Sam Milby meets Hollywood celebs Steven Spielberg, Jennifer Lawrence, Liam Hemsworth, and Justin Timberlake in Cannes

Malaki ang pasasalamat ni Sam Milby na sa kabila ng kanyang hectic schedule ay pinayagan siya ng ABS-CBN na makadalo sa Cannes International Film Festival.


Isa si Sam Milby sa mga dumalo sa Cannes International Film Festival noong nakaraang linggo bilang isa sa mga delegate para sa indie movie na Death March na idinirehe ni Adolf Alix Jr.

Kasama rin sa pelikula sina Zanjoe Marudo, Jason Abalos, Sid Lucero, Carlo Aquino, at Felix Roco. Pero tanging si Sam bilang bahagi ng cast ang nakapunta sa Cannes.

Kasama naman ni Sam sina Direk Adolf, ang kanilang supervising producer na si Evelyn Vargas-Knaebel, at producer-actor Jacky Woo na kasama rin sa pelikula.


(Read: Sam Milby attends 66th Cannes Film Fest)

Sabi ni Sam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang karanasan, “It was such a short trip pero sa sobrang dami ng nangyari, sobrang sarap talaga, e.

“Yung mga nakita kong Hollywood celebrities, yung kasabayan namin sa red carpet...

"Naglakad kami sa red carpet... si Steven Spielberg ang kasabay namin, tapos kasunod namin si Jennifer Lawrence, Liam Hemsworth...”

Nang sumunod na araw ay nakita raw ni Sam si Justin Timberlake, at nakasama naman niya sa screening ng isang pelikula ang tanyag na Chinese actress na si Zhang Ziyi, at nakapagpa-picture pa si Sam kasama ito.

“Ang saya, sobra!” sambit ni Sam na tila hindi pa rin makapaniwala.

“Actually, sana lang yung mga kasama ko sa movie, kasama ko rin na-experience yun. Marami kami sa movie, e.

"Ako, sobrang happy and thankful na kahit two days lang, pinayagan ako ng ABS-CBN kasi muntik na hindi ako makapunta dahil sa schedule.”





MIXED REVIEWS. Ang tema ng Death March ay tungkol sa Bataan Death March noong World War II, kung saan ang mga bihag na sundalong Amerikano at Pilipino ay pinaglakad ng mga sundalong Hapon ng 128 kilometro, mula Tarlac hanggang Bataan, na ikinasawi ng marami.

Naitanong namin sa Filipino-American actor kung ano ang reviews ng mga nakapanood ng pelikula sa Cannes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko pa nabasa ang maraming movie reviews. I’ve been hearing good and bad [comments],” pag-amin ni Sam.

Pero pagtatanggol niya, “Hindi pang-masa ang movie. It’s an indie movie, it’s an experimental, artful way of showing Bataan Death March and a very difficult concept.

"I’m happy with it.

“The fact na pumasok sa Cannes, apat na Pinoy movies na kasama sa Cannes… first time in Pinoy history na may apat na movies [na nakapasok sa Cannes].”

Ang iba pang Filipino films na ipinalabas sa Cannes this year ay ang On The Job (OTJ) na pinangungunahan nina Piolo Pascual, Gerald Anderson, Rayver Cruz, at Shaina Magdayao; at ang Norte, Hangganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz.

Ang dalawang pelikula ay parehong nakabilang sa Un Certain Regard section.

Ang 1975 classic Filipino movie namang Maynila Sa Kuko Ng Liwanag ni Lino Brocka ay entry sa Cannes Classic selection. Dumalo sa screening nito ang lead actress ng pelikula na si Hilda Koronel.



MOVIE WITH ANNE CURTIS. Noong Pebrero ay inihayag ni Sam na magkakaroon sila ng reunion movie ng ex-girlfriend niyang si Anne Curtis bago matapos ang 2013.

Hiningan naman ng update si Sam tungkol sa pelikulang nakatakdang pagsamahan nila ni Anne.

Aniya, “Dahil wala pang nangyaring story con, hindi ko lang sigurado kung itutuloy.

"Siyempre ganun talaga, e. Until nag-start talaga yung shooting, di pa sigurado.

"But ayun, I’ve heard about it.

“Ang alam ko, itutuloy later this year. So I’m excited.

“There was a time na siguro hindi maganda kung may project kami kasi di [kami] okay [dati].

“We owe it to our fans. Mga fans namin, they’ve been looking forward to it dahil ngayon na okay na kami [ni Anne], I think puwede na.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN