Hiro Magalona changes his name to Hiro Peralta

Hiro on how he’s related to the Magalona showbiz clan: “Bale my mom po and Francis M are second cousins. Pero yung mom ko po ’tsaka si Tito Francis, hindi rin na-introduce yung mom ko kay Tita Pia, kaya siguro tingin nila hindi ako Magalona.”


Mula sa pagiging Hiro Magalona, makikilala na ngayon ang Kapuso actor bilang Hiro Peralta.

Sa presscon ng Anna KareNina nitong nakaraang Martes, May 28, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Hiro kung bakit siya nagpalit ng pangalan.

“Management na rin po yung ano e, parang it’s a relaunching of my career daw po.

“Parang new track, kasi Anna KareNina na po, di ba? Kumbaga bagong track so parang hindi na ma-tag as ano... Magalona, di ba,” paliwanag ni Hiro sa amin.

Pero mas nakilala na siya bilang Hiro Magalona.

“Oo nga po, di ba? Pero…”

Tinanong naman daw siya ng GMA-7 management.

“Tinanong po nila ako pero sabi ko, ‘It’s up to you guys po!’

“Kasi they’re the ones who’s gonna... sila po yung magha-handle ng takbo ng career ko e, GMA po, e.’

“Sabi kong ganun.”

Related naman daw siya talaga sa Magalona clan ng showbiz.

“Opo! Bale my mom po and Francis M are second cousins.”

Pero hindi raw sila close ng ibang Magalona stars tulad nina Elmo at Maxene Magalona.

“Hindi nga po kasi, di ba, I’m from ano, e... parang kailan lang po ako nag-stay dito sa Philippines, di ba?

“Parang, nag-stay ako dito hanggang ten years old ako, tapos nag-stay po ako sa Seattle ng two-three years, kaya hindi po ako na-introduce ng mom ko sa kanila.

“Pero yung mom ko po ’tsaka si Tito Francis, hindi rin na-introduce yung mom ko kay Tita Pia, kaya siguro tingin nila hindi ako Magalona,” patuloy niyang kuwento.

Hindi naman raw masama ang loob niya na tila hindi siya acknowledged bilang Magalona.

“Hindi naman po, kasi I have to understand their side kasi bigla na lang akong susulpot parang ano... tapos career pa, ganyan.

“Puwede naman akong sumulpot as ano... as wala lang, di ba? But as a... parang kailangan as an artista pa, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, parang iisipin nila siguro kung, ewan ko kung iyon po yung nasa isip nila, parang ginagamit ko lang yung ano, iyon po,” dagdag pa niya.

Peralta na ang gamit na apelyido ngayon ni Hiro dahil ang tunay niyang pangalan ay Hirojenel Benz Magalona Peralta.

Kaya tunay na pangalan na niya ang Hiro Peralta.

“Opo. Bale middle name ko po yung Magalona.”

Mas ikinatuwa niya na tunay na pangalan at apelyido na niya ang gamit niya bilang artista.

“Oo nga po, e. Okay na rin po kasi pumayag na rin po yung grandparents ko, yung daddy ko, na gamitin ko kasi di ba nga po may isyu din kaya hindi ko ginamit yung Peralta.

“Kasi hindi pa po sarado yung case ng brother ko back then, hindi pa sarado, hindi pa po tapos yung case niya kaya iyon po.

“Ngayon, okay naman na po,” banggit ni Hiro.

BROTHER’S MURDER CASE. Tapos na ang kaso.

“Tapos na yung kaso, hindi po na-solve pero case closed, parang not enough evidence,” pagbabalik-tanaw niya sa malungkot na kinahinatnan ng kapatid..

Taong 2009 namatay ang kapatid ni Hiro, at sa kuwento niya…

“Ginulpi po, tapos pinalabas na nalaglag siya, na tumalon siya.

“Tapos nung… binasag po yung salamin tapos hinulog siya.”

Pero last 2011, ayon pa rin kay Hiro, “case closed” na nga ang kaso.

“Tinanggap na lang namin para ano po, parang let God na lang, let God and move on with our lives tapos hayaan na lang sila kung ano’ng mangyayari sa life nila.

“Sila naman po yung ano e, kumbaga kami magmu-move on na kami, kung ganun pa rin yung situation na gagawin nila sa life nila, wala na po sa amin yun, wala na kaming kargado dun, di ba?” saad niya.

Kilala ni Hiro ang sinasabi niyang pumaslang sa kapatid niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “May time na nakita ko nga po sa isang lugar, e.”

Natural lang na galit ang naramdaman ni Hiro noong panahong iyon.

“I was with Kiko Estrada pa nga nun, e.”

Nakasama ni Hiro si Kiko sa Tween Hearts na teen show ng GMA bago pa lumipat si Kiko sa Dos.

Anak si Kiko ng actor/politician na si Gary Estrada, which makes him the grandson of former Philippine President and newly-elected Manila City Mayor Joseph Estrada dahil pamangkin ni Erap si Gary.

Pagpapatuloy na kuwento ni Hiro…

“Hinayaan na lang po namin. Parang knowing na I have someone who’s powerful with me, pero hinayaan ko po kasi, di ba?

“Okay lang na ano e, siguro kung gusto kong ipapatay, ipapapatay ko.

“Pero takot po ako kay God e, di ba?

“Iyon po, hinayaan ko na lang. Tapos kung hahayaan niya ako, e di good, kung gagalawin niya ako, it’s bad for him kasi another one?

“Parang masyado nang ano, parang isa pa ba? Masyado na pong grabe yung gagawin niya kung pati ako, idadamay niya.”

LOVELESS. Eighteen ngayon si Hiro at wala siyang girlfriend.

Sa Anna KareNina, si Joyce Ching (bilang Nina) ang kapareha ni Hiro na gumaganap namang Brian.

Biniro namin si Hiro kung “nagpaalam” ba siya sa boyfriend ni Joyce na si Kristoffer Martin?

“Ah, alam na niya yun,” sabay tawa ni Hiro.

“Siya nga po yung nagsabi sa akin, si Kristoffer po yung tumawag sa akin.

“Kasi kinakabahan ako at first e, nung nag-pictorial kami kasi parang, naiilang ako kasi alam ko naman yung closeness nila ni Joyce, di ba?

“Tapos ako po, parang nailang ako, tapos tinawagan niya ako, sabi niya, ‘Bro, huwag kang maiilang. Walang mangyayari sa atin kung maiilang ka.’

“Tapos natuwa ako, iyon walang ilangan. I’m happy kasi friend ko si Kristoffer, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Friend ko po e, kaya ayun natuwa ako kasi siya na yung gumawa mismo ng way para mawala yung nararamdaman ko na pagka-ilang.”

Kaya raw hindi mahirap para sa kanya na ang kapareha niya sa Anna KareNina ay may boyfriend sa tunay na buhay.

“Kasi work yan e, di ba? Dapat when it comes to work, hindi mo dapat gagawing personal po.

“’Tsaka pareho naman silang artista, wala pong mahirap dun kasi, iyon nga pareho silang artista po, maiintindihan nila pareho yung situation,” dagdag ng binata.

Sa tanong naman kung nagka-girlfriend na siya ng artista, hindi agad nakasagot si Hiro dahil…

“Hindi ko po ma-determine kung girlfriend or MU.”

Si Kim Rodriguez ang tinutukoy niyang ka-MU niya dati.

“Pero wala na po, dati pa yun, Tween Hearts pa po.

“Siguro po kasi magka-loveteam kami sa Tween Hearts dati ni Kim, nagkaroon po kami ng parang mutual understanding...

“Na parang yung fondness namin... yung sweetness namin, nabuo,” tugon niya.

Bakit hindi iyon natuloy sa isang seryosong relasyon?

“Siguro po… ewan, hindi ko po alam,” at natawa si Hiro.

Hindi niya niligawan si Kim ng seryosohan?

“Nag-date po.”

Wala raw nangyaring pormal na panliligaw.

“Hindi po natuloy dun. Siguro kasi mas better na, mas hindi namin kaya na wala yung closeness. Kasi di ba pag once na naging ano mo... once na naging girlfriend mo, ang hirap nang maging friends.

“So, it’s better to be friends than lovers.

“Siguro mas hindi namin kayang mawala yung isa’t isa, na mawala yung friendship,” pag-amin niya.

At pareho silang nagpalit ng screen name. Mula sa dati niyang screen name na Kim Komatsu ay pinalitan na ito kamakailan ng Kim Rodriguez.

Hindi na raw sila ganoong ka-close ni Kim.

“Hindi na katulad ng dati pero close pa rin,” paglinaw niya.

Biniro namin si Hiro, na “nagpalit” sila ni Kristoffer dahil si Joyce ay kapareha ni Hiro sa Anna KareNina at si Kim naman ay kapareha ni Kristoffer sa Kakambal ni Eliana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Oo nga po, nag-switch,” sabay tawa ni Hiro.

Mabait ang role ni Hiro sa Anna KareNina.

“Tapos lagi kong ipagtatanggol , lagi kong iku-comfort si Joyce.

“Bale ayokong nasasaktan siya, pag malungkot siya, ako ang nandun lagi. Mahirap po ang role ko dito e,” sinabi pa ni Hiro na ang ibig sabihin ay poor boy siya sa Anna KareNina.

Mga bida rin sa Anna KareNina sina Barbie Forteza bilang si Karen, si Krystal Reyes bilang Anna, si Derrick Monasterio bilang si Aldrin, si Julian Trono bilang si Brix, Sandy Andolong bilang Doña Carmela, Juan Rodrigo bilang Don Xernan, Yul Servo bilang Kadyo, Neil Sese bilang Abel, Valerie Concepcion bilang Ruth, Alan Paule bilang Lucas, Ana Roces bilang Daisy, Maybelyn dela Cruz bilang Nayda, Maureen Larrazabal bilang Suzie, Alicia Mayer bilang Brigette, Kathleen Hermosa bilang Becky, Joanna Marie Tan bilang Carla at si Yasmien Kurdi bilang si Maggie.

Ito ay sa direksyon ni Miss Gina Alajar.

Pilot airing ng Anna KareNina ngayong Lunes, June 3 sa GMA Telebabad.

DREAM ROLE. Dream role naman ni Hiro na maging…

“Captain Barbell po!”

Nang banggitin namin sa kanya na nasa ABS-CBN na ang rights ng naturang obra ni Mars Revalo ay nanghinayang si Hiro.

“Talaga po? Sayang!

“Malay niyo po bumalik yung Captain Barbell dito [sa GMA], di ba?”

Bakit gusto niyang maging si Captain Barbell?

“Gusto ko po parang Superman kaso knowing the fact po na wala pong Superman dito, di ba? So iyon po, Captain Barbell.”

Payag raw siyang mag-costume ng fit na fit sa buong katawan niya.

READY TO BARE? Payag rin daw siyang rumampa ng naka-underwear sa isang event tulad ng Cosmo Bash.

“Kaya po basta ready, in time, pag ready,” saad niya.

Pero hindi raw muna this year.

“Hindi pa po siguro. Hindi pa kaya. Probably next year po or the year after that.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala raw siyang nakikitang masama sa pagrampa ng naka-trunks or underwear.

“Kasi hindi naman po kita ng buo, kumbaga yung mga tinatago natin na parts, hindi naman kita so wala pong problema,” amin niya.

Hindi pa niya nararanasan kahit minsan na magpa-pictorial ng sexy.

“Hindi pa po, even taas ng shirt hindi ko pa nagawa,” pagtatapos niya sa aming panayam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN