Mark Herras on settling down with Ynna Asistio: "Ako, kung puwede, bakit hindi?"

Para kay Mark Herras, isang dahilan lang ang maaaring magpalipat sa kanya ng network: “Siguro, darating lang yung point na may possibility na lumipat ako... Pag alam mo yung talagang hindi ka na pinapansin doon sa network na pinagtatrabahuhan mo.”


Sumama at tumulong si Mark Herras sa kampanya ng ama ng girlfriend niyang si Ynna Assistio noong nakaraang eleksyon.

Muling tumakbo bilang mayor ng Caloocan City si Macario “Boy” Asistio, ngunit ang nanalo ay si Oscar Malapitan, na outgoing first district congressman ng naturang lungsod.

Kuwento ni Mark sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Sumama ako, nakadalawang beses ako.

“Yung una, nag-ikot kami sa palengke sa Caloocan, tapos yung second, yung second to the last motorcade nila.”

Wala ba siyang talent fee sa pangangampanya?

“Wala, wala, wala.”

Pumangatlo lang si Boy Asistio sa mayoralty race sa Caloocan. Paano sinuportahan ni Mark si Ynna sa pangyayaring ito?

“A, well... Noong time na lumalabas yung mga results doon sa votes, di ba, yung mga forty to fifty percent to sixty percent...

“So first time ko ring nakatutok... hindi naman sobrang tutok...

“First time kong nag-abang sa TV kung ano yung mga balita about doon sa mga ibinoto ng mga tao.

“Tapos iyon... siyempre, noong nalaman ko na yung resulta, or actually kahit wala pa yung one hundred percent...

“Pero, di ba? Parang hindi ko alam, pero yung mga kung ano... hindi maiiwasan talaga...

“So kinausap ko lang siya kung okay ba siya and especially kung okay ba si Tito Boy,” saad ni Mark.



HOUSE HUNTING. May balitang naghahanap na sila ni Ynna ng bahay para sa kanilang kinabukasan. Totoo ba ito?

“Hindi pa, e... ang daming puwedeng hanapan. Pero siyempre, dapat yung tamang lugar din... hindi naman porke’t maganda lang.”

Hati raw sila ni Ynna sa gagastusin.

“Iyon ang plano, siyempre for the future din.”

Investment lang daw iyon for their future. Hindi pa naman kasi nila napag-uusapan ni Ynna ang tungkol sa pagpapakasal.

Sabi ni Mark, “Sa ngayon, hindi pa.

"Kasi siyempre, bata pa rin si Ynna and ang dami pa rin niyang gustong gawin sa career niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko namang madaliin yung tao, di ba?"

Ayaw pa rin ba ni Mark mag-asawa?

Sagot ng 26-year-old actor, “Ako, kung puwede, bakit hindi?

“Kaso siyempre, ayoko ding mag-asawa, tapos ako rin ang mahihirapan sa bandang huli or yung family-to-be ang mahihirapan.

“Gusto ko, kaya kong suportahan yung magiging asawa ko, na kaya kong suportahan yung magiging mga anak ko...

“Gusto ko ng magandang buhay for them.”

Nakaipon na ba sila ng pambili ng bahay?

“Nag-iipon, nag-iipon po kaming dalawa,” sagot niya.



NETWORK TRANSFERS. Umuugong ang balita na aalis na raw sa GMA-7 ang top leading men ng network na sina Richard Gutierrez at Dingdong Dantes sa pagtatapos ng kontrata ng dalawa.

Para kay Mark, hudyat ba ito na mas magiging maluwag na ang kumpetisyon among the male stars ng Kapuso network kung sakaling matuloy ang pag-alis nina Richard at Dingdong?

Sabi niya, “Actually, siyempre wala namang may gusto na may umaalis sa network... lalo na yung pagka yung mga artista na umaalis, e, naging close namin.

“Ako, naging close ako kay Kuya Dong tsaka kay Chard.

"Pero kung anuman yung magiging desisyon nila… sa part ko naman bilang artista, I mean, hindi naman kami inalisan ng atensiyon ng GMA, e.

“Kaya nga this time, mas... alam mo yun, mas inaayos naming lahat, hindi lang ako, every project na ibinibigay sa akin ng GMA.

“Siguro wala naman kayong nabalitaan na naging pasaway ako dito or kung sino man na artista dito [sa Unforgettable].”

Pati si Marian Rivera ay nababalitang aalis na raw sa GMA-7.

Sabi ni Mark tungkol dito, “E, desisyon po nila yun, kung totoo nga, di ba?

“I mean, kasi ako naman, sabi ko sa sarili ko, hangga’t hindi naman ako pinapabayaan ng network, di ba, ano naman ang karapatan ko na lumipat sa ibang station?

“Unang-una, ang laki po ng utang na loob ko sa GMA, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro, darating lang yung point na may possibility na lumipat ako, pag alam mo yung talagang hindi ka na pinapansin dun sa network na pinagtatrabahuhan mo.

“E, so far, okay pa naman, e.”

Si Mark ang kauna-unahang male winner ng reality-based artista search ng GMA-7 na StarStruck.

Ano ang next project niya pagkatapos ng Unforgettable na magtatapos na ngayong Biyernes, May 31?

“Wala pa naman po silang sinasabi sa akin or ina-update, pero ayun, habang wala, pahinga muna... relax," sabi ni Mark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN