GMA-7: Stop using Bubble Gang to divert attention of public from Vice Ganda’s "rape" issue

Naglabas ng statement ang GMA Network kaugnay ng pagkalat ng video clips mula sa Bubble Gang, kung saan may gags tungkol sa rape. Nilinaw ng Kapuso network na ang video clips na ito ay matagal nang naipalabas at hindi dapat gamitin para mailayo sa isyung naganap kamakailan.


Naglabas ng statement ang GMA Network kaugnay ng pagkakadawit ng kanilang gag show na Bubble Gang sa isyu sa pagitan ng comedian na si Vice Ganda at ng broadcast journalist na si Jessica Soho.

Matatandaang naging malaking isyu ang ginawang “rape joke” ni Vice kay Jessica sa concert ng Kapamilya star na I-Vice Ganda Mo ‘Ko Sa Araneta noong May 17.

Nag-react si Jessica sa skit ni Vice sa concert kung saan ginawang katatawanan ang kanyang timbang, na humantong pa sa pagbibiro ni Vice na kung sakali raw maging “bold star” ang broadcast journalist ay “gang rape” ang mangyayari.

Ayon sa inilabas na statement ni Jessica, hindi raw “joke” ang rape at hindi ito dapat ginagawang material para sa isang comedy concert.

(Read: Jessica Soho to Vice Ganda: "Rape is not a joke.")

Noong Miyerkules, May 29, humingi ng paumanhin si Vice kay Jessica sa noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime.

Tinawagan din daw ni Vice si Jessica ngunit tumanggi raw ang news anchor na kausapin siya.

(Read: Vice Ganda apologizes to Jessica Soho)

Ilang oras pagkatapos nito ay naglabas muli ng statement si Jessica, kung saan sinabi niya na ina-acknowledge niya ang apology ni Vice.

(Read: Jessica Soho acknowledges Vice Ganda’s apology)

Sa gitna ng isyung ito ay nasama sa debate ang Bubble Gang, na umeere tuwing Biyernes ng gabi sa GMA-7—ang network na kinabibilangan ni Jessica.

Ayon sa ilang nagtatanggol kay Vice, dapat din daw tingnan ang ginagawang gags ng programang ito tungkol sa rape.

Nag-post pa nga ang iba ng video clips mula sa programa upang patunayan na matagal nang may mga lumalabas na ganitong klaseng gags tungkol sa rape.

Sumagot ang Kapuso network sa paglabas ng video clips na ito ng Bubble Gang sa pamamagitan ng statement na ipinadala sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ngayong araw, May 31.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Mr. Butch Raquel, consultant to the Chairman and CEO for Corporate Communications ng GMA-7: “We would like to clarify that these video clips were aired some years back.

“In fact, a concerned viewer called the attention of the Network regarding this, and the production team of Bubble Gang right away apologized to her and has made it a policy never to tackle the said topic in any of its episodes thereafter.”

Sabi pa ni Mr. Raquel, “Bubble Gang has been a top-rating and award-winning program of GMA-7 for almost 18 years.

“The Network hopes that the program will not be used to divert the attention of the viewers, netizens and the general public from a recent event which has irresponsibly made a joke of this serious topic.”

Ang Bubble Gang ay pinangungunahan ng veteran comedians na sina Ogie Alcasid at Michael V.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN