Mike Tan denies living-in with longtime girlfriend

Taliwas sa paniniwala ng iba na reluctant siya na magpa-sexy, sabi ni Mike Tan, "Kung ano ang ibibigay sa akin, kung ano yung gusto nilang trabaho para sa akin, gagawin ko. Hindi ako reluctant. Ako naman, kung anong klaseng trabaho ang ibigay sa akin, okey lang, e. Lagi ko namang sinasabi na depende sa script, depende sa gagawin."


Isa ang Kapuso hunk na si Mike Tan sa nakuhang bagong endorser ng isang male underwear brand. Kasama niya rito sina Carlos Agassi, DJ Durano, Gloc9, at Joem Bascon.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mike sa soft media launch ng Guitar Underwear kagabi, May 28, sa Shutter Space Studios, Katipunan Ave., Quezon City.

Paano dumating sa kanya ang ganitong oportunidad?

Kuwento ni Mike, “Yung manager ko lang ang nakipag-usap at sinabi lang sa akin na may isang linggo na lang ako para mag-prepare tapos pictorial na.

“Siyempre, nagulat ako. Sabi ko, ‘Anong nangyari?’

“Di ba, one month bago ang pictorial? E, kailangan na nga raw.”

Paanong preparasyon ang ginawa niya?

“Dun sa one week na yun? Kumain lang ako ng broccoli at saka nag-gym.

“Tapos nung weekend na yun, may trabaho pa ako, wala pa akong time mag-gym.

“So, broccoli lang talaga ang kinakain ko

“Nakaya naman. Pag ginusto mo naman, magagawa mo.

“Sabi ko nga, sana pag may ganitong trabaho o pictorial, sana sabihan ako one month before.

“Lahat naman may preparation.

“Saka yung pagiging tao ko naman, hindi parang hinulma.

“Kumbaga, hindi ako payat na katulad ni Aljur [Abrenica]—na kahit anong mangyari, maganda ang katawan.”

THE PICTORIAL. Kumusta naman ang naging pictorial niya?

“Wala namang nangyaring hindi maganda kasi nga nahabol ko naman yung katawan na dapat para doon. Naging okey naman.

“Pero lean, hindi yung buff na muscle. Hindi ko pa nakikita yung finished product.

“Pero yung nakita kong billboard at saka yung naka-damit, ‘yan talaga yung katawan ko nung pictorial.”

Ano ang suot niya sa pictorial?

Sabi ni Mike, “Naka-brief ako. Pero sa pictorial, dalawa yung suot kong brief.

“Feeling ko lang na maganda kung dalawa yung brief na isusuot ko.

“Actually, sinabi naman nila na it’s up to me na raw.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang gustong tukuyin ni Mike ay siya na lang ang magdesisyon kung isa o dalawang brief ang isusuot niya.

Nahihiya ba siyang may bumakat pag isang brief lang ang suot niya?

“Hindi naman. Mas magiging kumportable lang ako kung dadalawahin ko yung suot ko.

“Masyado kasing nakahulma kapag isa lang, e!” tawa niya.

Patuloy na paglilinaw ni Mike, “Kinuberan [covered] ko lang pero kita pa rin… parang gano’n. Saka nailang lang ako.”

Ginawa raw niya ito para makaiwas sa kontrobersiya.

“Baka ipababa lang ng MMDA o kaya ni Mayor Benhur [Abalos ng Mandaluyong]. Kasi nakaka-distract sa mga tao.

“Pero as of now naman, naipapakita naman yung tatlo kami na naka-t-shirt, e. Hindi ko na alam yung mga susunod na billboard e.

“Pero sabi ng mga tiga-Guitar, ilalabas din daw yung mga naka-brief kami.”

RELUCTANT HUNK. Handa na ba siyang maging sex symbol?

Tugon ni Mike, “Well, sila na’ng bahala kung gusto nila akong ano…

“Pero ako naman, mas gusto kong maging actor kaysa maging ano, e…

“Kasi kilala ko ang sarili ko, pati yung katawan ko. Hindi rin naman talaga ako laging handa.

“Kailangan ko pa ring mag-gym or mag-diet para maging maganda yung katawan.

“E, mas mahilig ako sa ibang activities. So, medyo nahihirapan din akong mag-gym.”

Ibig bang sabihin nito ay alinlangan pa siyang magpa-sexy?

“Hindi naman. Kung ano ang ibibigay sa akin, kung ano yung gusto nilang trabaho para sa akin, gagawin ko.

“Hindi ako reluctant.

“Ako naman, kung anong klaseng trabaho ang ibigay sa akin, okey lang, e.

“Lagi ko namang sinasabi na depende sa script, depende sa gagawin.

“Kapag napag-usapan namin ng handler ko, ng Artist Center… kung gusto nila, sige, gawin natin.

“Bigyan n’yo lang ako ng time.”

Hanggang ngayon wala pa rin raw ideya si Mike kung anong image o career path ang gustong paglagyan sa kanya ng GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngunit aniya, “Masaya naman kasi pag iba-iba yung mga roles na ibinigay sa akin. Kasi nailalabas ko yung versatility ko as an actor.

“Thankful ako actually na ganun ang ginagawa sa akin ng GMA, e. Kung saan-saan ako inilalagay na role.

“Ngayon, yung gagawin ko sa Basang Sisiw, sindikato ang role ko… iba uli.”

Ang Mga Basang Sisiw ay upcoming afternoon soap ng GMA-7 na magsisimula na sa June 3.

VACANT PERIOD. Ito ang unang proyekto ni Mike pagkatapos niyang mabakante ng pitong buwan.

Hindi ba siya nainip sa paghihintay ng bagong acting assignment?

Sagot niya, “Tagal kong naghintay noon. E, ilang buwan lang naman yung pinaghintay ko bago magkaroon ng panibagong show.

“So, okey lang.”

Ano ang pinagkaabalahan niya nung mga panahong wala siyang bagong project?

“Wala, kumain lang. Kaya nga tumaba ako nung December. Nag-200 pounds ako. Sobrang…

“Kasi regional [shows] tapos yung pinupuntahan namin—Ilocos, Cebu... So, kain ako nang kainn.

“Pero after nun, nag-fasting ako, nag-juice fasting ako. Balik sa sports, sa gym.

“Tapos, sinubukan kong maging raw-vegan for one week. Tapos after nun, naging vegetarian ako after nun.

“Hindi ko na hinahanap yung lasa ng meat.

“Well, hindi ko na talaga… well, sa akin, kapag nakakita ako ng kumakain ng steak, ‘Wow, steak!’

“Yun ang pinakapaborito ko noon na steak eater ako.

“Ngayon, pag tinitingnan ko, parang hindi ko na kaya, parang nakakadiri na, nakakasuka tingnan.”



LIVE-IN RUMOR. Samantala, sinagot ni Mike ang bali-balitang nakikipag-live in na raw siya sa kanyang longtime girlfriend.

“Hindi, wala! Talaga?” reaksiyon niya.

“Though kami pa rin ng girlfriend ko, hindi kami nagli-live in.

“Magagalit yung mga magulang namin. Alam namin yun.”

Hindi kaya itinatago lang nila ito para pangalagaan ang image niya?

Sabi ni Mike, “Wala, wala rin naman akong image na pinapangalagaan.

“Hindi ko rin naman nakikita ang sarili ko na masisira ako porke’t may asawa na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi rin naman ako na-build up na gano’n na super matinee idol na bawal magkaroon karelasyon sa ibang tao… hindi ko talaga nakikita.

“Open naman ako sa personal.

“Pag tinatanong ako kung kumusta na yung relasyon ko, sinasagot ko naman na, ‘Yeah, I’m still in a relationship. Same girl.’”

Wala pa ba silang planong magpakasal gayong pitong taon na silang magkasintahan?

Sagot ni Mike, “Wala… kasi kapag nagpakasal kami, kawawa lang yung magiging pamilya namin.

“Hindi naman kami handa parehas, e—financially, emotionally, spiritually.

“Alam mo naman sa industriya natin, e. Never mong masasabing stable ka.

“Siya rin naman... alam mo yun, pareho kaming hindi pa handa.

“Sino ba naman ang ayaw... siyempre pag nakakakita ka ng baby tapos ang cute-cute, siyempre gusto mo rin ng sa iyo.

“Pero hindi pa kami handa, e. Ayokong mag-suffer yung mga magiging anak ko. Ayoko.

“Ayoko ng broken family. Ayokong hindi ko masustentuhan yung pangangailangan ng mga anak ko.

“Gusto ko kapag nagbigay ako, hundred percent.

“Kasi nanggaling na ako sa ganitong… yes, sa broken family.

“Medyo matagal na rin, mga six years ago na. Pero matagal na rin naman silang malabo,” na ang tinutukoy ni Maike ay ang relasyon ng mga magulang niya.

Dagdag niya, “Ayoko yung may kailangan ka, hindi maibigay. Ayokong maranasan nila yung naranasan ko noon.

“Kung ano yung kailangan nila, gusto ko hundred percent kong maibibigay yun.”

Ibig sabihin, hindi niya uunahing magkaroon ng baby bago ang kasal?

“Hindi. Definitetly, hindi. Gusto ko, marriage muna bago baby.”

MAGIC MIKE. Masaya ba si Mike sa nangyayari sa career at personal life niya ngayon?

“Yeah, masaya ako. Masaya ako sa ginagawa sa akin ng GMA.

“Sinasabi ko, nakakatuwa, kasi everytime na binibigyan nila ako ng role, iba.

“Hindi yung mabait, iyakin, nagmamahal lang sa isang asawa… alam mo yung typical na role, may loveteam?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ngayon, binibigyan ako ng bida pero masamang tao. Killer…

“Dun, mas nai-enjoy ko yung craft ko, kasi nai-enjoy ko.

“Kung hindi ako nagkakamali, at least pinagkakatiwalaan nila ako sa ganung mga roles.”

Ready ba siya sa frontal nudity pag may magandang project o script?

“Naku, hindi pa! Hindi pa!” bulalas ni Mike.

What about butt exposure?

“Bahala na, hindi ko pa masabi. Pag-iisipan natin ‘yan, ha? Depende.

“Malay mo, di ba? Wala namang problema, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN