James Yap’s lawyer clarifies Instagram photo of PBA player with son Bimby; declares victory over PPO filed by Kris Aquino

"Thank you Lord." Ito ang ipinost na mensahe ni James Yap sa kanyang Instagram account noong May 28 kasama ng lumang larawan nila ng kanyang anak na si Bimby.


Kahapon, May 29, ay kumalat ang balitang muling nagkasama ang mag-amang James Yap at Bimby matapos mag-post ang basketball star ng litrato kasama ang anak sa kanyang Instagram account (jamesyap18) noong May 28.

May caption ito na: "Thank You Lord."

Marami ang nag-akalang muling nagkasama ang mag-ama kaya buhos ang tuwa ng followers ni James.

Pero may mga nagkomento rin na luma na raw ang naturang larawan.

Isang follower pa ang nagsabing "old pic" na nga ito at i-browse daw sa ibaba at makikita ang kahalintulad na litrato.

Sa old post ni James ay makikita nga ang kaparehong litrato na may caption na "Goodnight."

Nakasaad sa date nito sa timeline na nai-post ito 22 weeks ago o may limang buwan at dalawang linggo na ang nakararaan.

Kaugnay nito, minarapat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na itanong sa legal cousel ni James na si Atty. Lorna Kapunan ng Kapunan Garcia & Castillo law offices kung totoo nga bang nagkasama ang mag-amang James at Bimby.

Sagot nito sa aming mensahe via text messaging kagabi, “We won.”

Pagkatapos nito ay kaagad naming tinawagan sa telepono si Atty. Kapunan upang linawin ang kanyang tinuran.

Bungad niya, “Yeah, we won, James won.”

Muli naming inulit ang aming katanungan kung may katotohanan bang nagkasama nang muli ang mag-ama.

Sagot ni Atty. Kapunan, “No, he’s been trying kasi tawag siya nang tawag hindi naman siya sinasagot.

"And then gusto niyang dumalaw, wala namang contact.

"But yesterday [May 28], we got a copy of the court order, giving James the right to visit.

"Kasi, di ba, humingi ng [permanent] protection order si Kris [Aquino], pero dinenay ng court over Bimby.”

THE COURT DECISION. Ang tinutukoy ni Atty. Kapunan na "court order" ay ang Civil Case No. 13-286 for TPO/PPO na iginawad ng Regional Trial Court Branch 144 ng Makati.

Nakakuha ang writer na ito ng kopya ng siyam na pahinang desisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tungkol sa permanent protection order na hinihingi ni Kris para kay Bimby laban sa ama nito, ito ang naging desisyon ng korte:

“However, as to the minor James A. Yap, the record is bereft of any ground to convince the Court to make the permanent protection order. As it is, it will be the best interest of the minor that both his parents, however inconceivable as it may seem, will always be present to give him guidance and shower him with love.

"Therefore, the prayer for permanent protection order against respondent with respect to minor James A. Yap is hereby DENIED."

Ngunit ang PPO na hinihingi ni Kris laban kay James ay kinatigan ng korte.

Nakasaad dito na, “As to the prayer for the issuance of permanent protection order in favor of petitioner Kristina Bernadette C. Aquino against respondent James Carlos A. Yap, the same is hereby GRANTED.”

Dahil dito, pinagbabawalan ng korte si James ng mga sumusunod:

“committing or threatening to commit physical harm upon petitioner Kristina Bernadette C. Aquino, causing or attempting to cause petitioner to engage in any sexual activity, though not constitutive of rape, by force, threat and intimidation and causing and attempting to cause mental or emotional anguish to petitioner Kristina Bernadette C. Aquino, including but not limited to repeated verbal and emotional abuse.”

Ipinag-utos din ng korte kay James “to stay away from Kris at such safe distance but not less than 100 meters and from the residence and employment of petitioner Kris.”

Kung ano man daw ang malabag sa mga ito ni James o ng kanyang representante ay maaring magbigay-daan sa korte upang mag-utos pa ng "severe sanctions."

Kaugnay nito, sinabi ng legal counsel ni Kris na si Atty. Frank Chavez na iaapela nila ang desisyon ng korte na hindi ibigay ang PPO na hinihingi nila para kay Bimby.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng abugado ni Kris sa panayam nito sa ABS-CBN News, “The issue regarding whether or not he can visit his son is not yet resolved with finality.

“James Yap can’t come near 100 meters of Kris.

“He, therefore, can’t see Bimby. I can’t see on the horizon any [reunion] this Sunday or several Sundays from now. There are issues that have to be resolved.”

Pero kung sakaling hindi pa rin ibigay ng korte ang hinihingi nilang PPO para kay Bimby, ayon kay Atty. Chavez, “We can live with that, provided conditions are met…

“He will have to prove to be a father who will not inflict psychological, physical, emotional stress or strain on his son.

“[The] father and son can interact in the right way.”

Sa ngayon, nagpaabot na ang PEP ng mensahe kay James upang hingan ng pahayag tungkol sa naging desisyon ng korte.

Kaagad namin itong ipa-publish kapag sumagot na si James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN