Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo dismiss separation rumor: "It’s not something we really think about."

" data-url="https://www.pep.ph/news/38946/judy-ann-santos-and-ryan-agoncillo-dismiss-separation-rumor-its-not-something-we-really-think-about" data-desc="Ryan Agoncillo: "We have our own set of problems. And it’s not related to showbiz at all."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8aff12af.jpg">

Hindi raw pinuproblema ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang kumakalat na balitang hiwalay na raw sila at nasa proseso na raw ang kanilang annulment. Ayon kay Ryan, “To be honest, there’s no handling to be done. Kasi, mas malaki kasi ang problema namin. Like, paying the bills, raising our kids properly, yung grades ni Yohan—yun ang problema namin, e."

Pagkatapos ng dalawang taon ay muling nagbabalik sa paggawa ng teleserye si Judy Ann Santos sa pamamagitan ng Huwag Ka Lang Mawawala ng ABS-CBN.

Sabi ng aktres sa live interview niya sa The Buzz noong Linggo, June 2, “Dalawang taon akong hindi gumawa ng teleserye, although gumawa ako ng pelikula.

"Pero yung mga ginawa kong pelikula, comedy lahat—House Husband and Enteng [Si Agimat, Si Enteng Kabisote, At Si Ako].

"Yung Mumunting Lihim, comedy rin yun, pero may slight na mirroring life din ang Mumunting Lihim.

“Pero ito talaga [Huwag Ka Lang Mawawala] yung all-out drama, so kailangan kong anuhin yung sarili ko, yung kaba, kapag may breakdown scene.

"Ibang klase na ngayon, hindi katulad dati na kapag pumitik, kaya mong lumuha.

"Ngayon, mahirap, kasi masaya ka...

“Lahat na, pinatay mo na, pero masaya ka pa rin... hindi puwede, e.”

INTRIGUES. Sabi ng host ng programa na si Boy Abunda, ang downside daw ng showbiz industry, kahit masaya ka ay may mga intriga pa rin.

Sa kaso ni Juday (palayaw ni Judy Ann), napipikon pa ba siya sa mga intriga?

Sagot ng aktres, “Kahit naman noon, Kuya Boy, hindi ako napipikon.

"Kahit noong mga lumalabas ang mga balitang ’mataba, siopao, cabinet,’ hindi naman. Naiiyak ka lang.

"Kasi, parang bata ka. Parang, ’Puwedeng konting time naman, guys.’

"Bata pa lang ako, may baby fats. Hindi puwedeng pagbigyan?

“Pero ngayong tumanda ka na, ilang dekada ka na sa industriya, tumanda ka na rin na may mga tao at may mga tao talagang sadyang gagawa ng isyu para lang, period.”

Sabihin man na walang katotohanan yung mga isyu ngayon sa kanila ng asawa niyang si Ryan Agoncillo, pero saan ba siya "pumipitik"?

“Wala na,” sagot ni Juday.

“Sa totoo lang, wala na, ha.

"Sige na nga, kung masaya kayo sa buhay ninyo, bahala kayo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako pa ba? Ako pa ba naman ang mabubuwisit?

"Napaka... baka naman sabihin ng Diyos sa akin, ’Anak, konti lang ’yan, nabuwisit ka pa? Ibigay mo na sa kanila ang happiness nila.’

“So, dedma na."

Dagdag ng Kapamilya actress, “May napanood nga akong SIR [Showbiz Inside Report] last week. Sabi ni Zoren Legaspi, ’Hindi totoong when there’s smoke, there’s fire.’ Di ba?

"Kasi, dito sa industriya natin, kadalasan puro usok, wala talagang apoy. Yung usok, nanggagaling sa kung saan.

“Nakakabili yata sila ng smoke effects sa kung saan-saan para na lang magkaroon sila ng ginagawa!

“Nakakaaawa rin sila, Tito Boy. Nakakaawa naman kayo, bored siguro kayo sa buhay ninyo.”

RYAN & JUDAY. Sa puntong ito, nasorpresa naman ang ang mga tao sa studio nang tawagin ni Boy ang mister ni Juday na si Ryan Agoncillo upang makapanayam din kasama ng kanyang asawa.

Nang batiin ni Boy si Ryan na ang guwapo raw nito ngayon, si Juday ang unang sumagot at natatawang sabi, “Maganda ako, e!”

Sabi naman ni Ryan, “Magaling mag-alaga, e.”

Ayon kay Boy, sina Juday at Ryan daw kapag nasa abroad ay walang ginawa kung hindi ang "mag-outfit."

Sabi ni Juday, “Oo, kasi doon lang namin nagagawa na nag-a-outfit ka, pero walang mamimintas sa ‘yo.”

Ngayong taon, ano ang nabawasan o nadagdag sa kanilang dalawa?

“Taba—nabawasan,” nakangiting sagot ni Ryan.

Ano nga ba ang ginagawa nila?

“Ano lang, mahirap na, e. Kailangang sabayan,” sabi ni Ryan patungkol kay Juday.

Kuwento pa niya, “Naispatan ko kasi, medyo last year nagkabanggaan sa CR sa umaga, nagsisipilyo sa umaga, sexy...

"Sabi ko, ’Kailangang habulin. Nakakahiya.’”

Paano nagagawa ni Ryan na gawing balanse ang pagiging public figure niya at padre de pamilya?

Sagot ng TV host, “I guess it helps na si Juday, hindi rin naman siya yung tipong artista rin sa bahay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"We have our own set of problems. And it’s not related to showbiz at all.

"It helps na being parents, ang pinoproblema namin, yung pag-raise ng pamilya.

“So, it grounds us dahil kahit anong klase o ganda ng araw mo, feeling mo you’re superstar, pag-uwi mo ng bahay, pantay-pantay. Nagpapatulog pa rin kami ng bata.

"No matter how successful your day, pag-uwi mo, yung mga anak mo pa rin ang uuwian mo—and that pretty much ground us.”

SEPARATION RUMOR. Paano nila hinaharap ang isyung kesyo hiwalay na raw sila at inaayos na raw nila ang kanilang annulment?

Sabi ni Ryan, “To be honest, there’s no handling to be done.

"Kasi, mas malaki kasi ang problema namin. Like, paying the bills, raising our kids properly, yung grades ni Yohan—yun ang problema namin, e.

“’Etong mga ‘to, naaalala lang namin, like last week, during Sunday lunch, my sister-in-law pulled me and asked me, siya na ang napu-frustrate kasi she kept asking a lot.

"Kami naman kasi, we don’t get encountered by questions every day. Because people we work with, they know the real situation.

"So, it’s not something we really think about.

"It’s something we read in the Internet just like with you guys. It’s something that get passed on ng mga tsismosong kapitbahay, so hindi siya totoo para sa amin.”

Paano sila nagre-react kung may nababasa silang “ridiculous” talaga?

Sagot ni Juday, “May time lang na dumating ako from work, maaga akong dumating sa taping, nag-i-Internet siya [Ryan].

"Sabi ko, ’Annulled na raw tayo. Tingnan mo nga. Nandito raw sa article na ‘to, check mo nga, annulled na nga ba tayo?’”

ON PRIVACY. Paano naman nila napapanatili ang kanilang privacy sa kabila ng celebrity status nila?

Ayon kay Juday, “Sa tingin ko, nakuha na lang namin ang respeto ng tao na...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang we’ve been open naman with everybody for the past years na bago pa kami magkakilala ni Ryan... hanggang sa nag-asawa kami.

“Parang nanabang na rin siguro sila sa paghahabol na, ’Hay naku, itong dalawang ito!’

"So, siguro, yung respeto na rin and you invest with the right relationship with people.

“Actually, we’re very thankful sa kanilang lahat.

"It’s not naman very often na naiintindihan ng mga tao ang buhay ng mga artista, di ba?”

Sabi naman ni Ryan, “Ang nangyayari kasi sa mga artista ngayon, parang privacy is a privilege, not a right.

"You tend to maintain a good relationship in order to have that privilege also.”

Ano ba ang sikreto ng pagkakaroon ng successful marriage?

Sagot ni Ryan, “Well, she’s [Judy Ann] very patient. She’s incredibly patient.

"I don’t think na magsu-survive yung relationship kung wala yung part na yun sa kanya.”

Sabi naman ni Juday, “Patient and understanding, kailangan yung dalawang part na yun.

"Kung isa lang kasi, hindi magwo-work yun. Kailangan pareho palagi kayo.

"Kung may isang matinding emosyon, kailangang may isang hindi.”

Pero hinahayaan din nila ang mga sarili nilang mag-away?

“Ay, oo,” parehong sagot nina Ryan at Juday.

Hindi naman sa harapan ng mga anak nila?

Sagot ni Ryan, “Never in front of anyone else.

"As much as possible, mahalata man ng mga kasama ninyo sa bahay or friends ninyo na medyo may isyu, as much as possible, no words, no looks, no remarks thrown.

"Kahit na pikon na pikon ka na, pigil-pigil.”

Dagdag naman ni Juday, “Love and respect, importante yun.

“At importante, yung nakukuha ninyo yung pagkakataon na tumawa and be together. Tawa lang kayo.

"Bagets lang kayo ng araw na ‘to. Alis tayo, date tayo. Pero pagdating ninyo ng bahay, patulog ulit kayo ng bata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

" data-url="https://www.pep.ph/news/38946/judy-ann-santos-and-ryan-agoncillo-dismiss-separation-rumor-its-not-something-we-really-think-about" data-desc="Ryan Agoncillo: "We have our own set of problems. And it’s not related to showbiz at all."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8aff12af.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/38946/judy-ann-santos-and-ryan-agoncillo-dismiss-separation-rumor-its-not-something-we-really-think-about" data-desc="Ryan Agoncillo: "We have our own set of problems. And it’s not related to showbiz at all."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8aff12af.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/38946/judy-ann-santos-and-ryan-agoncillo-dismiss-separation-rumor-its-not-something-we-really-think-about" data-desc="Ryan Agoncillo: "We have our own set of problems. And it’s not related to showbiz at all."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8aff12af.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/38946/judy-ann-santos-and-ryan-agoncillo-dismiss-separation-rumor-its-not-something-we-really-think-about" data-desc="Ryan Agoncillo: "We have our own set of problems. And it’s not related to showbiz at all."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8aff12af.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/38946/judy-ann-santos-and-ryan-agoncillo-dismiss-separation-rumor-its-not-something-we-really-think-about" data-desc="Ryan Agoncillo: "We have our own set of problems. And it’s not related to showbiz at all."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8aff12af.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/38946/judy-ann-santos-and-ryan-agoncillo-dismiss-separation-rumor-its-not-something-we-really-think-about" data-desc="Ryan Agoncillo: "We have our own set of problems. And it’s not related to showbiz at all."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8aff12af.jpg">

" data-url="https://www.pep.ph/news/38946/judy-ann-santos-and-ryan-agoncillo-dismiss-separation-rumor-its-not-something-we-really-think-about" data-desc="Ryan Agoncillo: "We have our own set of problems. And it’s not related to showbiz at all."" data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/c8aff12af.jpg">

WE RECOMMEND

FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK

SPONSORED CONTENT

COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN