Charice on admitting she is a lesbian: “As in bumalik ako sa pagkabata... as in malaya ako na walang problema!”

Parang bumalik daw sa pagkabata si Charice nang sa wakas ay aminin na niya ang kanyang tunay na pagkatao. Sabi niya, “Alam mo, para akong batang gusto ko agad lumabas, tapos magtatalon, tapos, ’Sige, halika, party-party na tayo!’"


Isang araw matapos ipalabas sa telebisyon ang kanyang pag-amin na isa siyang lesbian, sinabi ni Charice na parang nasa “cloud nine” siya dahil sa wakas ay nakalaya na siya sa mga intriga at ispekulasyon tungkol sa kanyang kasarian.

Sa ulat ng InterAksyon.com ngayong araw, June 3, sinabi ni Charice na parang bumalik siya sa pagkabata.

“Alam mo, para akong batang gusto ko agad lumabas, tapos magtatalon, tapos, ’Sige, halika, party-party na tayo!’

“As in bumalik ako sa pagkabata... as in malaya ako na walang problema!”

Naganap ang panayam ng media kay Charice sa charity event nito kaninang hapon sa dati niyang eskuwelahan, ang Gulod Elementary School sa Cabuyao, Laguna.

Nagsagawa ang singer ng gift-giving at libreng pagupit sa mga bata.

Ito ay bahagi raw ng kanyang pasasalamat sa kanyang paaralan, kung saan dito raw niya nalaman na iba ang kanyang sexual preference.

Natatawa niyang sabi, “Maraming alaala, mga naging crush ko… chos!”

Pag-amin pa niya, bata pa lang siya ay alam na niya kung ano siya.

“Five years old po ako nang ma-realize ko,” sabi ni Charice.

COMING OUT. Ano naman ang nagtulak sa kanya upang magsalita na pagkatapos ng ilang buwan din siyang hinahanapan ng kasagutan ng media at ng publiko?

Kuwento niyang natatawa, “May naririnig kasi ako sa ibang tao na ‘Gano’n kaya siya? Shivoli bang bang kaya siya?’

“Kahit naririnig ko yun, na-feel ko na okay naman sa kanila.

“So, sa mga reaksiyon nila na di pa nila alam pero ’andun pagtanggap nila, it’s about time, sabi ko.”

Inamin ni Charice na ang kanyang pagpapaiksi ng buhok at pag-iiba ng hitsura noong isang taon ay unang hakbang sa kanyang pagka-“come out.”

Sabi niya, “Ang bigat sa feeling.

“Ang dami ko nakikitang negative comments… nalilito sila.

“After nun, naiyak ako after ginupitan ng buhok ko… parang yun kasi yung first step to freedom.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya naman daw siya na pagkatapos niyang magsalita sa The Buzz ay nakatanggap siya ng maraming papuri, lalo na sa social media, hindi lamang mula sa Pilipinas kundi maging sa buong mundo.

Saad niya, “Talagang lahat po, yung iba taga-L.A. [Los Angeles], Rhode Island… lahat, iba-iba.

“Nanood sila, talagang sinabayan nila dito sa Philippines, livestream, kaya po nag-trending ako.”

Dagdag pa ni Charice, hindi naman niya itinago ang kanyang pagiging tomboy sa mga taong malalapit sa kanya— kahit na sa kanyang mentors na sina Oprah Winfrey at David Foster.

Nagsabi pa nga raw ito sa kanya na proud sila at sinusuportahan siya ng mga ito hanggang ngayon.

Kuwento niya, “Basta po ang lagi nilang sinasabi sa ‘kin, especially nung nag-come out po ako sa kanila…

“Na-touch lang po ako kasi talagang sabi lang nila sa ‘kin, ‘We’re proud of you.’”

MOMMY RAQUEL. Samantala, inamin ni Charice na hanggang ngayon ay hindi pa maayos ang relasyon niya sa kanyang ina na si Raquel Pempengco, kahit na inamin na niya dito three years ago ang kanyang tunay na kasarian.

Talagang kinunfirm [confirmed] ko po sa kanya nung eighteen po ako.

“Sobrang hirap nun kasi nasa US ako, nandito siya. Sobrang takot ko.

“Na-accept ko na, na baka maybe years bago niya fully matanggap.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN