Derrick Monasterio on being rejected by Sarah Lahbati: “Let’s just say na hindi lang naging matagumpay ang panliligaw ko—para mas maganda yung word.”

Pakiramdam ni Derrick Monasterio, mas may gusto sa kanya si Barbie Forteza. Dahilan niya: “Kasi, ano po, e, kasi tuwing halimbawa, matagal kaming hindi nagkikita, siya yung unang magte-text... ganyan... tatawag sa akin... ganyan.”


Ang orihinal na papel na ginampanan noon ni Polo Ravales ang gagampanan ni Derrick Monsterio sa remake ng Anna KareNina ng GMA-7.

Ang ka-loveteam naman ni Derrick dito ay si Barbie Forteza na ginampanan naman noon ni Sunshine Dizon bilang Karen.

Mayaman at responsableng binata ang role ni Derrick sa makabagong Anna KareNina, at ayon sa kanya, ganoon rin siya sa tunay na buhay.

“Responsable po ako,” ang nakangiting sinabi ni Derrick sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Anna KareNina sa Imperial Palace Suites nitong nakaraan Martes, May 28.

ROLE MODEL. Hindi napanood ni Derrick ang lumang Anna Karenina pero na-meet at nakatrabaho na niya si Polo.

Iniba ang role niya sa naging papel dati ni Polo, kaya hindi na siya humingi ng tips or advise kay Polo.

Sino ang naging peg ngayon ni Derrick sa kanyang role bilang Aldrin?

“Siguro ang peg ko po dito si ano... si John Lloyd Cruz doon sa A Very Special Love.

“Siguro kasi, yung role ko rin po dito parang business, e, all about sa business, e.

“So, parang siya yung nakita kong pinakamalapit sa character ko,” pag-amin niya.

LOVETEAM STILL. Dahil sila muli ang partners, kinumusta namin ang estado at kung anong level na ang samahan nila ngayon ni Barbie.

“Close, ganoon pa rin po,” pagsisiguro ni Derrick.

Nag-level up na ba—sila na ba?

“Kami na? Hindi pa rin, hindi naman po ako nanliligaw, e,” pagklaro ng binata.

Napabalitang may ibang boyfriend si Barbie.

“May boyfriend si Barbie? Wala po yun... ano lang yun, crush-crush lang po yun.

“Actually sinasabi naman po niya sa akin lahat,” saad niya.

Sino ang tinutukoy ni Barbie na crush?

“Secret! Non-showbiz,” mabilis na pag-iwas ni Derrick.

Bakit hindi siya nanliligaw kay Barbie?

“Wala lang po... hindi naman kailangang laging manligaw.”

Na-trauma na ba siyang manligaw dahil nabasted siya noon ni Sarah Lahbati?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oooppps! Let’s just say na hindi lang naging matagumpay ang panliligaw ko—para mas maganda yung word,” paglinaw niya sa personal na isyu.


BASHERS. Pero ini-reveal naman ni Derrick na hanggang ngayon ay bina-bash siya sa Twitter ng mga fans ng JoshBie na supporters nina Barbie at Joshua Dionisio.

Magkaibigan daw sila ni Joshua at nito nga lang February ay nagkita sila sa isang event.

“Inaano po nila ako sa Twitter... usually puro mga mura po.

“Okay lang, hindi naman po ako sumasagot, kasi pag pinatulan lalong lalaki,” himutok niya.

Magkaibigan pa rin daw sila ni Bea Binene na na-link rin kay Derrick dati.

“Oo naman, close pa rin kami tulad ng dati, pero hindi na kami masyadong nagte-text tulad ng dati.”

Balitang may something na between Bea at Jhake Vargas.

“Okay lang po yun... Bitter!” pasaring ni Derrick sa sarili.

“Sanay na po ako diyan, e,” sabay tawa ni Derrick.

Tapos si Barbie ay may ibang crush…

“E, hindi ko naman po nililigawan si Barbie, e.”

Hindi niya nililigawan dahil girlfriend na niya?

“Ay, patay! Hindi, kasi siguro ano, wala lang pong time sa panliligaw.”

NO TIME. Kasama niya si Barbie palagi, lalo na sa trabaho, wala siyang time?

“E, siyempre gusto ko po yung ano... gusto ko yung paghihirapan, e.

“Kasi pag kasama ko palagi, parang given na. Gusto ko yung pormal na panliligaw.”

Hindi ba nagpupunta naman siya sa bahay ni Barbie?

“E, wala. Tingin niya po kasi sa akin, kaibigan, e, kumbaga nasa friend zone kaming dalawa ngayon.”

Nakakagulat ang isinagot ni Derrick nang tanungin namin kung sa palagay ba niya ay may gusto sa kanya si Barbie.

“Feeling ko, meron. Oo! Feeling ko meron po ’yan, imposibleng wala,” at tumawa ang binata.

Kung ganoon, bakit hindi niya ligawan si Barbie?

“Wala lang,” dedma niyang sagot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May gusto rin ba si Derrick kay Barbie?

“Konti lang po, pero mas gusto niya ako kesa gusto ko siya—ang kapal ng mukha ko, e!” bulalas niya.

Bakit niya nasabi na mas may gusto sa kanya si Barbie?

“Feeling ko lang. Kasi, ano po, e, kasi tuwing halimbawa, matagal kaming hindi nagkikita, siya yung unang magte-text...

“Ganyan... tatawag sa akin... ganyan,” kuwento niya.

Binalaan namin si Derrick na mababasa ito ni Barbie.

“Magre-react po ’yan, for sure!” at muling tumawa si Derrick.

UNATTACHED. Wala naman daw ibang nagugustuhang babae si Derrick at wala rin siyang ibang nililigawan.

Para ba sa kanya ay hindi si Barbie ang tipo ng magiging GF niya?

“E, kung yung tingin niya po sa akin at saka yung tingin ko po sa kanya, friends... parang mahirap i-level up yun, kasi friends, e.

“Pero depende po ’yan,” mabilis na bawi ni Derrick.

Ano ba ang mas gusto niya, ang babae ang mas may gusto sa kanya or siya ang patay na patay sa babae?

“Siyempre po, mas maganda yung magkagusto kayo sa isa’t isa... MU [may mutual understanding] kumbaga.

Ayon pa rin kay Derrick, “Siguro mas gusto ko po yung ano, kasi marami na po akong experience na ako yung nagmamahal, pero walang nangyayari.

“Siyempre gusto ko naman ako yung mamahalin, kasi madali po akong ma-in love sa tao, e.”

RIGHT TIMING. Bakit hindi siya ma-in love kay Barbie kung sa tingin niya ay may gusto ito sa kanya?

“E, kasi friend lang nga po yung turing niya sa akin, e.”

Taglay naman daw ni Barbie ang mga katangiang hinahanap ni Derrick sa isang babae.

“Nasa kanya, Barbie Forteza, siyempre nasa kanya, girlfriend material.

“E, kaso friends zone nga po kami, e,” ulit niya.

Kung nasa tamang edad na sila, kung eighteen na sila, lalo na si Barbie.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya, kaya po iyon!” mabilis niyang sagot.

Seventeen ngayon si Derrick at fifteen si Barbie, magkasunod ang birthdays nila, July 31 si Barbie at August 1 si Derrick.

“Siguro pag nag-eighteen na siya.”

CAST. Bukod kina Derrick at Barbie, nasa Anna KareNina rin sina Krystal Reyes bilang Anna, Joyce Ching bilang Nina, Julian Trono as Brix, Hiro Peralta bilang Brian.

Kasama rin ang mga batikang artista na sina Sandy Andolong bilang Doña Carmela, Juan Rodrigo bilang Don Xernan, Yul Servo bilang Kadyo, Neil Sese bilang Abel, Valerie Concepcion bilang Ruth, Alan Paule bilang Lucas, Ana Roces bilang Daisy, Maybelyn dela Cruz bilang Nayda, Maureen Larrazabal bilang Suzie, Alicia Mayer bilang Brigette, Kathleen Hermosa bilang Becky, Joanna Marie Tan bilang Carla at si Yasmien Kurdi bilang si Maggie.

Ito ay sa direksyon ni Miss Gina Alajar at ngayong Lunes, June 3, ang pilot airing ng Anna KareNina.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN