Gerald Anderson speaks up for Kim Chiu: “Alam mo isang dahilan kung bakit ko rin ginawa yun para hindi na rin madamay si Kim sa lahat ng ito.”

Gerald on facing all the controversies and issues involving relationship with Maja Salvador: “Sa akin kasi, the harder the fight, the sweeter... kumbaga the more you fight for something na gusto mo talaga, worth it talaga na kahit lahat ng tao may kanya-kanyang opinyon but yung importante yung mga mahal ko sa buhay.”


Nagsalita na rin on-camera si Gerald Anderson at nagpaliwanag kung bakit naisipan na niyang aminin ang relasyon nila ni Maja Salvador.

Kuwento niya sa Showbiz Inside Report kahapon, June 1, “It’s about time.

“Oras na, kumbaga, nakakapagod ding itago, kumbaga hindi rin tama, so sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin dun sa article para na rin hindi humaba pa.”

Ang tinutukoy ni Gerald na article ay ang kanyang tell-all interview sa June 2013 issue ng Star Studio Magazine na pinamagatang, “In Love Ako Kay Maja Salvador.”

Dagdag pa nito, kahit daw maraming mga unos na pinagdaanan ang kanilang relasyon, wala naman daw pinagsisihan ang actor dito.

Aniya, “Sa akin kasi, the harder the fight, the sweeter... kumbaga the more you fight for something na gusto mo talaga, worth it talaga na kahit lahat ng tao may kanya-kanyang opinyon but yung importante yung mga mahal ko sa buhay.”

Bahagi daw ng pag-amin ni Gerald sa totoong estado ng relasyon nila ni Maja ay upang iiwas ang dati nitong girlfriend na si Kim Chiu sa mga intriga.

Dagdag pa ng actor, “Alam mo isang dahilan kung bakit ko rin ginawa yun para hindi na rin madamay si Kim sa lahat ng ito.

“Kumbaga, let’s just move on, then she shouldn’t be dragged in this mess, so hayaan nalang natin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN