Willie Revillame charged with child abuse over "sexy dance" of 6-year-old boy

Sinampahan na ng kasong child abuse ang TV host na si Willie Revillame kaugnay ng pagsasayaw nang sexy ng isang anim na taong gulang na bata sa kanyang programang Willing Willie noong March 2011.


Pormal nang sinampahan ng kaso sa korte ang TV host na si Willie Revillame kaugnay ng pagsasayaw nang sexy ng isang anim na taong gulang na bata sa programang Willing Willie noong March 2011.

(Read: Willing Willie episode sparks criticisms)

Ang kasong isinampa kay Willie ay paglabag sa Republic Act 7610 o mas kilala bilang “Anti-Child Abuse Law.” Isinampa ang kaso sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Ayon sa ulat ng The Philippine Star ngayong araw, May 30, na-raffle na ang kasong ito noong Lunes, May 27, at napunta ito sa sala ni Judge Roberto Buenaventura ng RTC Branch 86.

Naisampa ang kaso alinsunod sa resolusyon na ibinigay ni Assistant City Prosecutor Benjamin Samson, na mayroon daw basehan ang reklamong isinampa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ng Council for the Welfare of Children.

Ganunpaman, ang ibang mga kaso na isinampa ng mga pribadong indibidwal ay na-dismiss dahil wala raw silang karapatan, ayon sa batas, na magsampa ng kaso.

Ayon kasi sa Section 27 of RA 7610, “Cases of unlawful acts against children can only be filed by the offended party; parents or guardians; ascendant or collateral relative; a representative of a licensed child caring institution; an officer of the DSWD; a village chief; or at least three citizens where the violation occurred.”



WILLIE REVILLAME’S CAMP REACTS. Samantala, nagpadala naman agad ng statement sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kampo ni Willie—sa pamamagitan ng business unit head ng Willing Willie (na ngayon ay Wowowillie na) na si Jay Montelibano—kaugnay ng kasong kinahaharap ng TV host.

Ayon sa abugado ni Willie na si Atty. Leonard de Vera, walang basehan ang kasong isinampa ng Prosecutor’s Office ng Quezon City laban sa TV host dahil hindi naman daw malisyoso ang ginawang sayaw ng bata sa programa.

“The ‘body wave’ dance of the child performed during the March 12, 2011 episode of Willing Willie is no different than those performed by other children in different shows like Goin’ Bulilit and Showtime. This dance is widely accepted and performed in various social gatherings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yet, only Revillame’s show was singled out and vilified in the media and now, the sole basis for prosecuting Revillame.”

Dagdag pa ni Atty. De Vera, sinasayaw na ito ng bata sa mga okasyon sa eskuwelahan nito at sa talent competition sa isang contest sa SM Mall of Asia bago pa ito sumali sa programa ni Willie noong March 12, 2011.

Aniya, “There is no reason why an innocent performance by a child, which he has been doing for years, will be branded as child abuse just because he performed this routine in Revillame’s show.”

Sabi pa ng abogado, nag-rely lang ang prosecutors sa perception ni DSWD Secretary Dinky Soliman na diumano’y may pang-aabuso sa bata noong panahong iyon.

Naipakonsulta naman daw agad sa child psychologist at child psychiatrist ang bata matapos ang insidente.

Base raw sa resulta nito, walang nakita ang mga ito na “any form of abuse.”

Sabi ni Atty. De Vera, “Even the Prosecutor’s reliance on the DSWD social case study report is likewise misplaced as the report did not state that the child was suffering from any abuse.

“Noted human rights lawyer, the late Atty. Romeo Capulong, submitted a written legal opinion that there was no child abuse committed during the incident.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN