Dingdong Dantes on rumored transfer: “Mahirap pong sagutin ang isang bagay na hindi ko pa ginagawa.”

Dingdong Dantes was quick to answer that he loves the Kapuso network. But when asked about leaving his home network he replied, “hindi ko po masasagot ‘yan. Kasi hindi ko naman po ginagawa ‘yon, so mahirap pong sagutin ang isang bagay na hindi ko pa ginagawa.”


Isang mabigat na tanong ang sinagot ni Dingdong Dantes sa pocket presscon ng upcoming movie niya na Dance of the Steel Bars kanina, Mayo 29.

Tanong sa kanya ng veteran TV host na si German “Kuya Germs”Moreno: “Mahal mo ba ang Kapuso?”

Ito ay may kinalaman sa maugong na usap-usapan na lilipat na sa ibang network si Dingdong pagkatapos ng kontrata niya sa GMA-7.

Naging mabilis naman ang sagot ni Dingdong at sinabing, “Oo naman, Kuya Germs!”

Ang sumunod na tanong ni Kuya Germs: “Madali bang iwan ang Kapuso?”

Tumahimik naman ang lahat ng miyembro ng press at hinintay ang sagot ng Kapuso actor.

Wika ni Dingdong, “Ay, hindi ko po masasagot ‘yan.

“Kasi hindi ko naman po ginagawa ‘yon, so mahirap pong sagutin ang isang bagay na hindi ko pa ginagawa.”

Naganap ang pocket presscon ng Dance of the Steel Bars sa 17th floor ng GMA Network Center sa Timog Avenue, Quezon City.



WEDDING BELLS? Samantala, hindi nakaiwas si Dingdong sa mga tanong tungkol sa pagpapalit ng manager ng kanyang nobyang si Marian Rivera.

Matatandaan na noong nakaraang buwan, kumalas si Marian sa kanyang long-time manager na si Popoy Caritativo at pumirma ng kontrata sa Triple A, na pinamamahalaan ni Tony Tuviera.

(Read: Marian Rivera drops Popoy Caritativo as manager)

Mayroon kasing lumabas na balita na ang planong pagpapakasal nina Marian at Dingdong ang dahilan ng pagpapalit ng manager ng nauna.

Hindi raw kasi pabor si Popoy sa pagpapakasal ng dating alagang aktres sa Kapuso actor.

Mariin itong itinanggi ni Dindong.

Aniya, “I want to put it this way. Uhm, kasi po, we deal on showbiz matters separately.

“Kung ano po ang naging desisyon niya, it is based on her own thinking, on her own decision.

“Siguro base ‘yon sa konsultasyon niya sa kanyang pamilya at sinusuportahan ko siya 100 percent.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nang tanungin naman kung magpapakasal na nga ba sila ng nobya, sagot ni Dingdong, “Wala pa naman po, wala pa naman po.

“Hindi po totoo, e. As much as I want to, e, hindi po talaga totoo.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN