Raquel Pempengco to Charice: "Kung ano man ang plano mo at desisyon na gustong gawin sa buhay mo, bahala ka na..."

Ipinaabot ni Raquel Pempengco ang kanyang mensahe para sa anak na si Charice sa pamamagitan ng Facebook, ilang araw pagkatapos umamin ng singer tungkol sa kanyang tunay na katauhan.


Idinaan ni Raquel Pempengco sa Facebook ang mensahe niya para sa anak na si Charice pagkatapos umamin ng singer na isa siyang lesbian.

Walang gaanong komunikasyon ngayon ang mag-ina dahil sa kanilang hidwaan. Umalis na rin si Charice sa poder ng kanyang ina at nakikitira ngayon sa isang pamilya sa Cabuyao, Laguna.

Nakakuha ng kopya ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng Facebook message ni Raquel mula sa isang source na nagpakilala bilang “Chaster”—tawag sa tagahanga ni Charice.

Naka-private ang FB account ni Raquel kaya kinumpirma muna ng PEP kay Robert Ybera kung totoo ngang sa ina ni Charice ang account na ito.

Si Robert ay malapit na kaibigan ni Raquel at ninong ni Charice sa binyag. Nasa listahan din ng friends ni Raquel sa Facebook si Robert kaya may access ito sa account ng ina ni Charice.

Kinumpirma naman ni Robert na galing nga kay Raquel ang mensaheng ipinadala ng isang source sa PEP.

Base sa mga pahayag ni Raquel, malinaw na hindi pa rin naaayos ang kung anumang gusot na namamagitan sa kanila ni Charice.

Narito ang buong mensahe ni Raquel para kay Charice:

“Marami nang nangyari sa pagitan nating mag-ina...

“Sa pagkakataon na ito, hahayaan na kita dahil ilang beses mo na ring ginawang talikuran ang iyong pamilya para sa kasiyahang hinahanap mo.

“Tinanggap kitang muli dahil anak kita at planong ayusin ang lahat, pero bakit umabot sa ganitong kailangang siraan at pasamain mo ang sarili mong INA para sa kalayaan at kasiyahan na sinasabi mong wala ka?

“Malaya ka naman mula nang tumuntong ka sa edad na 18, di ba? Kasi yun lang ang hinihintay mo...

“Ngayon, kung ano man ang plano mo at desisyon na gustong gawin sa buhay mo, bahala ka na...

“Huwag mo na lang sanang tanggalin ang pagiging Ina ko na nababalitaan ko na nagkapirmahan pa raw tayo sa pulis ayon kay MATA...(monet) na kinakalat diyan sa gulod.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung mag-succeed ka man o hindi, andito lang kaming pamilya mo para saluhin ka...Mahal na mahal ka namin…

“Nasa email mo rin ito, pinost ko ito just in case na hindi mo pagtuunan ng pansin na basahin katulad ng nakaraang araw, taon na lumipas...

“HINDI KO GINAGAWA ITO PARA MAKAKUHA NG SIMPATIYA NG IBANG TAO AT MAPABUTI SA IBA DAHIL HINDI KO KAILANGAN YUN PARA MAPASAMA NAMAN ANG MGA ANAK KO...KUNDI BILANG "INA" MO...

“HULING PAALALA KO NA TO SA ’YO... GOD BLESS YOU"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN