Myrtle Sarrosa keeps mum about Robin Padilla’s long absence from Toda Max: “Bawal po akong magkuwento, e."

Mahigit isang taon nang nanliligaw si Yves Flores kay Myrtle Sarrosa, pero hanggang ngayon ay hindi pa sinasagot ng dalaga ang binata. Paliwanag ni Myrtle, “Hindi pa ako maka-decide sa ngayon na sagutin siya kasi hindi pa ako sigurado, e. At saka siguro kapag approved na sa mga magulang ko na mag-boyfriend ako. Sa ngayon kasi, ayaw pa nila, e. ”


Tikom ang bibig ng Kapamilya young actress na si Myrtle Sarrosa tungkol sa pansamantalang pagkawala ni Robin Padilla sa kanilang sitcom na Toda Max.

Ilang buwan na kasing hindi napapanood sa sitcom si Robin.

At ayon sa kumakalat na balita, sinuspindi diumano ng ABS-CBN si Robin dahil hindi ito nagpaalam nang mag-surprise appearance sa show ni Willie Revillame sa TV5, ang Wowowillie, noong February 2013.

Isa sa co-hosts ng programa ang misis ni Robin na si Mariel Rodriguez.

Sinorpresa ni Robin si Mariel upang suyuin ang TV host na noon ay nagtatampo dahil sa kissing scenes ng action star kay Kris Aquino sa primetime series nilang Kailangan Ko’y Ikaw.

Hindi pa alam sa kasalukuyan kung babalik pa sa Toda Max si Robin.

Nang tanungin si Myrtle tungkol dito ay halatang may alam ito ngunit ayaw niyang magsalita.

Sabi niya, “Bawal po akong magkuwento, e.

“Nag-a-adjust pa rin po kami sa taping sa pagkawala niya. Pero mukhang okey naman po kami.

“Binibigay naman po namin ang all… pati sina Ate Angel [Locsin] at Ate Pokwang, tapos si Kuya Vhong [Navarro].

“Ginagawa naman nila ang lahat-lahat nila. Lahat kami, we’re working harder.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin sa birthday party ng entertainment writer na si Rommel Placente sa R Bistro sa Timog Avenue, Quezon City, last Sunday, May 26.

Dagdag ni Myrtle, “And nami-miss po namin si Kuya Robin… oo, sobra!

“February pa nung huli naming siyang nakasama na nag-taping.

“Nami-miss ko siya, kasi siya yung tipo ng tao na napakabait talaga.

“Dati, meron kaming isang staff na namatayan ng father. Tinawag niya sa dressing room tapos binigyan niya ng ten thousand.

“Gano’n siya. Pero hindi niya sinasabi sa ibang tao yung pagtulong na ginagawa niya.

“Nakakalungkot nga na nawala sa show si Kuya Robin. Napakabait pa naman niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Before, lagi nga niyang sinasabi sa akin, ‘Huwag kang mag-boyfriend, ha! Kasi, alam mo naman ang mga showbiz na lalaki.’

“Gano’n ang lagi niyang sinasabi—na huwag daw akong magpadala sa mga lalaki sa showbiz.”

Mukhang may problema nga talaga kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik si Robin sa Toda Max?

Sabi ni Myrtle, “Ayoko talagang magsalita tungkol diyan. Pero sana bumalik siya, gusto ko talaga na bumalik siya.

“Lahat naman kami, gusto na bumalik siya sa show. Kasi ang tagal din naming naging magkakasama.”



SINGING CAREER. Bukod sa pag-arte, pinasok na rin ni Myrtle ang pagkanta.

Sa katunayan ay may natapos na siyang album para sa Star Records.

“Pero hindi pa po siya out sa market,” sabi ng former Pinoy Big Brother Teen Edition housemate.

“Kapag may mall shows lang, doon siya inilalabas para ibenta… parang promo.

“Limang songs ang laman nito.

“Isang original, yung ‘Baliw Na Baliw.’ Tapos apat na revival—yung ‘Mr. Kupido,’ tapos ‘Mahal Ka Sa Akin,’ ‘Mr. DJ,’ tapos yung ‘Bakit Pa.’

“Sana nga ma-release sa market.

“Pinag-uusapan pa ngayon ang tungkol dun, kasi marami naman ang bumili nito sa online.”



HAPPY WITH HER CAREER. Halos isang taon na ang nakalilipas pagkatapos niyang maging grand winner ng PBB Teen Edition 4. Kuntento ba siya sa kasalukuyang status ng kanyang showbiz career?

Sabi ni Myrtle, “Masaya naman po ako.

“Ngayon, isinasabay ko ang pag-aaral ko. Kasi sa UP Diliman, nag-aaral ako ng Broadcasting And Communication. Second year na po ako.

“So, pinagsasabay ko yung career ko at studies.”

May mga nagsasabi na mabagal ang pag-usad ng career ni Myrtle. Hindi ba siya nakakaramdam ng tampo na nauna pang nai-launch ang ibang baguhang Kapamilya young stars sa kanya?

“Patience na siguro po,” sabay ngiti ni Myrtle. “Hintay-hintay na lang po.

“Kung hindi pa ito ang oras para sa akin, e, di hintay-hintay na lang ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At least yung ginagawa ko ngayon, itinutuloy ko ang pag-aaral ko. Hindi ako umaasa sa isa lang.”

She does not lay all her eggs in one basket lang, parang gano’n?

“Yes! Oo, kasi napakaimportante pa rin ng pag-aaral.

“At least, kapag okey na lahat tapos dumating na yung break, at least masasabing may ginagawa pa rin ako habang naghihintay.

“Bata pa naman ako, e. Kaka-eighteen ko lang.

“So, okey naman. Yung ginagawa ko ngayon, nagwu-workshop ako.”



MYRTLE’S LOVELIFE. Kumusta naman ang kanyang lovelife?

Hanggang ngayon ay balitang masidhi pa rin ang panliligaw sa kanya ng fellow housemate niya sa PBB na si Yves Flores.

Kuwento ni Myrtle, “Nagsimula siyang manligaw sa akin noon na nasa loob pa kami ng PBB house.

“And ano siya… in fairness, parang dati iniisip ko na pag PBB, alam ko pagkatapos mawawala na.

“Pero until now, nandiyan pa rin siya, nanliligaw pa rin.”

Ano ang dahilan at hindi pa niya sinasagot si Yves?

“Kasi hindi pa ako nagkaka-boyfriend ever since. So parang nau-awkward pa ako!” sabay tawa ni Myrtle.

Pero gusto naman niya si Yves?

“As a person, gusto ko siya, kasi napakabait.

“Tapos he’s keeping his word na… hanggang ngayon, ako lang talaga ang nililigawan niya.”

Ligawan pa lang talaga? Hindi kaya kagaya rin sila ng ibang showbiz couple na panay ang sabi na hindi pa sila pero kapag nag-break na ay saka aamin na naging mag-on nga?

“Hindi po. Wala pa talaga,” sabi ni Myrtle.

“Hindi pa ako maka-decide sa ngayon na sagutin siya kasi hindi pa ako sigurado, e.

“At saka siguro kapag approved na sa mga magulang ko na mag-boyfriend ako.

“Sa ngayon kasi, ayaw pa nila, e. ”

Itinutukso rin si Myrtle kay Paul Salas, na partner niya sa Toda Max. Dumidiskarte rin ba ito sa kanya?

Sagot ng dalaga, “Magkaibigan po kami. Masaya kami kapag nagkakasama kasi kulitan kami lagi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Especially kapag kasama si Inay Pokwang, ang saya ring kasama.

“Ang buong cast ng Toda Max talaga, parang family sila sa akin.”



LESSONS IN LOVE. Puring-puri rin ni Myrtle si Angel Locsin na kasamahan din nila sa Toda Max.

May advice bang naibibigay si Angel sa kanya pagdating sa pakikipagrelasyon since hindi pa siya nagkaka-boyfriend?

“Ang sweet nga nila ni Phil [Younghusband, Angel’s boyfriend]!” sabay tawa ni Myrtle.

“Hindi namin napagkukuwentuhan ang tungkol sa pagkakaroon lovelife o boyfriend. Kasi ang laging topic ng usapan namin, trabaho.

“Ang isang nasabi lang niya sa akin, huwag daw akong masyadong inosente. Kasi ang mga inosente raw, madaling lokohin.

“Ibig lang niyang sabihin, dapat matuto na akong kumilatis pagdating sa mga guys—kung sincere ba o may balak lang manloko. Yung gano’n.

“Sa ngayon, ayoko pa talagang ma-in love kasi takot akong masaktan… oo.

“Kaya nga ayoko munang magka-boyfriend.

“Siguro kapag sigurado na, di ba?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN