Kris Bernal and Carl Guevera on status of their relationship: "Mutual understanding."

Bagamat madalas makitang magkasama sina Carl Guevara at Kris Bernal, iginiit ng dalawang Kapuso stars na hindi pa sila. Ayon sa dalawa, "mutual understanding" pa lang ang namamagitan sa kanila.


Kagagaling lang sa Singapore nina Carl Guevara at Kris Bernal para magbakasyon.

Ang biyaheng ito ang birthday gift ni Carl kay Kris, na nagdiwang ng kanyang 24th birthday noong May 17.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sina Carl at Kris sa birthday party ng PEP contributor na si John Fontanilla noong Linggo ng gabi, June 2, sa R Bistro, Timog Avenue, Quezon City.

MUTUAL UNDERSTANDING. Una munang kinausap ng PEP si Carl. Tinanong namin sa kanya kung ano na ang status nilang dalawa.

Sagot ng Kapuso hunk, “Parang M.U. [Mutual Understanding]... siguro malapit na dun.

“Pero ayaw ko naman siyang puwersahin at tanungin na, ‘Ano, kailan ba tayo?’

“Siyempre, mas ini-enjoy ko kung ano’ng meron kami ngayon. Enjoy naman sa amin, e.

“Basta ako, hindi naman nakikipag-date sa iba, hindi naman ako nakikipag-usap sa ibang babae.

“Siya rin, pakiramdam ko, hindi naman nakikipag-date sa ibang lalaki.

“Palagay ko, parang M.U. na.”

Na-enjoy naman daw ni Carl ang ibinibigay na time ni Kris sa kanya, lalo’t sa August pa ang next show ng young actress sa GMA-7.

Ngayong June ay mag-iisang taon na raw silang close ni Kris.

Ano ang reaksiyon ni Carl sa sinasabi ng iba na pinapasakay lang nila ang mga tao dahil ang totoo raw ay magkarelasyon na talaga sila?

Paliwanag naman ni Carl, “Hindi, katulad nga nito, kung hindi kami aamin, e, bakit nakikita n’yo naman kami na magkasama, di ba?

“So, yung pag-amin na lang ang kulang.

“Hindi naman kami lalabas na makikita n’yo tapos hindi kami aamin, di ba?

“Ang totoo kasi, wala pa naman talaga.”



NOT OFFICIAL YET. Sabi naman ni Kris Bernal, mas open na siya ngayon kaya madalas na silang nakikitang magkasama ni Carl.

Pero paglilinaw niya, “Pero it doesn’t mean na kami or may relasyon kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi naman sa ganoon, pero kasi na-appreciate ko lahat ng effort niya.”

Ano ang reaksiyon ni Kris sa deskripsiyon ni Carl sa relasyon nila na “MU... na malapit na”?

Sabi ni Kris, “Hindi ko rin masasabi na almost there, e—medyo malayo pa. Pero siguro we enjoy each other’s company.

“Basta sabi ko, ‘Steady muna tayo, ganito muna tayo.’

“Ayaw ko munang pumasok sa isang relationship. Ayaw kong may iniisip akong iba, alam mo yun, na mahahati ang attention ko sa trabaho, sa pamilya ko, tapos may boyfriend ako.

“Ang focus ko, pamilya ko at saka trabaho ko.

“Pero siya [Carl], naiintindihan niya at maghihintay lang daw siya.

“Hindi ko naman siya dine-deadma. Sabi ko, nandito lang naman ako.”

Yung salitang “nandiyan lang ako,” ibig sabihin may pag-asa si Carl?

“Oo,” pag-amin ni Kris.

“Sa ngayon naman, masasabi ko may pag-asa naman siya.

“Pero sabi ko, right timing lang, kasi ngayon talaga, hindi pa ako ready.”

Hindi kaya nililigaw lang nila ang publiko at mag-on na talaga sila?

Saad ni Kris, “Siguro nasasabi nila kasi nakikita nila kami na magkasama palagi.

“Pero sa totoo lang, nagkakataon na nagyayaya siya tapos saktong may event, ganoon.

“Pero binibigyan ko naman siya ng oras lalo na ngayon na hindi ako busy. Wala akong ginagawang soap.

“So, nabibigyan ko talaga siya ng oras.”

So, mag-M.U. lang talaga sila?

“M.U. lang kami, walang kiyeme!” natatawa niyang sagot.

“Kasi kung meron naman talaga kaming relationship, kung mag-boyfriend kami, hindi ko naman itatago yun.

“Kasi, unang-una, ba’t ako matatakot, e, yung loveteam namin ni Aljur [Abrenica]…

“Kung umamin siya [kay Kylie Padilla], anong dahilan para hindi ko aminin yung sa akin, di ba?

“Pareho lang naman kami na galing sa loveteam din.

“Pero sa ngayon talaga, wala pa,” diin ng Kapuso young actress.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SINGAPORE TRIP. Bakit siya pumayag na sumama kay Carl sa Singapore kahit hindi pa sila?

Sabi ni Kris, “Yun nga, e, siyempre sabi ko, ‘Hindi ako papayag na ako lang.’

“Sabi ko, ‘Isama mo yung kapatid ko.’ So, isinama niya yung kapatid ko.

“Pero kung kaming dalawa lang, hindi naman ako papayag. Hindi ko naman yata carry yun.

“Hindi pa ako lumalabas out of the country kasama ang boyfriend or may kasama kang lover or someone, parang hindi pa.

“Wala naman siyang arte sa ganoon, isinama niya ang kapatid ko.

“At sagot niya lahat talaga ang Singapore trip namin!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN