Maxene Magalona on being happily single: “Happiness naman doesn’t have to come from a romantic relationship.”

Maxene on the alleged "bar scene" issue involving her and Bela Padilla: “Please huwag ng gawan ng isyu, huwag ng gawan ng isyu na just because of Neil [Arce] meron kaming isyu ni Bela. Because hindi po kami mga babaeng mag-aaway lang para sa isang lalaki or whatever because what happened between Neil and me, tapos na yun.”


“Excited ako, excited akong maging kontrabida because ang tagal ko nang ginagawa ang pagiging bida na inaaapi.

“So this time, I want something new, I want a challenge.

“Gusto ko iba naman, kasi siyempre I’m not getting any younger and as the years go by mas gusto ko talaga to do something new and to try everything.

“I want to be able to try everything,” umpisang pahayag ni Maxene Magalona sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa pagiging kontrabida niya for the first time sa dramaseryeng Mga Basang Sisiw ng GMA-7.

Hindi siya natatakot na baka ma-typecast siya bilang kontrabida?

“A, hindi, hindi naman... kasi nga like I’ve said, I’ve been doing this, I’ve been in the industry for more than ten years and palagi na lang ako yung inaapi, palagi ako yung pinapaiyak...

“Nag-comedy na rin naman ako for six years, so this time when this opportunity came along I really said yes kaagad.

“Kasi kontrabida role siya and sabi ko nga bucket list... one of my ano yan, nasa bucket list ko na gusto ko talagang maging kontrabida and I think this is the perfect show,” saad niya.

Gaganap na mga “basang sisiw” sa show ang mga child stars na sina Renz Valerio (bilang Justin), Bianca Umali (as Faye), Kimberly Faye (as Shine), Hershey Garcia (as Cha) at Miko Zarsadias (bilang Mickey).

TERROR KONTRABIDA? May balitang totoong natatakot daw kay Maxene ang mga bata.

“Oo sobrang takot sila,” sabay tawa ni Maxene.

“Si Miko, actually the youngest, kasi hindi niya naiintindihan kung ano yung nangyayari plus hindi siya masyadong nakakaintindi ng Tagalog.

“Kaya pag may eksena kami at sinisigawan ko siya in Tagalog, talagang yung mukha niya parang confused siya kung ano ang nangyayari.

“So, ang ginagawa ko is I explain to him na ‘Miko, when the director says ’Action!’ I’ll become bad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But when he says ’Cut!’... mabait na ulit ako, I’ll become good again.’

“So I hug him when he’s crying after, ganun ang ginagawa ko.

“Si Miko, siya yung laruan namin kasi he’s so cute and he’s so like... ano lang...

“Talagang ang cute niyang tingnan and he’s parang pag nakikita namin nawawala ang pagod namin kasi masaya siyang kasama and he’s so funny.

“Actually lahat silang mga bagets ang ganda ng chemistry nila and yung bonding nila, it’s very, very nice kaya maganda rin silang tingnan onscreen,” dagdag pa ni Maxene na gumaganap na Vicky sa Mga Basang Sisiw.

Nasa show rin si Mike Tan bilang si Rigor at gaganap namang Froilan Sebastian si Raymond Bagatsing at asawa niya si Olivia na gagampanan ni Lani Mercado.

Nasa Mga Basang Sisiw rin sina Gardo Versoza, Maricris Garcia at si Miss Caridad Sanchez bilang si Lola Lagring.

Sa direksyon ni Ricky Davao, ipapalabas na ito sa Lunes, June 3.

PROUD WORKING WITH MIKE. Pang-apat na show na ito nina Maxene at Mike.

“I love working with Mike, I love working with him.

“Talagang from the very start pa lang, yung una pa lang nagkatrabaho kami sa Trudis Liit nakita ko talaga kung paano namin natulungan ang isa’t isa to improve as actors.

“Talagang tulungan kami, as in. Una sa set... bonding, talagang tsika, tsika, tsika... usap-usap, getting-to-know each other siyempre and then habang nag-a-acting na tulungan talaga.

“Yung tinginan namin sa mata, nagkakahugutan kami ng emosyon tapos pagdating sa mga kissing scenes, love scenes, walang ilangan.

“Iyon yung importante na talagang you just have to realize na it’s all work.

“And in order to... kasi si Mike is very passionate about his craft and ako rin naman, so alam mo yun? Marami kaming natututunan sa isa’t isa...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Na we’re making it fun, at the same time seryoso kami sa trabaho namin.

“He is one of the actors na talagang very comfortable ako to work with.

“And if you were to ask me kung sino talaga ang gusto kong maging leading man, siya talaga palagi kong isasagot kasi siya naman talaga yung kumportable na ako at sanay na sanay na makatrabaho,” pagmamalaki niya sa kaibigang co-star.

SINGLE BUT HAPPY. Career muna ang boyfriend ni Maxene ngayon.

Kaya nga ba hindi muna siya tatanggap ng suitors?

“Wala, ayoko muna talaga kasi I really wanna focus on my job, on my work. And I’m not getting any younger kaya ang lahat ng gusto kong gawin, kailangan kong gawin na.

“I mean, alam mo yun? Marami pa akong gustong gawin sa buhay and ’yon... just enjoy, just enjoy life.

“Wala na muna akong kailangang isipin plus you know I always believe na happiness naman doesn’t have to come from a romantic relationship.

“I can find that sa family ko, sa friends ko, sa aso ko, alam mo yun?

“You can find happines in whatever aspect of life, kailangan mo lang talaga na you just have to choose to be happy.”

Kaya masasabi ni Maxene na…

“I’m very, very happy right now! I’m really happy, I’m enjoying spending time with friends, with family, with meeting new people and enjoying. I’m just enjoying, working.”

Nakatulong ba ang pagiging loveless niya para may paghugutan ng emosyon bilang kontrabida?

“Well, actually kasi ako pag may lovelife or wala, ayoko kasing mag-depend dun, e.

“Ayoko siyang kinukonekta sa trabaho ko.”

Pero ngayon lang na loveless siya at kontrabida ang role niya…

“Yes, so actually ako kasi pag kunyari, pag may problema sa buhay, sa personal life, I really don’t think about it muna pag nasa trabaho ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero siyempre when it comes sa pagmu-motivate and whatever ganyan, nakakatulong din yung mga past relationships ko or yung mga past experiences ko na malungkot, nakakatulong din naman,” paliwanag niya.

Bilang ate, hiningan namin si Maxene ng reaksyon tungkol sa isyu sa pagitan nina Elmo Magalona (at Julie Anne San Jose) at Daniel Padilla.

Tumawa muna si Maxene bago sumagot…

“Wala, wala actually... hindi, hindi... kasi pag ganyan sanay kami sa pamilya namin na yung mga ganyang issues, tinatawan lang yan, hindi na dapat tine-take seriously.

“And basta alam namin kung ano ang totoo, yun lang yun.

“And Elmo has a very good support group sa family namin and wala naman talagang naging alitan.

“It’s just... alam mo yun, naging malaking issue lang siya na dapat hindi naman palakihin.

“And you know Daniel Padilla also comes from a showbiz family and I’m sure he also has a good support group too.

“Sinasabi ko lang kay Elmo and sa lahat ng mga kapatid ko na, ‘In showbiz masanay na kayo, ganyan talaga! Maraming issues na darating, it’s always how you handle it, iyan ang importante.’

“So iyon lang.”

KALEIDOSCOPE WORLD” VIDEO REMAKE. Tungkol naman sa bagong music video na sa pamamagitan ng modern technology ay napagsama sina Elmo at ang ama nilang si Francis Magalona.

“Yes, yung “Kaleidoscope World,” sobrang ganda, di ba, nakakapangilabot!

“It’s very, very nice, ang ganda nung ano.”

Kaninong idea iyon?

“Well, actually we’re very thankful sa Oishi [snack food brand], sila yung gumawa and sila yata ang nag-isip and when they sat down with my mom, nung nag-meeting sila siyempre my mom was all for it.

“Di ba kasi “Kaleidoscope World” is a very nice song, it’s a classic na talagang kailangang bigyang-pugay ang kantang “Kaleidoscope World.”

“And you know seeing them together in that video, kinilabutan talaga kaming lahat!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang ganda, sobrang ganda ng pagkakagawa and it’s really something that our whole family is proud of and it’s a great gift, it’s a wonderful gift from Oishi.”

Sila naman kayang mag-ama ang magsasama sa susunod na music video?

“Naku! My gosh, hindi na... huwag na,” natatawang sagot si Maxene.

“Hindi pa namin alam kung ano pa’ng mangyayari pero right now ine-enjoy pa namin itong “Kaleidoscope World Forevermore.”

Given a chance na sila naman ng dad niya, anong kanta ang pipiliin ni Maxene?

“Gusto ko “Girl Be Mine” siyempre... oo iyon, pero walang video yun e pero siguro duet, di ba, ire-record namin.”

NETWORK TRANSFER? Uso ang lipatan ng network among today’s stars.

“I have three years pa yata, two to three years,” pagtukoy niya sa kontrata niya sa GMA-7.

Kaya hindi siya matsitsismis na lilipat sa ibang istasyon.

“Ay, I’m so thankful to GMA, I’ve always been loyal to GMA and if ever umabot sa point na may offer or whatever, ganyan... siyempre this is all a job.

“This is all just work, walang personalan.

“So if ever, you know... kailangan doon ako sa moving forward palagi.

“So, if GMA gives me, ito na nga, like this one, I’m very happy with what they gave me now kasi something new so hindi ako nabu-bore, hindi ako yung parang, ‘Ay, ’eto na naman, paulit-ulit,’ ganito-ganyan.

“It’s a challenge for me kaya I’m very happy with GMA.”

ISSUE WITH BELA. Ano ang katotohanan sa nababalitang “buhusan ng alak sa bar” issue nila ni Bela Padilla?

“I just don’t wanna comment about that because I really don’t want to talk about something that never happened,” diin ni Maxene.

“Hindi po talaga nangyari yun.”

Okay sila ni Bela?

“Hindi kami magkaaway ni Bela.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“It’s really actually very funny because sinasabi nga na sa bar kami nag-away, hindi po kami nagkikita sa bar ever.

“She doesn’t go out, I go out but she doesn’t go out.

“And ang last time na nagkita kami was at the FAMAS awards and she even asked me, ‘How are you?’ and then I said okay naman. ’Hi-hello,’ ganun lang.

“We’re okay.

“Please huwag ng gawan ng isyu, huwag ng gawan ng isyu na just because of Neil meron kaming isyu ni Bela

“Because hindi po kami mga babaeng mag-aaway lang para sa isang lalaki or whatever because what happened between Neil and me, tapos na yun.”

Naging magkarelasyon dati sina Maxene at Neil Arce bago naging sina Bela at Neil.

“And I’m happy for the two of them and I wish them all the best. Yun lang!” madiing pangwakas ni Maxene.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN