Jodi Sta. Maria says son Thirdy knows about his dad’s baby with Iwa Moto

“Of course, he’s aware naman na, eventually, magiging kuya na siya,” sabi ni Jodi Sta. Maria nang tanungin kung alam ng kanyang anak na si Thirdy na magkakaroon na ito ng kapatid sa ama. Nagdadalang-tao kasi ngayon ang girlfriend ni Pampi Lacson, estranged husband ni Jodi, sa aktres ding si Iwa Moto.


Solong humarap sa press ang aktres na si Jodi Sta. Maria sa presscon para sa bagong endorsement nila ng kanyang anak na si Thirdy Lacson last week sa isang restaurant sa Quezon City.

Paliwanag ng Kapamilya actress, nasa Europe kasi ang kanyang anak kasama ang ama nitong si Pampi Lacson.

Bago ito, nakasama naman ni Jodi si Thirdy sa US tour ng kanyang hit teleserye na Be Careful With My Heart.

Nakangiting sabi ni Jodi tungkol sa pagbibiyahe ng anak, “Pero ako, natutuwa naman ako that Thirdy gets to travel a lot.

“I really want him to grow up cultured and educated.”

Nagkataon naman daw na hindi pa pasukan ng anak sa eskuwelahan kaya puwede pa itong magbakasyon.

“Medyo strict tayo when it comes to absences. Hindi puwedeng a-absent para lang sa bakasyon. Kailangan may valid reason,” sabi niya.

Ikatlong endorsement na ng mag-inang Jodi at Thirdy ang Purefoods Fun Stuff Nuggets. Pero paglilinaw ng aktres, pagdating sa endorsement o commercial ng anak ay pinag-uusapan daw nila ito ni Pampi kahit hiwalay na sila.

“Siyempre, kailangan din naman, bilang siya ang ama ng anak ko. Kailangan din naman na may say siya, di ba?

“And of course, mutual ang decision.

“Pati rin naman kay Thirdy, we ask him if he wants to do a certain project.

“Kapag okay sa kanya, e, di okay. Kapag hindi, e, di hindi.”

Pero sa ngayon, wala pa naman silang natatanggihang project.



THIRDY’S BABY SISTER. Si Thirdy ang nag-iisang anak nina Jodi at Pampi. Pero magkakaroon na ng kapatid si Thirdy dahil nagdadalang-tao ngayon ang girlfriend ni Pampi na si Iwa Moto.

Nababanggit ba noon ni Thirdy sa kanya na gusto na nitong magkaroon ng kapatid?

Sabi ni Jodi, “Well, before, sabi niya na gusto niya ng baby brother. Sabi ko, hindi pa time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And then, he said, sige, bibili na lang daw siya sa supermarket. Akala niya nabibili!”

Alam naman daw ni Thirdy na magkakaroon na ito ng kapatid sa kanyang ama.

“Of course, he’s aware naman na, eventually, magiging kuya na siya.”

Ano naman ang reaksiyon ni Thirdy?

“Ayun, okay naman sa kanya na magiging kuya na siya.”

Kinumpirma naman ni Jodi na baby girl ang magiging kapatid ni Thirdy sa ama.



NO PROPOSAL YET. Sa isang banda, masaya na rin si Jodi sa piling ng kanyang boyfriend na si Jolo Revilla.

Ngunit nilinaw ng aktres na walang katotohanan ang lumalabas na balitang magpapakasal na raw sila ni Jolo.

Saad ni Jodi, “Hindi, walang ganoon.

“Ewan ko nga kung saan nanggaling ang kasalang isyu na ‘yan. Kasi, nakita ko lang talaga siya, nasa tour kami.

“Wala pa, grabe naman!”

Maging ang pagtu-tweet sa kanya ni Jolo ng “Pls. call me” na may kasamang smiley face sa dulo ay iniintrigang proposal na yun mula sa boyfriend.

Natatawang sabi ni Jodi, “Proposal ba yun? Hindi, hindi… kasi, di ba, malayo naman talaga ang time difference.

“Noong nasa [Be Careful With My Heart] tour kami, iba-iba ang time talaga. Five different time zones ang pinasok namin.

“Kaya hindi na rin siguro niya malaman kung nasaang lugar ako.”

Natawa naman si Jodi nang tanungin kung ang dahilan ba kaya hindi pa sila ikakasal ni Jolo, bukod sa hindi pa nagpu-propose sa kanya ng kasal ang actor-politician, ay dahil may hinihintay pa siya—ang annulment ng kasal nila ni Pampi.

Pero iwas na magbigay ng pahayag ang aktres.

“In time, sasagutin ko ‘yan…

“Basta, magpapatawag ako ng isang bonggang presscon!” natatawa niyang sabi.

Dugtong pa ni Jodi, “I mean, you know me naman, when it comes to those things, I’m really uncomfortable talking about—yung mga ganitong bagay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I want to live din that part of my life na private.

“Kasi, di ba, sa aming mga artista, exposed na nga kami sa lahat, di ba?

“I hope you guys understand.”

Pero si Jolo, open naman tungkol sa kanilang dalawa.

Ayon kay Jodi, “Hindi ko naman siya maku-control sa mga bagay na gusto niyang gawin.

“If he wants to express his love, wala naman akong magagawa doon.”



JODI AS MAYA. Hindi naman maitatanggi kung gaano kasikat ngayon ang karakter ni Jodi bilang si Maya sa ABS-CBN daytime series na Be Careful With My Heart.

Bukod sa hectic schedule niya ngayon, ano pa ang nabago sa kanya magmula nang maging successful ang kanilang soap opera?

Sagot ni Jodi, “Well, siguro, I think, outlook sa buhay.

“Kasi, kahit ako, natututo ako kay Maya. I’m learning a lot from her character.

“Kasi, siya talaga, si Ms. Positivity yun.

“Kahit gaano na kapangit ang isang sitwasyon, isang bagay, she still sees na may maganda pa rin na idudulot ang situation na yun.

“So, that way, may natutunan din ako.”

Mas nararamdaman ba niya ngayon ang kanyang kasikatan?

“Alam mo, this is something that temporary. Siguro yun na lang ang iniisip ko.

“Siguro, mas na-appreciate lang ako now ng mga tao bilang actor.

“Pero I’m still the same person. I still do the same thing. So, yun.”

Hindi naman itinanggi ni Jodi na dumami ang endorsements niya dahil sa popularidad ng kanilang programa.

Pero sabi niya, “Ang fame ang isang bagay na hindi mo dapat inilalagay sa ulo mo. Kasi, it’s not permanent.

“Everything, wala namang permanent sa mundo—change lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN