Sam Milby admits he hung out with Bb. Pilipinas-Universe Ariella Arida in his house; clarifies nothing romantic going on

Inilarawan ni Sam Milby na “random” lang ang pagkikita nila ni Bb. Pilipinas-Universe 2013 Arielle Arida, kasama ang isa pang kaibigan para mang-hang out.


Medyo nagulat si Sam Milby nang tanungin siya ng isang entertainment writer tungkol sa pagpunta ni Bb. Pilipinas-Universe 2013 Arielle Arida sa kanyang bahay noong Sabado ng gabi, May 25, kasama ang isa pang common friend nila.

“Hindi naman date, hang out lang kami. Yung longtime friend ko, si Pia... and kasama niya si Ara [palayaw ni Ariella],” paliwanag ni Sam sa meet-and-greet event niya sa Cash & Carry Buendia, Makati City, sponsored by Dermablend, noong Linggo, May 26.

Paliwanag ni Sam, inimbitahan niya si Pia at isinama nito si Ariella.

First time ba niyang na-meet si Ariella?

Sabi ni Sam, “Hindi naman first time nag-meet, siyempre nandun ako sa Bb. Pilipinas nung actual pageant, and then nag-ASAP din siya.

"So this is the first time that I’ve actually been introduced sa kanya, first time na nag-hang out.”

Paglilinaw pa ni Sam, inimbitahan niya ang mga ito sa kanyang bahay.

“Yeah, I invited them. They had an event. I haven’t seen Pia in a long time din, I’ve known Pia a long time na.”



“DON’T PREEMPT.” Paano ba niya ilalarawan si Ariella?

“Si Ara, maganda talaga si Ara... beautiful. A simple person.

"She’s very simple, she doesn’t seem to be maarte.

“It’s my first time to hang out with her, I don’t know her that well; but very simple, very nice.”

Sa palagay niya, hanggang saan makakarating ang pagkakakilala nilang ito ni Ariella?

“First time nag-hang out kami, [tapos] nagbibigay [na] ng malisya, e, wala namang plano... wala pa.

“I don’t even have her number, [not] textmates like that, no, wala, it was a random night na nag-hang out kami.

“It wasn’t like kaming dalawa lang... maganda, maganda talaga siya.”

Sinundan iyon ng tanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung masusundan pa ang pagkikita nilang iyon ni Ariella o kung may balak ba siyang kaibiganin pa lalo ang beauty queen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Sam, “Basta... kayo na naman, pre-empt talaga. Ayoko namang i-pre-empt.

“Kung sakaling mag-hang out kami at may something, tsaka ko na lang sasabihin sa inyo na, ’O, there’s something, maybe something,’ pero first time naming mag-hang out. Huwag magbibigay ng malisya na meron kami.

“First time na nag-hang out kami. Yun lang... basta we enjoyed the night, we had fun.”

ON SHAINA. Naitanong naman kay Sam ang tungkol kay Shaina Magdayao.

Matatandaan kasi na sinabi ni Sam in the past na may malaking paghanga siya sa aktres.

Inamin din niya na nagpaalam pa siya sa kaibigang si John Prats, na ex-boyfriend naman ni Shaina, kung okay lang sakaling ligawan niya ang young actress.

“Na-pre-empt kasi ina-announce ko na may paghanga ako sa kanya and tinanong si Pratty [palayaw ni John] na liligawan [ko si Shaina]. It was more pre-empted, so uhm...

“Until now may paghanga ako sa kanya. We’re together in a movie. It’s the first time na magkasama kami sa project. Until now may paghanga ako sa kanya. Such a nice, respectable woman.”

Ang tinutukoy ni Sam ay ang Four Sisters and a Wedding, na pinagbibidahan nina Angel Locsin, Bea Alonzo, Toni Gonzaga, Shaina Magdayao, at Enchong Dee, at nakatakdang ipalabas ngayong Hunyo.

Bakit nga ba hindi nag-prosper ang sa kanila ni Shaina?

Sabi ni Sam, “You can say dahil sa time, yeah... pareho kaming naging busy.

"Like I said, we were all pre-empting and I think that’s what made it... uhh, I think people were expecting.

“That’s what’s wrong. Di nag-prosper, di pa rin puwedeng mangyari, [but] we never know what will happen, we’re still doing a movie together, hanggang dun pa rin, e.”

READY FOR LOVE. Handa na raw si Sam na magkaroon muli ng lovelife, pero hindi ito puwedeng ipilit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “It’s been a while, ready din naman ako for a lovelife, e, but yun ang isang bagay na di puwedeng pilitin, so I’m just waiting.

“Nag-birthday na ako pero bata pa rin ako, but at the same time, ako yun nasa edad na gusto kong makilala yung babaeng pakakasalan ko.

“I’m twenty-nine and my ideal age [to marry] is thirty-three to thirty-five and I think I want to meet the woman I want to marry and have that two years to really get to know each other.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN