Valerie Concepcion returns to GMA-7 after six years

“Bilang breadwinner and single parent, kailangan nating magtuluy-tuloy ng trabaho, so sige,” sabi ni Valerie Concepcion tungkol sa kanyang desisyon na bumalik sa GMA-7 pagkatapos ng anim na taon.


Muling nagbabalik si Valerie Concepcion sa orihinal niyang tahanan—ang GMA-7.

Sa Kapuso network nagsimula si Valerie noong 2002 sa pamamagitan ng soap opera na Ang Iibigin Ay Ikaw at youth-oriented show na Click.

Noong 2007 ay ginawa siyang bida sa pamamagitan ng afternoon soap na Sinasamba Kita, ngunit bigla siyang inilipat ng kanyang manager na si Becky Aguila sa ABS-CBN.

Ito ay noong kasagsagan ng nakakagulat na paglipat sa Kapamilya network ng dating Kapuso prized talent na si Angel Locsin, na alaga rin ni Becky.

Ngayon, pagkatapos ng anim na taon ay nagbabalik sa GMA-7 si Valerie sa pamamagitan ng remake na Anna KareNina, kunsaan gaganap siya bilang kontrabida.

Ano ang pakiramdam na nagbalik na siya sa Kapuso network?

Nakangiting pahayag ni Valerie, “Of course, masaya po ako to be reunited sa network kung saan po ako nagsimula.”

Bakit siya nagdesisyong bumalik?

“Actually, nagkaroon po talaga ng offer, ang Anna Karenina, so yun po.”

Ito ba talaga ang dahilan? Bago kasi ang kanyang pagbabalik sa GMA-7 ay may mga lumabas na balitang sa TV5 siya lilipat.

Sabi naman ni Valerie, “Wala pong mga ganoon.

“Bale after po ng last show ko sa ABS [Dugong Buhay], bigla nga pong ‘eto, in-offer-an ako ng show sa GMA.

“Bilang breadwinner and single parent, kailangan nating magtuluy-tuloy ng trabaho, so sige.”

Kumusta naman ang naging pagtanggap sa kanyang muli sa Kapuso network?

“Actually, nakakatuwa nga ho. Kung paano ang inalisan ko dati, ganoon pa rin sila kababait ngayon.

“Tapos, sobra po silang maasikaso, sobrang okay po,” sabi niya.

Na-miss ba niya ang mga taga-GMA?

“Ay, opo… kahit naman dati.

"Kapag nakakakita ako, nakakasalubong ako na mga taga-GMA, sinasabi nila, ‘O, sana makatrabaho ka namin ulit.’

“’Opo naman.’ Kasi, wala rin naman kaming naging bad blood dati.”

Pinag-isipan ba niya nang matagal ang pagbabalik ba niya sa Kapuso network?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Valerie, “Well, pinag-isipan in the sense na big move nga po.

“Pero sabi ko nga, it’s my chance na after seven or six years na makabalik po dito sa Kapuso network, ‘eto na po ang chance na yun.

“Kaya talagang grinab [grabbed] na rin po namin ang opportunity.”



COMFORTABLE WORK. Naging magaan at maayos naman daw ang pagte-taping niya para sa una niyang proyekto sa GMA-7, ang Anna KareNina.

Lahad ni Valerie, “Working with Direk Gina Alajar, sobrang gaan po.

“Actually, yung last soap ko po sa GMA, ang Sinasamba Kita, nanay ko po siya doon.

“Ngayong nagbalik na ako, siya naman po ang director.

"So, magaan po siyang katrabaho. Very specific sa gusto niya.

"So, alam mo kung ano ang kailangan sa eksena. Alam mo kung ano ang ine-aim sa eksena kasi sinasabi niya pong talaga.”



MOTHER ROLES. Bago umalis si Valerie sa GMA-7 ay lead star na ang estado niya, ngunit sa pagbabalik niya ay supporting role ang ibinigay sa kanya at mother role pa.

Pero wala raw kaso ito kay Valerie.

“Sabi ko nga po sa sarili ko, as an actress, ayoko ng parang mamili ako ng role.

“Na… gusto ko puro kontrabida o gusto ko puro mabait o ganyan.

“Gusto ko po, iba-ibang role ang gagampanan ko na tatanggapin ko po.”

Tila nalilinya na talaga siya sa pagiging kontrabida. Gusto niya ba talaga ang ganitong role?

“Oo,” nakangiti at mabilis niyang sagot.

Dugtong pa ni Valerie, “I don’t know, but I find it really interesting na ako, as a person, very bubbly, tawa nang tawa, palaging naggi-giggle, tapos yung mga role na nabibigay sa akin, mga kontrabida.

"So, challenge for me.”

Pero kung siya ang tatanungin, gusto raw ni Valerie na mag-host muli gaya ng ginawa niya sa Wowowee ng ABS-CBN noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “I miss hosting. Kung mabibigyan ng pagkakataon na mag-host ulit, bakit hindi?”



MAJOR DECISION. Noong lumipat si Willie Revillame mula ABS-CBN papuntang TV5 noong 2010 ay nabalitang pinag-iisipan din ni Valerie na sumunod dito, pero hindi siya natuloy.

Ano nga ba ang nangyari dito?

Sabi ni Valerie, “Naku, sa totoo lang, malaki rin po ang naitulong ni Kuya Willie sa career ko.

“Talagang yun ang pinaka-prime ko, yung Wowowee days.

“And kumbaga, kung lumipat man ako or sumama ako sa kanya sa Singko [TV5], hindi rin naman natin alam kung ano ang mangyayari o kung anuman ang nangyari—hindi ko ho yata masasagot yun.”

Nag-announce na si Willie na ipapahinga muna sa ere ang kanyang programa sa TV5 na Willing Willie.

Nagpapasalamat naman si Valerie sa ABS-CBN dahil inalagaan siya sa loob ng halos anim na taon.

Sa ngayon ay wala siyang network contract sa Kapuso. Mas gusto ba niyang freelancer siya?

Tugon niya, “Hindi ko po alam, e.

“Mas maganda po siguro kung manager ko na lang ang sumagot sa tanong na ‘yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN