Kylie Padilla says coast is clear for team-up with boyfriend Aljur Abrenica: “Medyo open na, e, alam naman ng lahat.”

Dahil sa balitang lilipat na diumano si Marian Rivera sa ibang network, nagkakaroon din ng usap-usapan kung sino ang karapat-dapat na pumalit sa kanya. Sa kaso ni Kylie Padilla, aniya, "Kung ako ang bigyan ng sunshine, ay, hindi ako tatanggi... papatunayan ko pa ang sarili ko!


Ngayong tila nauuso ang lipatan ng mga artista sa iba’t ibang network, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie Padilla kung totoong babalik sa GMA-7 ang kanyang ama na si Robin Padilla.

Naging usap-usapan ito dahil ilang buwan nang hindi napapanood sa ABS-CBN sitcom na Toda Max si Robin. May balita rin na sinuspindi raw ang action star dahil sa paglabas nito noon sa Wowowillie ng TV5 nang walang paalam.

Sabi ni Kylie tungkol dito, “Hindi ko po alam. May bago po siyang show, e, sa ABS.”

Sa bakuran naman ng GMA-7 ay maugong din ang balitang lilipat na raw ng ibang network ang Primetime Queen na si Marian Rivera.

Kung nagkataon daw, mabibigyan ng pagkakataon ang ibang Kapuso female stars na pumalit sa tronong iiwan ni Marian. At isa raw si Kylie sa mga nangungunang kandidata para rito.

Ano ang reaksiyon dito ni Kylie?

“Siyempre, nakakataba po ng puso kasi ang daming nakapila!

“Andiyan si Bela [Padilla], andiyan si Max [Collins], andiyan si Andrea [Torres]... ang dami naming nakapila.

“So, kung ako ang bigyan ng sunshine, ay, hindi ako tatanggi... papatunayan ko pa ang sarili ko!

“Pero siyempre, I don’t believe that lilipat si Ate Yan [Marian] kasi... I don’t know.

"I still see her around. Lilipat ba talaga?” balik-tanong niya.

Tatlong taon pa ang kontrata ni Kylie sa GMA-7.

“Feeling ko po ang dami ko pang magagawa sa GMA, e. I’m not finished with GMA!” tawa niya.



MEMORABLE SCENES. Bukas, May 31, ay magwawakas na ang pinagbibidahang afternoon soap ni Kylie sa GMA-7, ang Unforgettable.


Ano ang hindi niya makakalimutang eksena?

“The goodbye scene, yung nagpakita si Ed [Mark Herras] sa school. Tapos, nagpaalaman na kami, sumama na siya sa puting liwanag—iyon siguro.

“Kasi sa eksena na yun, wala akong inisip na personal, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Minsan kasi pag pagod na, iisipin mo na lang yung mahal mo, tapos siya nakikita mo.

"Pero sa eksena na yun talaga, naramdaman ko lang talaga na nagpapaalam na ako kay Ed.

“So, ang sarap ng pakiramdam, tapos ang sakit, ang ganda ng eksena.”

Ano naman ang natutunan ni Kylie sa direktor nila sa Unforgettable na si Gina Alajar?

“Napakasimple lang—relax and just feel the emotion, iyon lang.

“Iyon lang, tapos naano na niya ako, kaya ko nang umarte.

“Kasi, masyado akong tensed, perfectionist ako, e, gusto ko lahat perfect.

“To the point na minsan, hindi na ako nakakaarte, kasi nga iniisip ko lahat—bawat galaw ko, bawat ano.

"So, sabi lang niya, ‘Relax, just relax.’ Iyon.”



COMPLIMENTS. Kasama rin sa Unforgettable ang award-winning actor na si Phillip Salvador.

Sa hiwalay na panayam ay pinuri ni Phillip si Kylie dahil malawak daw ang range ng pag-arte ng young actress at malayo raw ang mararating nito bilang artista.

Ano ang masasabi ni Kylie dito?

“Thank you. Bilang baguhan lang ako, marinig yun sa isang mahusay na actor, my gosh, thank you, thank you sa kanya!”

Sino pa ang gusto niyang maging leading men?

“Ang dami ko nang sinabi noon. Sinabi ko na si Dennis Trillo, sinabi ko si Dingdong Dantes...

“Pero ngayon, gusto ko muna makatrabaho si AJ,” pagtukoy ni Kylie sa boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

Dagdag niya, “Gusto ko sana, kung bigyan kami [ng project together].”

Bakit hindi nila i-request sa GMA-7?

“Sabi ko nga sa kanya [Aljur], ‘I-request mo. Ako, ire-request din kita.’

“Kasi dati, hindi ako handa, kasi siyempre ang daming ano...

“Tapos, yung fans pa nila, sobrang sensitive,” pagtukoy ni Kylie sa fans ni Aljur at ng ka-loveteam nitong si Kris Bernal.

“Pero ngayon, parang…”

Tanggap na silang dalawa ng publiko?

“Oo nga, e, medyo open na, e. Alam naman ng lahat, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So kung bigyan kami ng chance ni Aljur... sana.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN