Charice’s recent Hongkong trip tipped off by anonymous informant

Ayon sa business manager niyang si Glen Aldueza, nasa Hongkong daw si Charice para sa isang "Hollywood project."


Ayon sa anonymous sender ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nagpakilala lamang sa pangalang "Chaster," umalis daw ng bansa si Charice Pempengco noong May 27.

Sa mensahe niya via email noong May 28, 11:50 a.m., sinabi nitong: “I would just like to tell you that Charice has left the country yesterday.”

Tinanong agad namin ito kung saan patungo si Charice at kung sinu-sino ang mga kasama. Kasama ba niya si Alyssa Quijano?

Mabilis nitong sagot, “To hongkong. That’s the question that was left hanging, her company in the said trip. It was not noted if Alyssa is with Cha. But then if they are together, they must’ve planned it the way it was to get away from all the attention.”

Noong May 29, bago maghatinggabi, nag-email ulit si Chaster: “Charice will be back in Manila on Saturday, NAIA Terminal 2.”

Pero nang tanungin ng PEP noong Thursday, May 30, kung alam niya ang flight details ay hindi niya ito sinagot.

Noong May 31, nag-email ulit ito sa PEP ng, “Watch SIR tomorrow.”

CHARICE ON S.I.R. Kanina, June 1, isa ngang segment ng Showbiz Inside Report, ang Saturday showbiz talk show ng ABS-CBN, ay ang kuwento tungkol kay Charice.

Ito ang kanyang kauna-unahang pagsasalita sa telebisyon matapos ng kanyang pagsabi sa ninong niyang si Bum Tenorio Jr. ng kanyang totoong nararamdaman.

Makikita sa video na kinunan ito sa Hongkong International Airport.

Ayon naman sa business manager niyang si Glen Aldueza, nasa Hongkong daw si Charice para sa isang "Hollywood project."

Sa video, nagpapasalamat si Charice sa kanyang mga taga-suporta.

Aniya, "I just want to say, thank you, personally, to all my fans, to all the people who are still supporting me, who are still there for me.

“Honestly, I’m very, very happy. I can’t explain how happy I am right now, hearing all the positive things."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa nito, "I promise you guys that I will come back and I will see you guys again. I miss you all so much. I love you all."

Binalikan ulit namin si "Chaster"—na sa ilang pagkakataon ay nakapagbigay na ng mga tip sa PEP—at sinabi naming tama nga siyang nasa Hongkong si Charice at may interview na lumabas sa Showbiz Inside Report.

Tinanong din namin kung natuloy ba ang tell-all interview nito para sa isang talk show.

Sagot ni Chaster: “She’s back in the Philippines now. We ran into each other last night, she was watching the flores de mayo in laguna. Yes, from the looks of my conversation with Cha, that is true. I think, she did answer everything. That is a tell all interview.”

Tinanong din namin kung bakit napaaga ang uwi nito sa sinabi niyang Sabado pa ang pagbabalik-Pilipinas ni Charice.

Ang tanging sagot ni Chaster: "Flight changes."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN