Solenn Heussaff defends brother Erwan on his snide tweet about Manila mayor-elect Joseph Ejercito Estrada

Para kay Solenn Heussaff, mas raw na sarilinin na lamang kapag may “strong opinion” at huwag nang i-post sa social networking sites para maiwasan na matira ng bashers.


Kinunan ng pahayag ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Solenn Heussaff hinggil sa isyung kinasangkutan kamakailan ng kanyang nakababatang kapatid na si Erwan Heussaff.

Ito ay may kinalaman sa patutsada diumano ni Erwan tungkol kay Manila mayor-elect Joseph Estrada.

Matatandaang pagkatapos ng May 13, 2013 elections ay naging isyu ang isang post ni Erwan sa kanyang Twitter account nang magpahaging siya na hindi dapat mag-alala si former president Gloria Macapagal-Arroyo—na tumakbo at nanalo muli bilang congresswoman sa Pampanga—na matapos arestuhin noong 2011 dahil sa electoral sabotage case ay nagkaroon pa rin ng posisyon sa pamahalaan.

Sa tweet kasi ni Erwan ay tila ikinukumpara niya ang sitwasyon nina GMA at Erap na matapos kasuhan ay naihahalal pa rin sa gobyerno.

Sinagot naman ito ng isa sa mga anak ni Erap na si Jerika Ejercito sa pamamagitan din ng Twitter.

YOUNGER BROTHER. Sabi ni Solenn tungkol sa tweet ng kapatid, “My brother’s got a mind of his own also na mas matigas ulo niya kesa sa akin, so whatever you tell him…

"I tell him naman, ‘The more you talk about it, the more that people will bug you about it.’

"So, for me, you let it lay low and ignore it.”

Ang paniniwala raw ni Solenn sa ganitong isyu, “For me, in general lang, pag may mga tao that bother you, the more you make them pansin, mas lalo sila magba-bother sa ‘yo.

“Like me dati in school, nung fat kid pa ako, every time the boys would call me ’Free Willy’ [mula sa 1993 Hollywood film] and I’d cry and run after them.

"The more I ran after them, the more they do it.

"But after a while, I decided na, okay... so sigaw sila nang sigaw, ganun lang ako, then they stopped after a while.

"They want the attention that they want.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP si Solenn sa presscon ng event ng Sun Broadband na "Cook Fest with Solenn," noong Lunes, Mayo 27, sa Center for Culinary Arts sa Katipunan, Quezon City.

Hindi naman daw lumapit sa kanya si Erwan para pag-usapan ang isyu, at nalaman lang daw ni Solenn ang tungkol dito sa pamamagitan ng Twitter.

“I just read Twitter, you know, when I’m bored.

“I don’t really communicate too much with him.

"He doesn’t listen to me much, I’m being his older sister, you know, yung mga bata.”

Sa tingin daw niya ay hindi naman dinibdib ni Erwan ang isyung ito.

Bukod kay Erwan ay nadawit din sa isyung ito ang kaibigan nila na si Georgina Wilson dahil sa tweet nito noong 2009 na na-repost ngayong eleksyon:

“ugh i hate politics - but I only have one thing to say: Anyone that votes for Erap is a f***ing idiot"



DIFFERENT PERCEPTION. Samantala, kinunan din ng reaksiyon ng PEP si Solenn tungkol sa sinabi ni Jerika Ejercito na dapat ginagamit ng mga celebrity ang impluwensiya nila sa positibong paraan.

Malinaw kasi sa mga sagot sa Twitter posts ng magkapatid na sina Jerika at Jake Ejercito na dapat daw ay inaalam muna nina Erwan at Georgina ang “facts” bago manghusga.

Sabi naman ni Solenn, “Everyone has a different perception of positive influence.

"So if someone thinks that this person has the right to run the government or someone else thinks this person is [wrong]… may iba-iba silang take.

"They have their own take and I respect that and other people should respect us too.”

Maging ang kaibigang si Georgina ay ipinagtanggol ni Solenn.

Sabi ng TV host-actress, “That was four years ago.

"I don’t know why people… for me, it shouldn’t have been brought up again, kasi it was four years ago.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Like I said, people’s minds change and also people are entitled to their right of freedom of speech, so for me she has every right to say what she wants.”

HOW TO HANDLE CRITICISMS. Paano ba hinaharap ni Solenn ang mga kritisismo sa kanya bilang isang celebrity sa social networking sites?

Sabi niya, “I try not to veer on that subject because there’s a lot of good articles I’ve read.

"Minsan may mga bad articles din, but I guess that comes with the job.

“Sometimes [when] I read it, parang it makes me feel down, even if I know I shouldn’t.

"But you know, it always ends up hitting a part of your brain, so I try not to read gossip.”

Hindi ba siya natutukso na sagutin ang mga pambabatikos na ito mula sa bashers?

“I’ve done it in the past, but I’ve learned how to keep my mouth shut!” sabay tawa ng Kapuso star.

“Minsan may mga taong parang walang… wala silang utak when they write things.

"So kahit if it’s me or my friends or someone I know na hindi kami close din, pero I know na hindi siya ganung tao or like that, I still feel the nerve and the rage of wanting to answer.

"But then it’s just a thing that passes by lang.”

Sa huli, sinabi ni Solenn na ang pinakamagandang paraan upang maiwasan ang mga kontrobersiya o kritisismo ay ang pagiging maingat sa mga sasabihin o isusulat sa social networking sites.

“I used to have my mistakes also. Tao lang po.

"We also get hurt in everything so I just say, if you have opinion, you can voice them out.

"But usually they’re there for promotions and little stories of your life.

"But when it comes to strong opinions, dapat keep it to yourself because there are always haters and they’re always around.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

UPCOMING PROJECTS. Samantala, nalalapit na ang pagtatapos ng teleseryeng Indio ng GMA-7 kung saan gumaganap bilang diwata si Solenn, kaya magiging abala muna siya sa kanyang dalawang shows; ang Fashbook at Taste Buddies na mapapanood pareho sa GMA News TV.

“And I have a new endorsement coming up. Yun muna.

"Two movies. Pero I don’t know when we’re starting.

"I think June or July with Regal din and I’m excited for that.

"Mas gusto ko yung movies naman,” pagtatapos ni Solenn.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN