James Yap elated over court decision denying PPO filed by Kris Aquino’s camp for son Bimby against him

Bago ibinaba ang desisyon kaugnay ng PPO petition ng kampo ni Kris Aquino para kay Bimby laban kay James Yap, sandali raw nakita ng basketball star ang kanyang anak sa korte. Lahad ni James, “For eight minutes na yun, sobrang saya ko! Puwede na ako mamatay nung time na yun after namin magkita. Sobrang tagal ko na kasi siyang hindi nakita, sobrang na-miss ko siya. Paglabas na paglabas ko nga sa court, sabi ko, puwede na ’kong m


Nasa Escalante, Negros Occidental si James Yap nang nabalitaan nitong hindi ibinigay ng korte ang Permanent Protection Order (PPO) na hiniling ni Kris Aquino para sa anak nilang si Bimby laban sa kanya.

(Read: Court denies PPO filed by Kris Aquino’s camp for Bimby against James Yap)

Sumabay ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa grupo ng Startalk na nagsadya kay James sa Bacolod para makapanayam ito.

Kuwento ng sikat na basketbolista, “Tumawag sa akin ang lawyer ko, si Atty. Lorna Kapunan, pero hindi ko nasagot. Sa Escalante ako nun, fiesta kasi sa amin.

“Nung nabasa ko yung text niya, sobrang happy ako. Siyempre, yun ang ipinaglaban ko, di ba?

“Abot-langit ang tuwa ko.

"Sinabi niya sa akin na, ’Nanalo tayo, puwede mo nang makita ang anak mo.’”

Ipinaliwanag din daw kay James na mababalik sa kanya ang visitation rights niya sa kanyang anak, pero hindi pa raw siya puwedeng lumapit kay Kris.

Kinatigan kasi ng Makati Regional Trial Court ang hiling na PPO ni Kris para sa kanyang sarili laban kay James.

Sabi ni James tungkol dito, “Actually, hindi ko na iniisip kung ano ang mangyari sa kaso namin ni Kris. Hindi ko na iniiisip yun, wala na akong pakialam.

"Ang iniisip ko, ang anak ko—and I’m happy na panalo ako sa side ng anak ko,” pakli nito.

“Ang akin lang naman talaga ay kay Bimby.

"Makita ko, makasama ko ang anak ko. Makilala niya ako as tatay niya.

"Sobrang happy talaga ako dahil natapos na kumbaga itong gulo."

Dagdag ng PBA star, “Gusto ko lang naman talaga na lumaki siya na nandiyan ako sa tabi niya.

“Siyempre, iniisip ko talaga na hindi nga nag-work yung pagsasama namin ng nanay niya, tapos ito pa ang isang bagay na lumaki siya na wala sa tabi ko.

“Yun talaga ang ipinaglalaban ko na kahit papa’no lumaki siya na nandiyan ako sa buhay niya as a father.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

INSTAGRAM POST. Nang nalaman daw niya ang magandang balita mula sa kanyang abugado, kaagad na nag-post si James sa kanyang Instagram account ng lumang litrato nila ni Bimby.

(Read: James Yap’s lawyer clarifies Instagram photo of PBA player with son Bimby)

Saad ni James, “Yung picture na yun, matagal na yun.

"Nung nalaman ko na lumabas na yung desisyon na na-deny yung petition nila, so pinost ko agad sa Instagram ko na, kumbaga, ’Thank You Lord.’

“Yun ang ibig sabihin na ‘Thank You Lord’ na makakasama ko uli ang anak ko.”

Hindi lang daw si James ang masaya, kundi ang buong pamilya niya, dahil makikita na rin daw ng mga magulang niya ang kanilang apo.

“Pati pamilya ko happy dahil makikita na nila ang apo nila—ang mama at papa ko, mga pinsan ko, makikita na nila.

"Nakikita lang kasi nila sa TV, sa billboard lang, ngayon makakasama na nila.

"Kaya sobrang happy din ako dahil yung lolo at lola niya [Bimby], makilala niya, di ba?

"Sobrang tuwang-tuwa sila dahil alam naman nila kung ano ang pinagdaanan ko, yung pagihihirap ko,” saad ni James.

EIGHT MINUTES WITH BIMBY. Pero ikinuwento ni James sa PEP na bago ibinaba ng korte itong desisyon, nagkita raw sila ni Bimby sa korte bilang bahagi ng paglilitis sa naturang kaso.

“Nagkaroon ng chance na nagkita kami sa hearing, pero separate room.

“Mga eight minutes nagkita kami, kasi that time, after ng birthday niya, dun ko siya nakita.

"Siyempre binigyan ko siya ng regalo, yung iPad mini. Tuwang-tuwa naman nang ibinigay ko... hanggang ngayon yata gamit niya pa rin."

Patuloy pa ni James, “Nagulat siya nandun ako, lumapit naman. Sabi ko, ’Bim, I have gift for you.’

“Excited siya, nung binuksan namin, sobrang saya niya, nilaro niya agad, nakakandong siya sa akin.

“For eight minutes na yun, sobrang saya ko! Puwede na ako mamatay nung time na yun after namin magkita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang tagal ko na kasi siyang hindi nakita, sobrang na-miss ko siya.

“Paglabas na paglabas ko nga sa court, sabi ko, puwede na ’kong mamatay, sabi kong ganun. Sobrang happy!”

EXCITED TO SEE BIMBY. Pagkatapos makapanayam ng PEP si James, tumuloy siya sa PAL office para mapa-rebook ang ticket niya pabalik ng Maynila.

“Actually, Saturday ng gabi [June 1] pa ang balik, pero kailangan ko agahan para makasama ko ang anak ko.

"Sobrang excited ako, kumbaga, hindi na ako makatulog,” sabi nito.

Susundin lang daw niya ang pagdalaw kay Bimby na ibinigay sa kanya ng korte noon.

Kuwento niya, “Tinatawagan ngayon ng lawyer ko ang side nila [Kris] kung puwede makita ko yung anak ko this Saturday.

"So, hopefully, yun naman ang visitation day ko. Sana mapayagan.

“Actually, yung set-up before, talaga meron kaming visitation day—which is Wednesday, Friday, and Saturday.

"Now na panalo kami, susundin namin ang schedule na iyon, kasi dati hindi nasusunod, e."

Ayaw nang magkomento pa ni James tungkol sa sinabi ng abugado ni Kris na si Atty. Frank Chavez na iaapela pa nila ang kaso para makuha nila ang Permanent Protection Order na hinihingi nila.

Bahala na raw ang abugado niya sa aspetong iyon.

Ang gusto lang daw ni James ay maibalik na ang dating samahan nila ng kanyang anak, na maging normal ang takbo ng buhay nito hanggang sa kanyang paglaki.

Saad niya, “Hindi ko pa talaga alam kung gaano na siya ka-mature dahil ang tagal na naming hindi nakapag-usap, ang tagal naming hindi nakapag-bonding, ang tagal kaming hindi nagkita.

"So, malalaman ko talaga after nito pag magkita kami.”

Pakiusap pa ni James, “Sana tulungan na lang natin si Bimby.

"Paglaki niya, huwag na lang natin i-remind sa kanya ang nangyari.

"Hindi lang naman kami ang naapektuhan, kundi ang bata,”

FRIENDSHIP WITH KRIS. Tinanong din ng PEP si James kung may posibilidad bang mabalik ang dating pagkakaibigan nila ni Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot niya, “Sa akin naman kasi, darating din ang time na maging okay din kami.

"Siyempre, yun lagi ang iniisip ko—may anak din naman kami.

"Sa ngayon, hindi ko na iniisip kung ano pang meron sa amin, basta ang focus ko talaga yung anak ko.”

Kung sakaling hilingin ng kanyang anak na kaibiganin niya uli ang kanyang ina, pagbibigyan ba ito ni James?

“Alam mo, lagi kong sinasabi sa kanya, ’You should love your mom. Lagi mong bantayan ang mommy mo.’ Yun ang lagi ko sinasabi sa kanya.

"For me, walang problema sa akin yun. Walang problema sa akin kung hilingin ng anak ko na magkabati ang nanay at tatay niya—as a friend.”

Dagdag pa ni James, “Dapat ipakita mo sa anak mo na kahit hindi naging successful ang relationship ninyong dalawa, dapat ipakita mo sa mga anak mo na buo ang magulang niya, at papalakihin ng magulang ang bata na tama, kasama ang nanay at tatay.

“Okay lang sa akin yun alang-alang sa anak ko. At least ngayon, makapag-focus na ako sa buhay ko, sa career ko.”

Samantala, iniiwasan ni James na pag-usapan ang tungkol sa kanyang lovelife.

Aalis daw siya sa Lunes patungong Europe, pero ayaw niyang sagutin kung kasama niya ang kanyang non-showbiz girlfriend na isang Fil-Italian.

“Basta ako, masasabi ko, masaya ako, kumpleto ang buhay ko.

"Sa ngayon, nandiyan ang anak ko,” nakangiting sabi ni James.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN