Jay-R has moved on from breakup with Krista Kleiner; admits dating now

Bukod sa pagiging singer ay nagpu-produce din ang album si Jay-R para sa ibang artists, gaya ng kanyang ex-girlfriend na si Krista Kleiner at pamangkin na si Deejay Poblete at ang banda nitong Kley. Sabi niya, "[I]t’s my passion talaga, na I really like helping people that I love—people around me na nakikita kong may potential talaga."


Isa na namang malapit sa puso ng R&B Prince na si Jay-R ang iprinodyus niya ng album.

Matatandaang nag-produce ng album si Jay-R para sa ex-girlfriend nitong beauty queen-turned-recording artist na si Krista Kleiner.

Ngayon naman, ang bagong pop-rock band na Kley ang ginawan ni Jay-R ng album. Ang bokalista nito ay ang pamangkin niyang babae na si Deejay Poblete.

Si Deejay ay pamangkin ni Jay-R sa nakatatanda nitong kapatid.

Naging grand winner si Deejay sa Pinoy Pop Superstar United States noong 2007, pero hindi ito pinalad na manalo sa finals night ng kumpetisyon dito sa Manila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jay-R sa media launch ng self-titled album ng Kley noong Martes, May 28, sa ballroom ng Rembrandt Hotel.

Ipinaliwanag ng Kapuso singer ang dahilan ng pagpu-produce niya ng mga kanta ng banda sa ilalim ng itinayo niyang label na Homeworkz.

Saad ni Jay-R, “Siyempre, I’m so proud dahil pamangkin ko si Deejay, e.

“She’s so talented and animated on stage kaya the best thing na… yung kamag-anak ko is following my footsteps.”

During the launch ay kinanta ng Kley ang carrier single nilang “Tsismosa” at ang duet song nina Deejay at Jay-R na pinamagatang “Family.”

Natutuwa si Jay-R dahil nagiging most requested song ang current single ng Kley sa radio.

JAY-R’S SISTER. Maliban kay Deejay, gusto ring i-produce ni Jay-R ng album ang isa pa niyang kapatid na si Jhing.

Sabi niya “Gusto kong i-produce siya, kaya lang busy rin siya sa career niya sa States, e.

“Nag-acting siya sa Spider-Man 3, nasa Hangover III. Tapos yung music niya, nasa commercial ng McDonalds.

“Tapos nasa Japan, nasa States... ang dami niyang ginagawa.

"Sa Spider-Man 3, siya yung singing waitress. Ang tagal ng part niya doon, kumakanta siya.

"Sa Hangover naman, dancer naman siya na girl.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Jhing lang ang screen name niya sa States. And kung hindi ako nagkakamali, tatlong movie na ‘ata ang ginagawa niya doon.

“Pero marami na rin siyang ginawang series… hindi teleserye ang tawag doon, e—series.

“Nakalimutan ko lang yung title ng series, pero nakakatatlo na siya.

“Tapos, nagba-backup din siya kay Eric Bennet, very big-time R&B singer sa States… nagba-backup siya doon.

“Ang dami rin niyang ginagawa, e. I’m very proud of her.”



MORE TALENTS. Meron bang agent si Jhing sa States na siyang nagbu-book sa acting assignments nito sa Hollywood?

“Merong isang nag-e-agent sa kanya. Pero member siya ng acting organization sa States—yung SAG [Screen Actors Guild],” proud na sabi ni Jay-R tungkol sa kapatid.

Patuloy niya, “After niya, gusto ko namang i-produce yung anak niya na si Leanne na thirteen years old na sobrang galing kumanta.

“Lahat halos kami kumakanta, nasa passion kasi naming pamilya ang music.

“Tapos, pag nakikita nila ako sa TV, nai-inspire sila. Gusto nilang sumayaw, gusto nilang kumanta.

“You know, it’s good na I get to inspire my family.”

Intresado ba ang kapatid niyang si Jhing na ipag-produce ni Jay-R ng album at magsimula ng kanyang singing career dito sa Pilipinas?

“Oo, interested din siya. Pero may album din siyang sarili na pinu-produce niya sa States at ibinibenta niya sa iTunes.

“Nagso-show rin siya sa California.

“Pero sabi ko sa kanya, ‘You know, dito sa Pilipinas, medyo kilala yung ibang producers, yung mga press na magagaling.’

“Sana makapunta siya dito.”



HOMEGROWN. Ang Kley lang muna ang bandang tinutulungan ngayon ni Jay-R.

“Sila lang talaga. Wala pa akong nakikitang ibang banda na kasing galing nila na nai-inspire akong tumulong.

“Saka I wanna keep my artists you know… yung medyo konti lang.

“Kasi, medyo it’s spending my time. Ayaw ko namang ma-water down yung project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kailangan talagang may time ako na i-focus sa kanila. Kung masyadong marami, mahirap na yun, e.”

Ang iba pang members ng Kley ay sina Rey Corcelles, Geoffrey Blones, Ralph Ruiz, at Noah Zuñiga.

Si Noah ay ang boyfriend ni Deejay at kamag-anak ng balladeer na si Nonoy Zuñiga.



FULL TIME. Tumutulong na rin lang si Jay-R sa maraming artists, bakit hindi niya gawing full-time ito? Gaya ng pagha-handle na rin ng singers, performers, at bands?

Tugon niya, “Kasi, slowly but surely kong ginagawa. Etong presscon pa lang, ang hirap nang gawin."

Sabi pa ni Jay-R tungkol sa plano niyang pagpapalaki ng kanyang recording company, “Gusto ko talaga, lalo paglabas ng Salbakuta.

"At saka si Leana na kumanta sa Party Pilipinas, 11-year-old girl na ang galing kumanta.

“Twelve na siya, pero ang galing niyang kumanta. Siya ang next ko.

“Mga ganoong artist ang gusto kong i-produce, tapos R&B pa siya kaya bagay na bagay.”

Napabilang na rin si Elmo Magalona sa mga ginawan ng kanta ni Jay-R, katuwang ang mga kaibigan niya sa industry na sina Billy Crawford at Kris Lawrence.

“Gumawa kami ng kanta na ’Three Stars And A Son.’

"Bale kami ang ’Three Stars’ at si Elmo ang ’The Son’—SON.”



THE KRISTA ALBUM. Pagdating naman sa iprinodyus na album ni Jay-R para sa dati niyang kasintahan na si Krista Kleiner, ibinalita ng singer na wala na sa kanya ang project.

“Well, noong mag-break kami, ibinigay ko na sa kanya yung project kahit ang dami naming ginawa together as partners.

“Pero kasi, parang may conflict na yun, e, conflict of interest, kung ako pa ang magpu-produce.

“Actually, I still wanna put it out, pero pinag-isipan ko talaga… parang may conflict talaga, e.”

Inamin naman ni Jay-R na nakapag-usap na sila ng beauty queen.

“Tawagan, e-mail, text—the traditional way of communication,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masasabi bang magkaibigan pa rin sila?

“We’re not enemies, we don’t really talk on…” putol ni Jay-R sa susunod na sasabihin.

Kinumpirma na lang niya na inilabas na ang album ni Krista na iprinodyus niya sa Malaysia.

Wala ba siyang royalty sa album?

“Sana meron, kasi ako ang gumawa ng lahat noon, e,” nangingiti niyang sabi.

Paano na ang return of investment niya rito?

“Well, yun ang sinasabi ko na it’s my passion talaga, na I really like helping people that I love—people around me na nakikita kong may potential talaga.

“Na, sa akin, passion talaga.

"Ngayon, kung nag-click sa kanila, I’m still covered.

“Ako ang nagsulat mostly of all the songs with her [Krista]. So, meron ding royalties.”

May possibility ba na kapag nag-click ang album ni Krista ay hahabulin niya ang royalty nito?

Napangiti si Jay-R at sinabing, “Pag nagbenta siya ng marami sa Malaysia, siyempre may karapatan naman ako doon.”

Nag-sorry ba si Krista sa kanya dahil somehow ay nagamit siya sa promo ng album nito?

Matatandaang sinabi ni Krista sa radio interview nito kay DJ Mo Twister na umabot sa puntong "a little bit abusive" ang relasyon nila ni Jay-R.

(Read: Krista Kleiner on breakup with Jay-R: "The relationship was getting a little bit abusive.")

“Hindi!” mabilis na tugon ni Jay-R saka napangiti uli. “E, actually, hindi na ako kumibo.”

Wala na bang chance na magkabalikan sila uli?

“Hindi na, ikakasal na yun,” pagbabalita niya.

Pero may bali-balitang hindi na raw matutuloy ang kasal nito?

“Ganoon? Hindi nga? Kawawa naman,” nagulat na reaksiyon niya.



MOVING ON AND DATING. Nakapag-move on na ba si Jay-R sa breakup nila ni Krista?

“Oo, nakapag-move on na, nakapag-move on na… matagal na,” sagot niya.

Yung pagmu-move on ba niya ay dahil may iba na siyang inspirasyon o dahil busy lang sa mga tinutulungan niyang artists?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Busing-busy and I’m dating as well. You know, I’m having fun, I’ve been single…” sabi ni Jay-R.

Sinubukan naming usisain si Jay-R tungkol sa identity ng tinutukoy niyang babae na dini-date niya ngayon.

“To be announced na lang later ‘yan,” iwas niya.

Pero humirit ang press ng clue sa sinasabi niyang dini-date na girl.

“Well, I’m very attracted to talented women na kumakanta na sumasayaw na very business-minded din.

“You know, I really like… those are the types that I like to date.”

Ito ba ang mga qualities na dini-date niya ngayon?

“Filipina ito, morena,” sagot niya.

Nasa music industry rin ba ito?

“Oo, nandito siya. Pero parang she’s starting pa lang.

“Pero we’re just dating and we wanna take it slow you know and get to know each other.”

Gaano katagal bago siya nakipag-date uli?

“Matagal… kasi before Krista, nag-ten-year relationship ako.

“Before nag-ten-year relationship, nag-four years muna, kaya seventeen years ako bago naging single.”

Gaano katagal na silang magkakilala ng dini-date niya ngayon?

“Mga six or seven months pa lang. Pero you know, I consider myself single pa rin, e.”



END OF PARTY P. Tungkol naman sa pagkawala ng Party Pilipinas, inamin ni Jay-R na nalungkot siya sa nangyari sa show nila.

“Hindi naman ako umiyak pero nalungkot ako.

"Siyempre, from SOP to Party Pilipinas, ten years na akong nandoon, ganoon lang, ika-cut lang.

“Pero I just want to look at it in a positive way, gaya noong sinabi ko kanina na I have time to focus on my artists, to focus on my businesses.

“You know, I always look at the positive side.

“In all business naman, it’s a trial and error talaga... we can never tell the future.

“So, I trust the GMA management… I trust what they’re doing and they’re not billionaires for no reason.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, trial and error… let’s see what happens with the next show.

“I’m sure the next show will be groundbreaking na kahit same, they’re gonna be thinking of different concept and ways to entertain the crowd as well."

Pero dagdag niya, “Thank you na lang for the good news na sabi, kasama raw ako sa bagong show—may trabaho na naman ako!”

Ang tinutukoy ni Jay-R na "bagong show" ay ang Sunday All Stars.

Tungkol naman sa acting career niya, ibinalita ni Jay-R na nasa cast siya ng daytime soap ng Kapuso network na Kakambal Ni Eliana.

“Ako yung isang photographer na tito ni Enzo na nagbibigay ng love advice… mga ganoon… Tito na ako!” natatawa niyang sabi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN