Bianca King on the possibility of falling in love again: “Kung nandiyan na bakit mo naman palalampasin?”

Bianca on her "instant bonding" with co-star Rafael Rosell: “Ano kami, pareho kasi kami na medyo may pagka-childlike, tapos marami kaming mga bagay na pinag-uusapan na hindi mo madalas puwedeng mapag-usapan with other people, like he talks about spirituality, nature, wellness, mga ganyan. Tapos kahit first week pa lang naming nagte-taping naging close na agad kami, ang bilis naming nagkaroon ng chemistry.”


Matapos ng kanyang pagganap sa Luna Blanca noong May 2012, mapapabilang naman si Bianca King sa bagong drama series ng GMA-7 na Maghihintay Pa Rin.

“Ako po dito si Geneva, heredera ako ng De Villa Maritime Corporation. De Villa po ang last name ko dito, family business po namin yun.

“First time kong gumanap ng isang mayaman na babae na sobrang talino at malakas yung personality niya pero napakabait.

“Nakapaka-kindhearted niya and compassionate,” kuwento ni Bianca sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng naturang drama series nitong Miyerkules, May 29 sa Kamias Ave., sa Quezon City.

PLAYING HERSELF. Para sa nasabing role, peg daw ni Bianca ang kanyang sarili.

“Actually, nung pinag-uusapan namin ni direk kung ano ba ang magandang timpla dun sa character, sabi niya, ‘Ikaw lang!’

“So, tina-try ko talaga na kapag nagde-deliver ako ng linya parang ganito lang... parang kung paano lang ako nakikipagkuwentuhan sa inyo.”

Si Don Michael Perez ang direktor nina Bianca sa show. Leading man naman niya dito si Rafael Rosell bilang si Kiko Sebastian at ka-love triangle nila si Dion Ignacio bilang si Orlando Ramirez.

Gaganap namang ina ni Bianca si Ayen Munji-Laurel bilang Rio de Villa at lover ni Ayen si JC Tiuseco bilang si Louie. Kontrabida sa soap ang baguhang si Julie Anne Lee bilang si Grace Lim.

Ipapalabas ito sa June 10 ng hapon pagkatapos ng Mga Basang Sisiw.

Kuwento pa ni Bianca…

“May part dun sa story na maglalayas ako dahil hindi kami magkasundo ng mommy ko, parang iba kami ng mga paniniwala at pamamalakad sa kumpanya namin.”

INSTANT BONDING WITH RAFAEL. First time nina Bianca at Rafael na maging magkapareha sa soap.

“Fun, sobrang fun,” deskripsyon ni Bianca kay Rafael. “Ano kami, pareho kasi kami na medyo may pagka-childlike.

“Tapos marami kaming mga bagay na pinag-uusapan na hindi mo madalas puwedeng mapag-usapan with other people, like he talks about spirituality, nature, wellness, mga ganyan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos kahit first week pa lang naming nagte-taping naging close na agad kami, ang bilis naming nagkaroon ng chemistry.”

Loveless si Bianca at wala ring karelasyon si Rafael; may chance ba na magkagustuhan sila sa totoong buhay?

Tumawa lang si Bianca sa aming tanong.

READY TO FALL IN LOVE AGAIN? Ready na ba siyang umibig muli?

“Oo naman! I’m ready, I’m excited to fall in love. Pero ayoko munang masyadong maging serious sa commitment ulit,” pag-amin niya.

Si Dennis Trillo ang huling karelasyon ni Bianca; at sa tanong kung gusto ba niya na artistang muli ang maging boyfriend niya, mabilis sumagot si Bianca ng…

“Ayoko!

“Pero hindi naman ako nagdya-judge base sa hanabuhay ng isang tao. Siyempre mas mahalaga pa rin yung kuneksyon, yung values ng isang tao.

“Pero kung maaari, pag magku-commit na ulit ako sa isang serious relationship, gusto ko sana na iba yung industriya nung tao.”

NO AWKWARDNESS. Hindi ba sila naging awkward ni Rafael working together since matalik na magkaibigan sina Dennis at Rafael?

“Una pa lang, sinabi ko na sa kanya, ‘I don’t want it to be awkward.’

“Basta sabi ko sa kanya, ‘As much as possible, I don’t want things to be awkward.’

“Tapos, ‘Kung posible gusto ko maging magkaibigan talaga tayo para mapag-usapan ng maganda yung mga eksena natin.’

“Yung meron talaga kaming friendship and connection kasi ano ito, e... parang this role, this story... I love it so much!

“Una pa lang siyang nabanggit sa akin, na hindi ko pa alam na mapupunta siya sa akin, basta parang na-mention lang siya sa akin na merong OFW soap, tapos ganito yung character nung babae, sabi ko, ‘Ay, parang gusto ko yun, a!’

“Parang feeling ko kaya kong gampanan nang maganda yun and gusto ko pa yung fact na umiikot sa buhay ng mga OFWs yung story. Parang feeling ko, marami kaming mata-touch na viewers all over the world.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And yun, less than a week after that, binigay na sa akin ni Lord.”

Patuloy pang kuwento ni Bianca...

“Si Rafael mapipilitan siyang magtrabaho sa Singapore para buhayin yung family niya.

“And since pinili ko siya, iniwan ko yung mataas na posisyon ko sa kumpanya namin at yung yaman ng buhay ko, sabay kaming pupuntang Singapore para makipagsapalaran.”

Magte-taping sila mismo sa Singapore.

Sa tunay na buhay, kaya ba ni Bianca na isakripisyo ang career sa pag-ibig?

“Oo naman, oo naman! At some point naman lahat ng kababaihan kailangang mamili ka kasi pag gusto mo siyempre na mag-settle down at mabuntis, mag-start ng family.

“Mahirap na ganito pa rin yung buhay, na dire-diretso taping... ganun.”

Pero at this point ng buhay niya, hindi pa raw niya kaya.

Aniya, “Kaya nga ayoko muna ng serious commitment kasi ayokong maipit sa ganung sitwasyon, yung pag sobrang head-over-heels in love ka na, mawawala na yung focus mo sa career.”

Napipigil ba na maging seryoso sa pagmamahal?

“Oo, oo naman. Tina-try ko ngayon,” at tumawa si Bianca.

BRO CODE.” Wala raw silang anumang komunikasyon ni Dennis simula noong nag-break up sila.

In a separate interview with Rafael nasabi nito na dahil magkaibigan sila ni Dennis, meron silang tinatawag na “bro code.”

Ayon dito, hangga’t maaari, hindi puwedeng umibig sa dating karelasyon ng kaibigan. At kung hindi naman mapipigilan, kailangang merong pagpapaalam o pasintabi.

“Sinabi niya yun?” patanong na reaksyon ni Bianca.

Humingi pa raw si Rafael kay Dennis ng tip kung paano maging close kay Bianca.

“Yikes!”

Na ang sinabi lang ni Dennis kay Rafael ay “very cool girl” si Bianca.

“Thanks!”

“May ganun pala... there’s like that pala.

“I don’t know what to say,” pag-amin ng dalaga.

Ano naman ang reaction ni Bianca sa nasabing “bro code?”

“It’s his choice. Parang marami kaming ibang mas makabuluhang bagay na pinag-uusapan [ni Rafael].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ni hindi pa namin na-tackle yang bagay na yan.

“I think we’re both very into this project and our roles and I think that flirting on the set is the last thing in our minds,” sabay tawa ni Bianca.

Hindi maiiwasan dahil sila ang magkapareha ni Rafael, at pupunta pa sila sa Singapore.

“Hindi ko naman po talaga gawain yun, e.

“It happened once, but...

Lesson learned?

“Lesson learned,” at tumawa muli si Bianca. “Hindi, hindi naman. Kidding aside, honestly hindi ko po siya iniisip.”

TAKING THINGS IN STRIDE. Binanggit rin namin kay Bianca na napapansin raw ni Rafael na maraming tumatawag sa kanya sa phone, kaya binawalan siya na wala munang calls at huwag muna siyang sasagot.

Paglilinaw naman ni Bianca…

“Not sumagot ng phone ko pero sumagot ng… yung ibigay yung matamis kong oo. Iyon ang ibig niyang sabihin.”

So meron nang pagbabawal si Rafael kay Bianca na makipagrelasyon sa kahit kanino?

“Hindi, ano lang niya yun... parang sinasabi lang niya yun, I think parang natatakot kasi siya na baka may magselos... ’yon.

“But ano naman, wala lang yun.

“It’s my personal choice to preserve myself for the right man,” sabi niya.

So for the duration ng taping nila, hindi siya magbu-boyfriend?

“Hindi ko po masasabi. At sinasabi ko naman palagi dati di ba, ang pagkakataon na umibig at ibigin ay isang blessing so bakit mo naman ide-deny yung opportunity to love and be loved?

“Hindi ka naman everyday makakahanap ng taong puwede mong mahalin at magmamahal sa iyo.

“Kung nandiyan na bakit mo naman palalampasin?” pangwakas niyang saad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN