Ryza Cenon admits crush on John Lloyd Cruz: "Kasi magaling siyang umarte."

Ngayong nakapag-pose na si Ryza Cenon para sa FHM, handa na raw ang Kapuso actress na tumanggap ng sexy and daring roles. Pero ang dream role daw niya talaga ay "yung may mga challenge na kailangan mong pag-aralan yung eksena, yung pagsasalita, yung mga tingin na dapat pag aralan."


Dahil pumayag nang mag-cover pictorial si Ryza Cenon para sa FHM, bukas na rin daw ngayon ang Kapuso talent na tumanggap ng sexy o daring roles.

“Oo naman, ibig sabihin nun ay open na ako gumawa ng ibang sexy scene at mga mature roles,” sabi ni Ryza nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa autograph signing niya for FHM last week.

Hanggang saan ba ang kaya niyang gawin?

Tugon ni Ryza, “Depende po ‘yan sa director.

“Siyempre kahit may ganun naman sa eksena, pinagkakatiwalaan ko naman yung director.

“Depende kasi sa daya ng camera yun, e…

“Kaya ko namang magpakita ng likod or medyo butt exposure, mga ganun.”

What about love scenes and torrid kissing scenes?

“Oo naman, okay lang yun.

“Kung yun yung hinihingi ng istorya, why not?

“Kung yun yung ikakaganda ng pelikula or teleserye, why not?”

May dream role ba siya?

Sagot ni Ryza, “Oo naman, pero hindi more on sexy scenes, e, more on yung parang mga baliw yung character.

“Yung may mga challenge na kailangan mong pag-aralan yung eksena, yung pagsasalita, yung mga tingin na dapat pag aralan.”

Sino namang leading man ang gusto niyang makatrabaho?

“Siyempre, John Lloyd Cruz!

“Magaling kasi siya... crush ko siya, kasi magaling siyang umarte,”

Sa pag-arte lang ba niya crush si John Lloyd?

“Siyempre kasama na yung dahil guwapo siya, pero mas umaangat yung galing niya sa pag-arte,” sabi ni Ryza.

Dream come true ba kung saka-sakaling makatrabaho niya si John Lloyd?

“Oo nga, pero malay mo… malapit naman nang mag-retire si John Lloyd, di ba?” natatawang banggit ng StarStruck alumna tungkol sa tinuran noon ng Kapamilya actor tungkol sa “early retirement.”

Hindi ba siya natatakot sa girlfriend ni John Lloyd na si Angelica Panganiban?

“Hindi, a! Hindi naman ako nang-aagaw ng boyfriend,” sabi ni Ryza.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN