Kim Chiu denies posting Instagram message about "G.A."; says her IG account was hacked

Pinabulaanan ni Kim Chiu na siya ang nag-post ng mensaheng ito sa Instagram: “The more BOYS I met the more I realize that IT’s ONLY HIM I WANT TO BE’ :( PLEASE come back to ME (G.A)” Ayon sa young actress, na-hack ang kanyang Instagram account.


Mariing itinanggi ni Kim Chiu na kanya ang Instagram message na nagparamdam sa isang nagngangalang "G.A."

Sinabi ng Kapamilya star na na-hack ang kanyang account na "chinitaprincess" na may lagpas 521,000 followers na.

Ang sinasabi niyang Instagram message ay litrato ng isang puzzle na hugis puso na may naka-caption na: “The more BOYS I met the more I realize that IT’s ONLY HIM I WANT TO BE’ :( PLEASE come back to ME (G.A)”

Nabura kaagad ang nasabing post na nakakuha na ng 84 likes.

Kaagad naman nag-post ng mensahe sa kanyang Instagram si Kim upang linawin na hindi sa kanya galing ang mensaheng ito.

Aniya, “good morning IG friends! i just want to inform you that my account has just been recently HACKED, i’ll keep you posted if it happens again, i just might make a new acct na, and please be informed that the recent post was not mine!!! GOD BLESS YOU, HACKER!!!!!!"

Naka-caption sa litratong ito ang mga salitang ito:“thank you @yescppicache @marvzie @haidzfernandez for helping me fix my instagram acct., natakot ako kinabahan ako sa hacker, I already change my password na, thanky you guyzzz,, what a way to star my morning!”

Ang ex-boyfriend ni Kim ay si Gerald Anderson na may initials na "G.A. "

Lumabas ang sinasabing pekeng Instagram post matapos umamin ni Maja Salvador na sila na nga ni Gerald.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN