Dion Ignacio on keeping a low-key ladies’ man image: “Maganda yung discreet yung ano mo... na mabait pero matikas naman.”

Dion reveals that he used to have a crush on Yasmien Kurdi. He admits, “Nagkagusto ako pero sa akin lang. Crush ko siya pero parang akin lang yun, hindi ko sinasabi pag ganun, e.”


Ang Kapuso actor na si Dion Ignacio ay isa sa mga kabilang sa bagong GMA-7 drama series na Maghihintay Pa Rin.

“Ang role ko dito ako po si Orlando Ramirez, parang best friend kami ni Kiko Sebastian [Rafael Rosell].

“Mahirap ako dito tapos ’yon, parang sila ni Geneva de Villa [Bianca King], sila talaga yung magkapareha pero hindi nila alam na may lihim na pagsinta si Orlando kay Geneva,” kuwento ni Dion Ignacio tungkol sa kanyang role.

Ipapalabas na ang seryeng ito sa GMA-7 Afternoon Prime sa June 10, sa direksyon ni Don Michael Perez.

Gaganap namang ina ni Bianca si Ayen Munji-Laurel bilang Rio de Villa. Mapaghamon naman ang papel ni JC Tiuseco bilang si Louie na lover ni Rio.

Kontrabida sa soap ang baguhang si Julie Anne Lee bilang si Grace Lim.

Ano ang challenge ng role ni Dion dito?

“Siguro papasok yun kapag nasa ibang bansa na si Rafael kasi magkakaroon na ako ng chance, kasi yayaman ako sa Singapore tapos magsisikap ako dun para mapansin na ako ni Geneva.

“Pero pilit lang, kasi ang totoong mahal niya talaga si Kiko, e. Nagustuhan lang ako dahil siguro nagkapera ako kaya nagustuhan ako ng mommy ni Geneva, parang ganun,” detalye pa niyang kuwento.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dion sa taping ng Maghihintay Pa Rin nitong nakaraang Miyerkules, May 29, sa Kamias, Quezon City.

Kapansin-pansin ang pagkapayat ni Dion, at mabilis naman niyang inamin na nagpapapayat nga raw siya sa pamamagitan ng jogging at basketball.

Unang beses daw niyang nakatrabaho sina Bianca at Rafael.

Nakikipagkuwentuhan raw siya sa mga ito during taping breaks bilang bonding nila.

WORKING WITH RAFAEL. Wala raw silang patalbugan ni Rafael bilang leading men, kahit sa pagandahan ng katawan.

“Talo ako dun,” natatawang pag-amin ni Dion.

“Balita ko kay Raf ngayon panay seafoods lang siya, e. Okay nga e, kaya payat siya e, wala siyang bilbil.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Mabait si Rafael ’tsaka professional ’tsaka willing siyang matuto.

“Talagang inaaral niya yung mga script niya, napapansin ko, e.

“Tsaka gustung-gusto niyang matutunan yung Tagalog talaga.”

Palihim raw niyang tinutulungan si Rafael sa Tagalog lines.

“Minsan, ‘Tara bro, throw lines tayo.’

“Para hindi niya alam na gusto ko rin siyang matulungan, palihim lang,” sabay tawa ni Dion.

May taping sila ng Maghihintay Pa Rin ng isang linggo sa Singapore at napag-alaman namin na ito ang pinakaunang beses na makakapag-abroad si Dion; as in never pa siyang nakarating sa ibang bansa, kahit sa Asia man lang.

“Hindi pa, sama ninyo nga ako,” biro sa amin ni Dion.

Excited ngang kinuwento ni Dion na ready na ang passport niya para sa kanilang Singapore trip sa June 10.

INDECENT PROPOSALS. Natanong tuloy namin si Dion; paano kung may mayamang bading na yayain siya sa abroad ng all-expenses paid. Sasama siya?

“Anong gagawin po?”

Mamasyal at ipagsa-shopping siya ng mayamang gay.

“Parang magkaibigan, ganun? Puwede kong isama mga tropa ko?”

Hindi, siya lang.

“Ay, ayoko! Pero kung puwede kong isama mga tropa ko, sige papayag ako.

“Pero kung sasabihin na ako lang, ay ayoko po! Kasi ano… pag kasama tropa, sige,” paglinaw niya.

Kahit daw may allowance siya every day, hindi siya sasama kung mag-isa lang siya na isasama ng bading abroad.

“Siguro kung may kasama ako na tropa sana.”

Dati na siyang nakakatanggap ng indecent proposals mula sa mga gays thru text pero hindi niya pinapansin.

“Pero ngayon wala na, nagpalit na ako ng number, e.”

Ayaw munang rumampa ni Dion para sa Cosmo Bash.

“Kasi po hindi rin consistent yung pagbubuhat ko, e.

“Ewan... siguro kailangang kumuha na ng trainer talaga kasi yung mga nakikita kong maganda katawan talagang may trainer sila e, nakikita ko sa Gold’s Gym, e.

“May mga trainer sila so mas may focus,” banggit niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayon raw, in-between tapings ay magpapakaseryoso na siya sa pagwu-work-out.

ON THE ROCKS. Ni-reveal naman ni Dion na on-the-rocks ang relasyon nila ng non-showbiz girlfriend niya of two years.

Pangalawang GF niya ito; una ay isang doktora, ngayon ay isang Respiratory Therapy student.

Bakit nasabi niyang nagkakalabuan na sila?

“Hindi, kasi busy siya, busy rin ako. Nag-aaral siya ulit, tumigil siya e, tapos ako nagtatrabaho. Ewan ko, basta medyo malabo,” malungkot niyang saad.

CRUSH ON YASMIEN. Hindi raw niya naging GF si Yasmien Kurdi na nagbalik sa GMA via Anna KareNina.

“Nagkagusto ako pero sa akin lang. Crush ko siya pero parang akin lang yun, hindi ko sinasabi pag ganun, e.”

Ngayon, malalaman na ni Yasmien.

“E, di sige,” sabay tawa ni Dion.

Hindi naman daw siya nasaktan noong nag-asawa at nagka-anak si Yasmien.

“Natuwa ako dahil matagal na sila, e... tapos sila yung nagkatuluyan. E di totoo talaga yung nararamdaman nila sa isa’t isa.”

NOT YET READY TO SETTLE DOWN. May mga asawa at anak na ang mga ilan sa mga kapwa niya taga-StarStruck; hindi ba siya naiinggit?

“Hindi po kasi masarap yung ano... ayoko yung sakal, e... ayoko pa.”

Kapag may asawa at anak na ba ay nasasakal na?

“Hindi ano, kunwari mga tropa, ‘Tara, dito tayo!’

“Hindi ko na magagawa yun, ‘Ay, pass na ako brod, kasi aalagaan ko yung anak ko, e.’

“Ganun na, kaya ayoko pa talagang mag-asawa,” sabi pa ni Dion who is 27-years-old now.

Mabuti walang babae na lumalabas at nagke-claim na naanakan niya.

“Siyempre ano na ako e, pigil pa e, nag-e-enjoy pa kasi ako.”

Paano siya “nagpipigil?”

“Siyempre akin na lang yun,” at tumawa ang binata.

“Hindi, maganda yung discreet yung ano mo... na mabait pero matikas naman,” at muling tumawa si Dion.

TORPE. Walang naging karelasyon na artista si Dion.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ano ako e, medyo may pagka-torpe kasi ako... lalo na nung StarStruck siyempre galing akong probinsiya nun, di ba? Parang nahihiya ako.”

Nagkikita pa rin sila ng mga ka-batch niya sa StarStruck.

“Nag-reunion kami last time, nag-dinner lang.

“Yung una videoke, hindi ako umabot kasi may show ako sa Ilocos.

“Yung dinner dumating ako, nakasama na ako.

“Okay naman, masaya!” pag-amin ni Dion.

CONTRACT RENEWAL. Pipirma ng bagong kontrata si Dion sa GMA.

Aniya, “Guaranteed na, parang siguro sa isang taon meron akong isa o o dalawang shows, parang ganun.”

Nagsimula siya sa GMA noong 2004, so nine years na siyang loyal Kapuso artist.

“Dapat ganun.”

Ang iba naman ay lipatan ng lipatan.

“Oo nga. Bakit kaya sila lumilipat? Ang ganda-ganda dito sa GMA!” pagmamalaki niyang pangwakas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN