Kylie Padilla on mom Liezl Sicangco and stepmom Mariel Rodriguez feud: “Gugulo lang lahat kasi nasa gitna po ako, e... I can’t side.”

Ayaw makialam ni Kylie Padilla sa kung anumang gusot na namamagitan ngayon sa kanyang ina na si Liezl Sicangco, ama na si Robin Padilla, at madrasta na si Mariel Rodriguez. Paliwanag niya, “No, ayoko. Alam ko yung pakiramdam na yun, e, yung may nagsa-side! Ayoko! Siyempre, sa buhay, may mga sitwasyon na ganoon, kahit hindi naman nanay or tatay. Yung pakiramdam na yung mahal mo, nag-side sa iba parang... ‘Ouch!’ Yung ganoon, kaya ayokong gawin sa iba.&rd


Umiiwas masangkot ni Kylie Padilla sa mga usap-usapan sa social networking sites tungkol sa tweet ng ina nitong si Liezl Sicangco.

Kamakailan kasi ay nag-post ng mensaheng ganito si Liezl sa Twitter: “Grow up and be nice! You married a man with children. He’s not all yours.”

Marami ang naniniwala na patama ito ni Liezl kay Mariel Rodriguez, ang asawa asawa ngayon ng ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie kung naaapektuhan siya ng mga kaganapang ito.

Tugon ng Kapuso actress, “I’d rather keep out na lang.

“Siyempre, while browsing through my Instagram, nakikita ko yung ibang posts.

“Parang I know there’s something fishy, pero ayoko na lang makialam.

“Kasi, gugulo lang lahat kasi nasa gitna po ako, e—tatay ko, Tita Mariel, tapos my mom—I can’t side.”

Naniniwala si Kylie na maaayos na hindi siya makikang gusot na ito na hindi siya nakikialam.

“Oo. Ayokong... basta ayokong makialam. Basta alam nila na mahal ko silang lahat.”

Close din daw si Kylie kay Mariel.

“Wala pong wall, there’s no wall, but I don’t wanna... you know, alam mo yun?

“Yung mas close ako kay Tita Mariel kasi ang nanay ko nasa abroad, e.”

Sa Australia na nakabase si Liezl, kasama ang bago niyang asawa at ibang mga anak kay Robin.

Naniniwala si Kylie na kahit mas madalas niyang nakakasama si Mariel ay iba pa rin ang tunay niyang ina.

“Iba pa rin ang nanay, oo naman.”

Hindi raw nakikita ni Kylie ang sarili niya isang araw na kakampi kahit kanino.

“No, ayoko. Alam ko yung pakiramdam na yun, e, yung may nagsa-side!” sabay tawa niya.

“Ayoko! Siyempre, sa buhay, may mga sitwasyon na ganoon, kahit hindi naman nanay or tatay.

“Yung pakiramdam na yung mahal mo, nag-side sa iba parang... ‘Ouch!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung ganoon, kaya ayokong gawin sa iba.”

Pero mahal niya raw ang tatlo at gusto niyang maging maayos ang lahat.



OWN CONDO. Wala rin daw kinalaman sa paglipat ni Kylie ng condo ang mga kung anu-anong isyu na naglalabasan.

Sabi niya, “Huh? Hindi, pinangarap ko po talaga yun... pangarap ko talaga yun.

“Probably next month. Binili ko po, ire-renovate pa.”

Mag-isa lang daw si Kylie sa condo.

“Ako lang, gusto ko ako lang.

“Siguro katulong, minsan pupunta, maglilinis, pero everything else, I can do.”

Mabuti’t pinayagan siya ng daddy niya?

“Kasi Rockwell po iyon, e, ang daming security guards, so medyo safe.”

Hindi na raw nila pinagdiskusyunan iyon at hindi tumutol ang ama niya sa pagtira ni Kylie nang solo sa condo.

“Hindi sa akin, siguro sa ibang tao, sinasabi niya, ‘Yung anak ko, lilipat na!’ Pero nagpapaalala parati sa text.”

Humahati raw noong una ang daddy niya sa pagbili ng condo niya pero hindi pumayag si Kylie.

“Gusto niya makihati pero gusto ko kasi, masabi ko naman na ako talaga ang bumili, na akin talaga ito.”

Ano naman ang sabi ng mommy niya?

“Ay, okay lang naman kay Mama lahat ‘yan!”



VEHICULAR ACCIDENT. Nadako naman ang usapan sa pagkabangga ng bagong kotse ng kanyang boyfriend na si Aljur Abrenica—ang Dodge Challenger ST8.

(Read: Aljur Abrenica’s new luxury car involved in accident)

“Oo naman!” mabilis na sagot ni Kylie nang tanungin ng PEP kung na-tense ba siya.

Nagalit pa nga raw siya kay Aljur.

“Nagalit, out of care. Pero siguro, pagod na kasi siya noon kasi umaga na yun, e, three a.m. in the morning.”

Hindi ba ang driver ng aktor ang nagmamaneho para kay Aljur?

Sabi ni Kylie, “Pinagpahinga niya kasi yung driver niya, puyat sa taping... ganoon.

“Hindi naman po niya siguro sinasadya, pagod lang siguro po talaga.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mabuti na raw at hindi total wreck ang kotse ni Aljur.

“Hindi naman, yung right side.”

Insured din daw ang naturang sasakyan.

Papayagan pa rin naman ni Kylie na gamitin pa rin ni Aljur ang kotseng nabangga pagkaayos nito.

Sabi ni Kylie, “May tiwala naman ako sa kanya—aksidente iyon.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN