Sarah Geronimo has narrow lead over Kim Chiu; Anne Curtis almost ties with Angel Locsin in Pepsters’ Choice partial, unofficial tally

Lalong humihigpit ang labanan nina Sarah Geronimo at Kim Chiu sa TV Star of the Year at nina Angel Locsin at Anne Curtis para sa FAB Award sa Pepsters’ Choice ng PEP List 2013.


Humahabol si Kim Chiu kay Sarah Geronimo sa kategoryang TV Star of the Year sa Pepsters’ Choice ng PEP List 2013, at gayundin si Anne Curtis sa nangungunang si Angel Locsin para naman sa FAB Award category.

Ito ay ayon sa resulta ng nasabing botohan as of May 31, 2013 sa kanyang partial and unofficial tally.

Matatandaan na noong nakaraang linggo, unang inilabas ng PEP.ph ang partial tally ng mga boto at six percent ang lamang ni Sarah kay Kim sa TV Star of the Year, samantalang 2 percent naman ang lamang ni Angel kay Anne.

(Read: Angel Locsin, Coco Martin, Sarah Geronimo, and Kim Chiu lead first quarter of PEPsters’ Choice partial, unofficial result)

Subalit sa pinakahuling resulta ngayong Mayo 31, mas lumiit ang lamang ni Sarah kay Kim. Ang boto ng Popstar Princess ay 43.07 percent, samantalang si Kim ay 40.60 percent.

Nasa ikatlong puwesto pa rin si Marian Rivera with 13.74 percent, na sinusundan ni Jodi Sta. Maria with 2.30 percent at Kris Aquino with 0.27 percent.

Samantala, lumiit din ang lamang ni Angel kay Anne para sa Female FAB Award category. Ang boto ni Angel ngayon ay 44.07 percent at ang kay Anne ay 43.93 percent.

Sa 3rd place pa rin si Bea Alonzo with 5.37 percent, na sinundan ni Judy Ann Santos with 4.43 percent, at nasa 5th place naman si Solenn Heussaff with 2.20 percent.

Hawak pa rin ni Coco Martin ang trono sa male category ng TV Star of the Year with 40.14 percent, kasunod si Vice Ganda with 35.75 percent.

Sumunod dito sina Richard Yap (20.06%), Derek Ramsay (2.53%), at Robin Padilla (1.49%).

Para naman sa Male FAB Award, nangunguna pa rin si Xian Lim (61.56 percent), kasunod sina Enrique Gil (30.54%), Coco Martin (4.57%), Piolo Pascual (2.05%) at Enchong Dee (1.27%).

Hawak pa rin nina Kim at Xian ang unang puwesto sa Celebrity Pair of the Year with 78.60 percent.

Ang ibang nominado sa Celebrity Pair of the Year ay mga sumusunod: Nikki Gil at Billy Crawford (13.97%), Toni Gonzaga at Paul Soriano (3.91%), Ogie Alcasid at Regine Velasquez (2.57%), at Johh Lloyd Cruz at Angelica Panganiban (0.94%).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Leading pa rin si Gerald Anderson sa Newsmaker of the Year with 42.07 percent.

Sumusunod naman sina Kris Aquino (6.66%), Heart Evangelista (4.51%), Derek Ramsay (3.71%), Willie Revillame (1.29%), at Sarah Lahbati (0.69%).

Narito naman ang ranking sa Primetime Teleserye of the Year: Ina, Kapatid, Anak (42.63%); Princess and I (34.24%); Temptation of Wife (10.01%); Kailangan Ko’y Ikaw (3.61%); Juan Dela Cruz (2.82%);


Apoy Sa Dagat (1.39%); A Beautiful Affair (1.27%); Kahit Konting Pagtingin (0.83%); Indio (0.71%); Mundo Mo’y Akin (0.50%); Paroa: Kuwento ni Mariposa (0.51%);


Aryana (0.41%); Never Say Goodbye (0.33%); Pahiram ng Sandali (0.23%); Kahit Puso’y Masugatan (0.15%); Kidlat (0.15%); Enchanted Garden (0.13%); Aso ni San Roque (0.08%).

Samantala, ang botohan para sa FIRST QUARTER ng PEP List 2013 ay hanggang June 30, 2013, kaya maaari pa ring bumoto sa http://www.pep.ph/pep-list


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN