Valerie Concepcion on not being choosy with roles: “Maging choosy pa ako? E, di ibang tao pa ang nabigyan ng trabaho kesa sa ’kin, di ba?”

Valerie on facing competition from younger stars: “Ngayon kasi, ang dami nang mga bagong artista, di ba? Yung mga roles ko noong teenager ako ay nasa kanila na ngayon. Kaya maging choosy pa ba ako, e, sa edad ko ngayon, considered na matanda na ako. Papunta na tayo sa mother roles, di ba? Wala nang problema sa akin ang ganyan ngayon kasi in real life ay nanay na ako at nasa tamang age na rin ako to do mother role na rin.”


Pagkatapos ng anim na taon ay bumalik si Valerie Concepcion sa kanyang orihinal na network, ang GMA-7.

Noong 2007 huling nagtrabaho si Valerie sa Kapuso network bago siya lumipat sa ABS-CBN kasabay ni Angel Locsin dahil pareho pa ang manager nila noon na si Becky Aguila.

“That was the decision of my manager at masunurin naman ako.

“In fairness naman, naging maganda pa rin ang takbo ng career ko.

“Nagkasunud-sunod ang trabaho ko. That time talaga, maganda ang nagawa ng paglipat ko noon,” paniumulang bungad ni Valerie nang makapanayam siya ng PEP.ph (Phiippine Entertainment Portal) sa press launch ng Anna KareNina sa Imperial Palace Suites in Quezon City.

Kabilang nga sa mga naging shows ni Valerie sa Dos ay ang Wowowee, Precious Hearts Romance, 100 Days To Heaven, E-Boy, Your Song, Banana Split, Love Spell, Momay, Angelito: Batang Ama, Luv U, May Isang Pangarap at Dugong Buhay.

Nasubukan din ni Valerie na magtrabaho sa bakurang ng TV5 sa mga shows na Mga Nagbabagang Bulaklak, P.O. 5 at Star Confessions.

BACK TO ACTING. Ngayon ay natutuwa si Valerie dahil muli siyang bumalik sa kanyang unang pinagtrabahuhan na TV network at kasama siya sa bagong primetime series na Anna KareNina.

“Masaya po ako to be reunited sa network kung saan ako nagsimula.

“Sabi ko nga if may chance na after seven o six years na makabalik po dito sa Kapuso Network, heto na po yung chance na ’yon kaya grinab na rin po namin yung opportunity.

“Happy ako kasi nandito pa rin ang mga dati kong mga nakatrabaho and I feel so welcome again,” ngiti pa ni Valerie.

Una ngang nakilala si Valerie sa bakuran ng GMA-7 via the youth-oriented series na Click. Nasundan ito ng mga shows na Walang Hanggan (with Oyo Sotto under TAPE Inc.), Now & Forever Presents Mukha, Love To Love, Atlantika, Majika, Sinasamba Kita at Fantastic Man.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging mabait naman ang GMA-7 sa akin noon pa and I didn’t expect na ganun pa rin sila sa akin kahit na lumipat ako.

“I just feel good to be in the company of the same people na nakatrabaho ko noong bagets pa ako. Nandiyan pa rin sila kasi kaya parang reunion lang itong pagbabalik ko,” sabi pa niya.

Sa Anna KareNina, gagampanan niya ang role na Ruth Monteclaro, ang ganid at mapagsamantalang pamangkin ni Donya Carmela (played by Sandy Andolong).

Ang gumanap bilang Ruth sa orihinal na Anna Karenina ay si Maritoni Fernandez.

“Malditang kontrabida ako rito sa Anna KareNina.

“Gusto kong agawin lahat ng mamanahin ng pinsan kong si Maggie [played by Yasmien Kurdi]. Kaya isa ako sa gumawa ng paraan na may mangyari sa kanya at sa kanyang anak.

“Na-miss ko ang ganitong mga roles. Tapos si Direk Gina Alajar pa ang hahawak sa amin.

“First time kong makatrabaho si Direk Gina and I feel so honored.

“Kaya ang bongga ng pagbabalik ko sa Kapuso network,” ngiti pa ni Valerie.

NOT CHOOSY WITH ROLES. Hindi na nga raw namimili ng role si Valerie ngayon. Sa edad niya ngayon na 25-years old, gusto na niyang gumanap sa mga mabibigat na roles.

Gusto nga raw niyang makilala bilang isang versatile actress.

“Gusto ko yung iba-iba na. Para naman mapatunayan ko na may kakayanan akong gampanan ang kahit na anong role.

“Before kasi takot ako mag-experimento sa ganyan. Iniisip ko ang magiging reaction ng ibang tao, lalo na ng anak ko.

“But my daughter is already 8-years-old at marami na siyang alam sa mga ginagawa ko. Madali na niyang maintindihan ang trabaho ko ngayon.

“Kaya tumanggap man ako ng kontrabida role, okay na kasi alam na ng anak ko na acting na lang ito. And she knows that I am doing this for her future,” paliwanag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa pang rason kaya hindi na siya masyadong mapili sa mga roles ay dahil sa dami na raw ng mga gustong mag-artista ngayon na mga bata.

“Ngayon kasi, ang dami nang mga bagong artista, di ba? Yung mga roles ko noong teenager ako ay nasa kanila na ngayon.

“Kaya maging choosy pa ba ako, e, sa edad ko ngayon, considered na matanda na ako. Papunta na tayo sa mother roles, di ba?

“Wala nang problema sa akin ang ganyan ngayon kasi in real life ay nanay na ako at nasa tamang age na rin ako to do mother role na rin.

“Maging choosy pa ako? E, di ibang tao pa ang nabigyan ng trabaho kesa sa ’kin, di ba?

“Kaya habang may work na inaalok, tanggap lang nang tanggap!” pagtatapos niyang pag-amin


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN