Julia Montes hopes to equal previous success of Walang Hanggan with new soap Muling Buksan ang Puso

Pagkatapos ng ilang buwan ay muling mapapanood si Julia Montes sa isang primetime series. Siya ang gaganap na lead actress sa Muling Buksan Ang Puso, kung saan makakapareha niya sina Enrique Gil at Enchong Dee.


Tila inulit ni Julia Montes ang kanyang debut party kagabi, May 26, sa launch ng Debut by Juan Carlo, ang specialty catering company na ini-endorse ng Kapamilya actress, sa Fernwood Gardens sa Quezon City.

Present ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa event. Kitang-kita namin ang kasiyahan ng young actress dahil kuhang-kuha muli ang set-up ng kanyang debut, na naganap noong March 19 sa parehong lugar.

Tinanong ng PEP si Julia kung nararamdaman ba niyang may nagbago sa kanya ngayong 18 years old na siya.

Sagot niya, "For me, personally, wala namang nagbago.

"Siguro yung sa tao, tinitingnan ako na teen. Ngayon, ganap na dalaga.

"Pero for me, ganun pa rin naman—nag-celebrate lang ako ng special event," saad niya.

Hindi rin daw ibig sabihin nito ay bukas na siyang tumanggap ng mature roles, katulad ng role niya sa hit primetime series na Walang Hanggan.

"No naman po. Siguro kung sa mature roles, hindi ko naman feel na nag-matured ako. So yun," pahayag niya.

NEW SHOW. Ikinuwento rin ni Julia sa PEP ang detalye ng bago niyang pagbibidahang primetime sereies sa ABS-CBN, ang Muling Buksan Ang Puso.

"Name ko dun sa role is Sarah. Ako si Sarah, isang typical girl na mabait pero palaban.

"Kumbaga, huwag mo siyang kakantiin kasi lalaban siya sa ’yo," paglalarawan niya sa kanyang role.

Excited daw si Julia sa role niyang ito dahil mas malapit ito sa kanyang edad, kung ikukumpara sa role niya bilang Katerina sa Walang Hanggan.

"Kung paano ako nakita ng tao sa Walang Hanggan na matured na matured, at nakalimutan nila yung real age ko, this time, siguro makikita nila yung si Sarah, medyo tailor-fit sa akin.

"Yung totoong ako, may characteristics din si Sarah na meron ako," sabi niya.

Kung ganun ay mas gusto ba niyang gumanap bilang Sarah kaysa kay Katerina?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi actually, nae-enjoy ko rin yung mature roles, pero happy ako na bibigyan ako ng opportunity na age bracket ko naman.

"Na kumbaga, hindi mabigat sa tao na makita ako sa mature roles," sagot ng Kapamilya young actress.

Makakasama ni Julia sa Muling Buksan Ang Puso sina Enrique Gil at Enchong Dee. Ibig sabihin ba nito ay love triangle ang tema ng palabas?

"Let’s see. Kasi may twist, e. May twist sa isang character," sagot ng young actress.

Hindi rin maiiwasang ikumpara ang Muling Buksan ang Puso sa Walang Hanggan. Handa na ba siya sa pressure na ito?

Pahayag ni Julia, "’Yan ang iki-clear ko. Siyempre, mahirap sabihin na magiging kasing laki o mas malaki.

"Kasi, after Walang Hanggan, mahirap naman lagpasan o pantayan dahil nga iba yung cast, iba yung story, iba yung tina-target na market, and iba yung theme nung story na yun.

"Hopefully, siyempre dini-dream namin and gino-go namin na kasing-succesful din ng Walang Hanggan."

Dagdag pa niya, iba naman ang tema ng bago niyang show kaya’t mahirap ikumpara ito sa dating soap.

"Hindi mo siya puwede kasing ihambing o ikumpara sa Walang Hanggan kasi iba yung itinatakbo ng story.

"Itong Muling Buksan ang Puso, more on love. May tina-tackle din na family pero mas magpo-focus sa love.

"Pero kasi dito sa Walang Hanggan, malaki ang impact ng family dun sa love."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN