Kim Chiu happy to be part of Star Magic for seven years

Kim Chiu has been with Star Magic for seven years. The Kapamilya actress says there’s a lot to be thankful about being part of Star Magic because “financially and sa personality ko, a lot has changed—and I’m happy for that change.”


Marami na raw ang nabago kay Kim Chiu mula nang pumasok siya sa showbiz noong 2006.

Nagsimula ang showbiz career ni Kim matapos niyang magwagi sa reality show ng ABS-CBN na Pinoy Big Brother Teen Edition noong 2006.

Agad siyang ipinares sa kapwa housemate niyang si Gerald Anderson, na ngayo’y isa na rin sa top leading men sa bakuran ng ABS-CBN.

“Madami, madami,” mabilis na sagot ni Kim nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung gaano na kalaki ang nagbago sa kanya mula nang pasukin niya ang showbiz.

“Financially and sa personality ko, a lot has changed—and I’m happy for that change.

“I’m happy and blessed na I’m here sa Star Magic.”

Pitong taon na si Kim sa pangangalaga ng Star Magic.

Sabi niya, “Masaya ako kay Ms. Mariole [Alberto], Mr. M [Johnny Manahan].

“Kasi they take care of me, they take care of my career, my career path.”

Nakausap ng PEP si Kim noong Mayo 26, sa pictorial ng Star Magic talents sa Studio 2 ng ABS-CBN.

INA KAPATID ANAK. Samantala, kamakailan lang ay ipinagdiwang ng Ina Kapatid Anak ang first anniversay nila.

Bagamat noong October 2012 nag-umpisang umere ang primetime series na ito sa ABS-CBN, nagsimula silang mag-taping para rito isang taon na ang nakalilipas.

Isa si Kim sa lead stars ng primetime show na ito, kasama sina Maja Salvador, Enchong Dee, at Xian Lim.

Kaya naman tuwang-tuwa ang aktres na nagtagal ng ganoon ang kanilang programa.

“I’m happy na very successful yung Ina Kapatid Anak,” nakangiting wika ni Kim.

“Umabot kami ng ganito katagal na nagte-taping, usually it’s just six months of taping, ito one year nang taping.

“So I’m happy and blessed.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN