LJ Reyes says she and Paulo Avelino are "happy" despite separation rumors

“Well, hindi ko kasi… siyempre mahirap pong sumagot para sa ibang tao kahit na malapit po sa atin yung tao. Mahirap po sumagot para sa kanila. Kahit naman po siguro sino, hindi puwedeng… Hindi naman sa ipagtanggol, hindi ako puwedeng sumagot kahit anong tanong o anong issue for him, dahil hindi ako yun,” paliwanag ni LJ Reyes tungkol sa hindi magandang imahe sa press ng ama ng kanyang na si Paulo Avelino dahil sa pag-iwas nitong sagutin ang mga


Consistent pa rin si LJ Reyes sa pagsasabing “maayos” sila ni Paulo Avelino tuwing tinatanong kung hiwalay na ba sila.

Pero hindi siya makasagot ng "oo" o "hindi" kung magkasama pa rin sila sa isang bubong.

May usap-usapan kasing hiwalay na raw ang dalawa at umalis na raw si Paulo sa bahay ni LJ, kung saan sila nakatira kasama ang anak nilang si Ethan Akio.

“Maayos po kami,” sabi ni LJ Reyes nang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, June 2, sa birthday party ng reporter at talent manager na si John Fontanilla sa R Bistro, Timog Avenue, Quezon City.

Ibig bang sabihin ay sila pa rin?

“Basta po happy kami,” maikli niyang tugon.

BAD PRESS. Kung si LJ ay sumasagot kahit papaano tuwing tinatanong sa kanila ni Paulo, iba naman ang nararanasan ng mga taga-media tuwing tinatanong ang Kapamilya actor tungkol dito.

Kung hindi man umiiwas ay diretsahang sinasabi ni Paulo na ayaw niyang sagutin ang mga tanong tungkol kay LJ at sa kanilang anak.

Hindi ba nao-offend si LJ kapag umiiwas si Paulo sa press kapag tungkol sa kanya at sa anak nila ang pinag-uusapan?

“Siguro po gusto lang niyang may matira sa sarili niya na parang privacy, ganoon,” pagtatanggol ni LJ sa ama ng kanyang anak.

Hindi ba siya nasasaktan na imbes na ipagmalaki sila ni Paulo ay panay ang iwas nito sa mga tanong?

“Hindi po,” sagot ni LJ.

Hindi ba siya napapagod na paulit-ulit na tinatanong ang reaksyon niya sa kahinaan ng PR ni Paulo pag siya na ang topic?

“Ganoon naman po talaga, paulit-ulit lahat ng tanong, di ba? Normal po ‘yan.

“Pero para sa akin, meron pa rin po kaming individualities.

"So kung meron po tayong kanya-kanyang atake sa buhay, kahit na ganoon, so hayaan po natin, di ba?

“We live in a democratic country.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nami-misinterpret si Paulo na ang dating sa ilan ay itinatago siya at ang kanilang anak.

Sabi naman ni LJ tungkol dito, “Well, hindi ko kasi… siyempre mahirap pong sumagot para sa ibang tao kahit na malapit po sa atin yung tao. Mahirap po sumagot para sa kanila.

“Kahit naman po siguro sino, hindi puwedeng…

“Hindi naman sa ipagtanggol, hindi ako puwedeng sumagot kahit anong tanong o anong issue for him, dahil hindi ako yun.”

Nasanay na ba siya sa ganitong set-up?

“Actually, wala namang set-up.

“I mean, kapag sinabi mo kasing set-up na parang may rules na sinusundan, well… wala naman,” paglilinaw ng Kapuso actress.

Hindi ba siya nag-aalala sa negative image ni Paulo sa press?

Sabi ni LJ, “Siyempre, concern po, pero I can only do so much, di po ba?

“Kung sa akin, okey kayo, hindi naman puwedeng… kahit anong pagtatanggol ang gawin natin, kung yung ibang tao ay hindi nagugustuhan, wala po akong magagawa.

“Lahat naman po tayo ay may kanya-kanyang pag-iisip at preferences, di ba?”

Hindi ba niya maaaring lambingin o pagsabihan si Paulo tungkol dito?

Ayon kay LJ, “Alam ninyo, iba-iba kasi tayong mga tao, di ba?

“Kahit ano ang sabihin mo at magsa-suggest na ganito na lang ang atake mo, siyempre may sarili siyang isip at kung ano ang gusto niyang gawin, di ba?”

"EVERYTHING HAPPENS FOR A REASON." May pagsisisi ba siya sa nangyari sa kanila ni Paulo?

Tugon ni LJ, “Everything happens for a reason. I always believe na ganoon talaga.

“God put people in your life para may maitulong sa buhay mo, to mold your life, to teach you some things in life.

“Siyempre, ang best diyan ay experience, di ba?

“Si God, maglalagay talaga ng mga tao sa buhay mo na kailangan para sa buhay mo.”

Hindi ba siya nanghinayang na sana ay ang ex-boyfriend niyang si Alfred Vargas na lang ang nakatuluyan niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Napatawa nang malakas si LJ at sinabing, “Nakakahiya naman!

“Teka lang, nakakahiya po dun sa asawa niya.

“Gaya po ng sinabi ko kanina, si God, He puts people in our lives whether they stay or they go—it’s for a reason.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN