Maja Salvador confirms relationship with Gerald Anderson; says, “He is worth fighting for.”

Diretsahan nang inamin ni Maja Salvador na kasintahan na niya si Gerald Anderson sa panayam sa kanya ni Boy Abunda sa Bandila kagabi, May 30.


Noong Martes, May 28, kinuha ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Maja Salvador tungkol sa pag-amin ni Gerald Anderson sa totoong estado ng relasyon nila.

Tugon ni Maja dito, “Sa totoo lang po, hindi ko alam kong paano sasagutin ’yan.

"Marami ang nagsasabing masuwerte ako, ang ganda ko, mahaba yung buhok...

"Pero yung sa akin, hindi ko alam kung paano ko sasagutin kapag may nagtanong ng ganyan.

"Siguro, hindi ko alam kung paano yung ginawa ko, pero sobrang blessed ako na ganoon ako kaimportante para sa kanya.”

Kagabi naman sa Bandila, May 30, ay direkta nang inamin ni Maja na boyfriend na nga niya si Gerald.

Tanong ni Boy Abunda: "Is Gerald Anderson your boyfriend?”

"Yes," tugon ni Maja.

Sinabi ni Gerald sa interview niya sa Star Studio na "This is a love worth fighting for" —na ang tinutukoy ay ang pag-iibigan nila ni Maja.

Kaya tanong din ni Boy kay Maja: "Is this worth fighting for?”

Tugon naman ni Maja, “He is worth fighting for.”

Tanong din ni Boy: “Are you [in] a point in your life when you feel that this is a kind of love that you will give up everything for?”

Sagot ni Maja, “Hindi porke’t nagmamahal ka, may kailangan kang i-give up.

"Wala kang dapat i-give up. Fight lang nang fight.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN