Charice on rumored girlfriend Alyssa Quijano: “She’s like my everything.”

Charice on her detractors: “Hayaan mo na sabihin nila at makita nila. Di ko naman kailangan gumising araw-araw at sabihin sa kanilang may ganito ako, may ganyan ako.”


Sabay na humarap sa media kaninang hapon, June 3, si Charice at ang sinasabing kasintahan ng international singing sensation na si Alyssa Quijano.

Ayon sa report ng InterAksyon.com, suot ng dalawa ang kanilang magkaparehong singsing na simbulo raw ng kanilang commitment sa isa’t isa.

Sabi ni Charice tungkol kay Alyssa, “She’s like my everything.”

Namula pa raw si Charice habang ikinukuwento ang nakasulat na tattoo sa ibabaw ng kanyang dibdib na inihahandog daw niya kay Alyssa: “LET’S START WITH FOREVER.”

Halaw raw ang mga linyang ito sa pelikulang The Twilight Saga: Breaking Dawn – Part 1 kung saan sa wedding toast nina Edward Cullen (Robert Pattinson) at Bella Swan (Kristen Stewart) ay sinabi ni Edward na, “No measure of time with you will be long enough, but let’s start with forever.”

Ikinukunsidera raw ni Charice si Alyssa hindi lamang girlfriend kundi "kapatid" at "best friend."

Saad niya, “Siya na kapatid ko nagbibigay ng advice sa ‘kin… best friend ko…

"Iba talaga, ang tagal namin magkakilala.”

Ayon sa mga nakaraang interview ni Charice, nagkakilala sila ni Alyssa noong mga bata pa sila sa mga singing contest.

Nagkita silang muli nang mag-audition noong isang taon si Alyssa, kasama ang all-female group na A.K.A. JAM, sa The X Factor Philippines, kung saan naging judge/mentor si Charice.

Sa interview nila kanina, sinabi ni Alyssa na compatible sila ni Charice sa maraming bagay.

“Marami, e… lahat ng bagay magkasundo kami,” sabi ng baguhang singer.

Ayon naman kay Charice, nagsimula na siyang mag-record ng kanyang pangatlong album sa bansa na karamihan daw ay cover songs na naglalarawan sa masalimuot na bahagi ng kanyang buhay.

Dagdag niya, “Gusto ko i-record ang mga favorite songs ko na gagawan ko sariling version. Since na-discover ako doing covers, I wanna do that.”

Kinontra rin ni Charice ang batikos ng ilan na tapos na ang kanyang career dahil sa pag-amin nito sa tunay niyang kasarian.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Katunayan nga raw, malapit na siyang umalis ng bansa para sa nakatakda niyang "Hollywood project." Meron din daw siyang offers mula sa Japan, Australia, at Russia.

Sabi pa ni Charice, “Hayaan mo na sabihin nila at makita nila.

"Di ko naman kailangan gumising araw-araw at sabihin sa kanilang may ganito ako, may ganyan ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN