Kapuso teen star Renz Valerio admits crush on Star Magic talent Janella Salvador

Gusto raw ng teen star na si Renz Valerio na dahan-dahan lang ang pag-usad ng kanyang career. Paliwanag niya, “Sa totoo lang po, ayoko naman po ng biglang boom. Kasi, kapag biglang boom, yung next project mo, hindi ganoon kaganda... Parang bigla kang tataas then biglang bababa.”


Fourteen years old na ngayon ang isa sa top child stars ng GMA-7 na si Renz Valerio.

Pitong taong gulang siya nagsimula sa pamamagitan ng soap opera na Noel, na ipinalabas sa sister network ng GMA-7 na QTV. Si Renz ang gumanap sa title role.

Ngayon, siya ang gumaganap na panganay sa limang magkakapatid sa afternoon soap ng GMA-7 na Mga Basang Sisiw.

Bakit nga ba gusto ni Renz mag-artista?

Sagot niya, “Ewan ko po, siguro po kasi since bata pa ako, gusto ko nang maging director.

“Hanggang sa napasok na po ako, na ang sarap maging artista, gusto kong umarte.

“So, yun nga po, nag-promise po ako na hindi matatanggal sa honor basta lang po payagan ako [na mag-artista].”



TWEEN STARS. Hindi nalalayo ang edad ni Renz sa mga sikat na tween stars ngayon ng Kapuso network na sina Kristoffer Martin at Derrick Monasterio.

Naiinggit ba si Renz kapag napapanood niya noon ang Tween Hearts at hindi siya kasali rito?

Sabi naman niya, “Awkward pa po kasi akong age noon, nagsisimula pa lang akong pumiyuk-piyok noon kaya hindi rin po ako nasali.

“Sabi naman po ng GMA, kami raw po ang next na Tween. At si Bianca [Umali] po, kasabayan ko po siya.

“Actually, hindi po Tweens ang term nila. Parang mas bata pa po ng konti sa teen.”

Si Renz ay co-managed ng GMA Artist Center at ni German "Kuya Germs" Moreno.

“Actually po, this year pa lang po ako naging under kay Kuya Germs,” sabi niya.

Kasama ni Renz si Jake Vargas na alaga rin ni Kuya Germs.

“Actually, siya po [Jake] ang isa sa peg ko.”

Paano siya napunta kay Kuya Germs?

“Bale yun nga po, matagal po akong natengga. Tapos, nasa GMA po ako, nakita niya po ako.

“Tinanong niya po ako kung ano ang project ko ngayon. Sabi ko, ‘Wala po, wala po akong project ngayon.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi po niya, ‘Punta ka sa Walang Tulugan this Friday.’

“Nang pagpunta ko po, sabi po niya, ‘Mag-host ka na dito, mag-dance ka na rito. Ikaw na bahala, co-manage na kita.’

“Alam na rin po ng parents ko.”



BIGGEST BREAK. Itinuturing ni Renz na malaking break para sa kanya ang Mga Basang Sisiw.

“Sa ngayon po, ito po talaga ang big break ko.

“Matagal na rin po akong hindi nagkakaroon ng teleserye, tapos biglang project, heavy drama.

“So, matagal po akong nawala sa mata ng mga tao.

“Nagbabalik po ako sa kanila, heavy drama naman.

"Sana po, ito na nga po yung break.”

Ano ang gusto niyang mangyari sa career niya ngayon?

Sabi ni Renz, “Sa totoo lang po, ayoko naman po ng biglang boom.

"Kasi, kapag biglang boom, yung next project mo, hindi ganoon kaganda.

“Parang bigla kang tataas then biglang bababa.

“Kaya ngayon po, ang gusto ko, paunti-unti para at least, yun na po ang mala-Dingdong Dantes na peg.

“Yun po ang gusto kong marating kapag 20 years old na ako.”

Si Dingdong ba ang idolo ni Renz sa mga aktor?

“Isa po sa mga idol ko… gusto ko rin po si Mr. John Lloyd Cruz lalo na po sa pag-arte.”

Sino naman ang gusto niyang maka-loveteam?

“Dati po talaga, gusto kong maka-partner si Barbie [Forteza].

“Kaso po, nauna na sina Kuya Derrick [Monasterio], Kuya Joshua [Dionisio].

“Pero yung crush ko pong talaga, actually, nagagandahan lang po akong talaga, si Janella Salvador po.

“Nakita ko lang po siya sa Twitter at maganda po siyang talaga.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN