin bago tayo mag-judge ng ibang tao, di ba?

“Pero wala e, ganun talaga, e. That’s life. People are judgmental at yun na yun. At once na dumating yung araw na kaya mo nang tanggapin yun, gagaan ang loob mo.”

Marespeto ring sinabi ni Gerald tungkol kay Kim, “The person that’s hurting because of our relationship is someone I cared for also.

“Hindi rin po maiiwasan na hindi rin po ako masasaktan.

“All I can say about the situation is, napakahirap and the only way to get through this is being mature about it and just keep moving forward and being happy for the person you love and being happy for the other person.

“And just pray for everyone.”

May pinagsisihan ba siya sa pagpursige niyang mapa-oo si Maja?

Sabi nito, “Why would I regret something that makes me happy? This is worth fighting for.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN