Julia Barretto on being given a break by ABS-CBN this early: "Well, siyempre there’s pressure kasi everybody’s watching your every move."

Tanong kay Julia Barretto, paano nga ba niya hina-handle ang pressure na mapabilang sa isang showbiz clan? Sagot niya, "There are times when I can use it naman as a good thing. Para I will want to do better. Pero there are times na it’s not gonna be good for you. Kasi mapapagod ka, you feel the pressure, e. So, mapapagod ka and I don’t wanna give myself a hard time."


Masaya si Julia Barretto dahil maaga siyang nabigyan ng break, ilang buwan lamang matapos ipakilala bilang bahagi ng Star Magic Circle batch 2013.

Bukod sa pagbibidahang drama serye na Cofradia, sunud-sunod din ang mga appearances at endorsements ng dalaga.

Isang fashion forward na Julia Barretto ang makikita sa cover ng June 2013 issue ng Preview magazine.

Isa na ring endorser ng Chic Nails ang anak ni Marjorie Barretto at Dennis Padilla, kasama sina Julia Montes, Maja Salvador, Kathryn Bernardo, Lauren Young, at Dimples Romana.

Sa opening ng nasabing nail salon noong nakaraang biyernes, May 24, ay nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Julia.

Meron bang pressure na maaga siyang nabigyan ng break sa Kapamilya network?

Sagot niya, “Well, siyempre there’s pressure kasi everybody’s watching your every move.

“Titignan nila kung marunong ka ba talagang umarte especially coming from a family na puro actresses rin. Pero, kaya naman, e, we’ll just do our best.”

Dahil nanggaling sa isang showbiz family, mataas ang expectations ng publiko sa pinakabatang Barretto sa showbiz.

“How do I handle it? There are times when I can use it naman as a good thing. Para I will want to do better.

“Pero there are times na it’s not gonna be good for you. Kasi mapapagod ka, you feel the pressure, e. So, mapapagod ka and I don’t wanna give myself a hard time.

“Parang as much as possible, use it na lang to my advantage than feel bad about it. So far, no regrets! I’m so happy. I’m very, very happy.

Paano naman niya pinaplanong ibahin ang sarili mula sa ina at sa mga Titang sina Gretchen at Claudine?

“Uhm, siguro when I start acting makikita natin kung ano yung pinagkaiba ko from my Tita Claudine and my Tita Gretchen. I think dun pa lang natin makikita,” paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung paano naman niya gustong makilala bilang aktres, sabi ni Julia: “Drama. I wanna take on drama muna.”

LOVETEAMS. Hindi na sikreto ang paghanga nina Khalil Ramos at Julian Estrada para kay Julia.

Very vocal ang dalawa sa pagpapahayag sa nararamdaman nila sa dalaga.

Pahayag ni Julia, “Uhm, I’m good friends with the both of them, close ako sa pareho. Yeah, wala, we’re just very, very close.”

Tanong sa 16-year-old, ano naman ang pakiramdam na ngayon pa lang ay nali-link na siya sa ilang mga young actors?

“Well, ganun naman di ba. Kunwari meron ka lang isang picture with a guy, may fanbase na agad. It’s very funny pero it’s nakakatuwa.

“Pero hindi naman yun yung mga sineseryoso na things. I think it’s normal na rin in the industry so okay lang,” pagklaro niya.

Kung siya ang papipiliin, sino ang mas pipiliin niyang maging ka-love team sa dalawa?

“Bahala na sila [management], sila na yung mag-decide. I’m okay with working with one of them naman.”

Kung sino ang kanyang mga pangarap maging leading men sa Kapamilya network, sagot ni Julia, “Sam Milby or Piolo [Pascual].”

Kahit malaki ang agwat ng edad ng mga ito sa kanya? “Hindi naman serious. Yung dream, dream lang na loveteam,” pangwakas niyang pagtatapat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN