Pauleen Luna on showbiz rivalries: “Naniniwala ako na iba-iba kami, e. What I can do, she cannot do; what she can do, I cannot do.”

Okay lang daw kahit puro kontrabida ang roles ang ibinibigay na roles kay Pauleen Luna. Sabi niya, “Ini-enjoy ko na lang siya, as in I really take it as it’s a day’s work... iyon. Trabaho na nag-e-enjoy ako, hindi ko na siya dinadamdam.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Pauleen Luna sa last taping day ng Unforgettable noong Huwebes, May 23, sa Himlayang Pilipino sa Tandang Sora, Quezon City.

Ang huling episode ng Unforgettable ay mapapanood sa Biyernes, May 31.

Sinu-sino ang mami-miss niya sa pagtatapos ng kanilang soap?

Saad niya, “Siguro si Direk Gina [Alajar], kasi parang pangatlo na namin itong sunud-sunod... yung last Magdalena.

“Tapos, pareho ng staff, pareho ng mga cameramen, pareho ng mga PA [production assistant].

“Kaya I think, sila. Kasi, parang naging regular na kaming magkakasama.”



KONTRABIDA. Ano naman ang pinakamagandang advice na ibinigay sa kanya ni Direk Gina?

“With Unforgettable, I think ang pinaka-advice na naibigay niya sa akin is to try to be different.

“Kasi especially, yun nga, magkakasunod yung mga ginawa namin together, so kailangan makita yung pagkakaiba noong from the last one to this one—especially siya yung direktor pareho.”

Salbahe ang roles ni Pauleen sa Magdalena at Unforgettable.

“Hindi na yata ako magma-mabait na role, e!” natatawang sabi niya.

Paano niya iniiba ang characterization sa bawat role na ginagampanan niya?

Sabi ni Pauleen, “Magkaiba ng atake.

“Yun kasing sa Magdalena, that was loud na kontrabida, e. Dito sa Unforgettable, ginawa naming subtle.”

Mas salbahe raw siya sa Unforgettable.

“You can say that mas scheming kaysa sa Magdalena.

“Iyon kasi, parang ano, e, parang ginaganoon na sa mukha mo, ‘Okay kontrabida ako!’

“Dito sa Unforgettable, hindi—parang pailalim, meron siyang mga plano... mga ganoon.”



SAME ROLES. Hindi ba siya naghihinanakit na hindi siya ginagawang bida o leading lady sa Kapuso network?

Sagot ni Pauleen, “A, hindi naman, hindi naman.

“Ako naman, ano na lang, e... kung bibigyan ako ng trabaho, kung anuman yung trabahong iyon, and if I see naman na maayos naman siya, tatanggapin ko siya.”

Hindi ba siya nag-request sa management o sa manager niyang si Lolit Solis na gawin naman siyang bida?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nag-request! E, wala naman, e. Ano’ng magagawa ko?” sabay tawa ni Pauleen.

“Kaya ini-enjoy ko na lang siya, as in I really take it as it’s a day’s work... iyon.

“Trabaho na nag-e-enjoy ako, hindi ko na siya dinadamdam.”

TRANSFEREE. Si Pauleen ay galing sa ABS-CBN at lumipat sa GMA-7.

Sabi niya tungkol dito, “Ako naman, kung saan ka maggu-grow as an artist.

“Minsan kasi, you have to tell yourself na trabaho lang din naman ito na hindi naman siya yung buong buhay mo at ano...

“So kung saan ka maggu-grow, kung saan sa tingin mong mas makakatulong sa iyo, kung saan ka magiging mas masaya.

“Kasi, hindi na rin naman... I’m not saying na magiging mas masaya sila doon or dito.

“Pero, di ba, parang hindi na din maganda kung hindi ka masaya sa lugar na pinagtatrabahuhan mo?”

Naging masaya ba si Pauleen sa nilipatan niya?

“Ay, yeah, very much!” bulalas niya.

Walong taon na sa GMA-7 si Pauleen, pati na rin sa noontime show na Eat Bulaga!.

“Two years ako sa Channel 2, eight years ako sa GMA,” banggit pa niya.

Wala ba siyang regrets sa paglipat niya?

“Wala, wala... Tsaka ano, e, parang dito nahanap ko yung comfort zone ko, tsaka kilalang-kilala ko na talaga lahat.

“I mean, not only the artists but yung mga staff, yung mga EPs [executive producers], crew...

“Yung hindi na ako... kahit ibang show, hindi na ako papasok, tapos kakabahan ako na, ‘Oh, my gosh, nasa ibang show ako!’

“Kasi kilalang-kilala ko na silang lahat.

“Sa isang taon, ilang soap ang ginagawa ko—dalawa, tatlo—so mag-iikut-ikot talaga.”



COMPETITION. Si Valerie Concepcion ay dati namang Kapuso na lumipat sa ABS-CBN, ngunit ngayon ay nagbabalik sa GMA-7 bilang kontrabida sa Anna Karenina.

Ano ang masasabi ni Pauleen dito?

“Good,” sambit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maaring may bago na siyang kalaban sa pagkakontrabida sa GMA-7?

Sabi ni Pauleen, “I don’t see anybody as my rival, believe it or not.

“Kaya siguro nga ako palaging napapahamak sa mga kaibigan ko, kasi I trust fully and wala akong masamang tinapay...

“But hindi naman pala ganoon sila, so palagi akong napapahamak.

“I trust people na, alam mo yun, agad-agad? Kaya palagi akong nadi-disappoint.”

Sino itong mga kaibigan niyang madalas ay napapahamak siya?

“Marami, marami.”

Kapag ganoon, iniiwasan na niya ang mga ito?

“Oo, marunong naman akong madala.”

Paano kung lapit pa rin nang lapit sa kanya?

“Hindi rin naman ako bastos—may limit.”

Pero rivalry sa career?

“Ako kasi, naniniwala ako na iba-iba kami, e.

"What I can do, she cannot do. What she can do, I cannot do.

“Walang eksaktong parehong atake, so ako, hindi ako naniniwala sa rivalry.”



END OF CONTRACT. Matatapos na ang kontrata ni Pauleen sa GMA-7.

“Parang hanggang this year na lang.”

Kay Lolit?

“Wala naman kaming contract.”

What if sabihin ng manager niya na ibabalik siya nito sa ABS-CBN?

“Sinabi na niya ‘yan e, mga two years ago. Sabi ko, masaya pa ako sa GMA.”

Kung ngayon ito sabihin sa kanya?

“Masaya pa rin ako sa GMA. Masaya pa rin naman talaga ako, e.”

Paano niya ire-rate ang kasiyahan niya sa kanyang career from one to ten?

“Ten being the highest, kung gaano ako kasaya sa career ko ngayon, mga eight point five.”

Sa personal life naman aniya?

“One hundred! Hanggang ten lang, ha? Pero one hundred!” ang tumatawang pagtatapos ni Pauleen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN